CHAPTER 6

351 24 3
                                    

(Vi's POV)

Vi groaned and held her head. Unti unti niyang ding iminulat ang mga mata niya and her eyes widened ng makita ang isang dambuhalang aso na kulay brown. Nakalabas ang dila nito pati na ang pangil. Agad na kumabog ang dibdib niya sa kaba. She had experience being bitten by Milky before. Ayaw niyang makaranas na naman ng injection! And dogs had a nasty bite too!

"Ah!" Dali dali siyang lumayo sa aso. At hindi niya inaalala kung saan siya tatama basta makaalis siya sa harap nito. Then the back of her head bumped into a wall. Vi closed her eyes tightly from the onslaught of pain.

"A-Aray!" Then she instantly opened them when she heard a laugh.

"You are so funny. Hindi naman nangangagat si Nongnong."

Vi tilted her head. Nongnong? The dog is massive and huge and Reilene named it Nongnong? Kung hindi niya lang ito kilala iisipin niyang social dapat ang name ng dog nito. And she's the daughter her mother was talking about? Oo nga at maganda ito but after their encounter. Parang mas gusto niya pang malapit na lang sa school ang i-jowa!

She shook her head and glared at the girl in front of her. Ngiting ngiti kasi ito at mukhang tuwang tuwa sa sitwasyon niya. Tumayo siya at itinuro ang aso nito.

"G-Get her away from me."

"Why afraid of dogs?" Reiline looked at Nongnong and the dog also did the same. Parehas pang tumagilid ang ulo ng mga ito as if questioning each other.

Vi shook her head and glared at them again bago siya tumayo. "I just came here to bring the pizza over. Akala ko naman magandang maganda talaga ang anak ng kapitbahay."

She just whispered the last part pero mukhang narinig nito ang sinabi niya dahil pinandilatan siya nito ng mga mata.

"W-What did you say?" Nanliit ang mga mata ni Reiline sa kanya.

As if sensing its owner's agitation. Nongnong barked at her. Unti unti din itong lumapit sa kanya. Agad niyang inangat ang mga kamay at nanlaki ang mga matang umatras mula sa aso. Her heartbeat beating abnormally fast in fear.

"M-May sinabi ba ako?" Hindi niya inalis ang mga mata sa aso. Kahit pa unti unti na ding lumalapit sa kanya ang amo nito. She shook her head repeatedly. "W-Wala naman ah!"

"There clearly is."

"W-Wala!"

Kung may ililiit pa ang mga mata nito siguradong mas maliiit na iyon sa sobrang pag kunot ng noo nito sa kanya. And the damn dog is not helping! Umatras siya ng umatras at huli na ang lahat ng makita niya ang panlalaki ng mga mata nito. Then Reiline reached out to her and grabbed her waist. Muntik na pala siyang malaglag sa elevated part ng kusina papunta ng living room.

Violet looked at Reiline's face ng magkalapit sila ng mukha. Reiline looked at her lips before settling on her eyes and Vi also did the same. Reiline breathes heavily on her face. And she was surprised that the woman's breath smells like watermelon mixed with chocolate. And those eyelashes seem very long. Ok. Binabawi niya na. This woman is gorgeous but she won't fall for that pretty face kahit ito na lang ang natitirang babae sa mundo!

"B-Bitawan mo na ako. K-Kaya ko na." Vi straightened her body and stood up properly. Hindi siya makalingon dito. But she saw on her peripheral vision that the woman tilted her head looking at her.

Surprisingly though ng nilingon niya ang salarin na aso. Nongnong was silent and was licking his paws. Natakot lang pala siya sa wala at nagka-moment pa sila ni Montefalco. Vi glared at the dog.

"Hindi kasalanan ni Nongnong kung matatakutin ka sa aso."

Doon na nilingon ni Vi si Reiline. Sumimangot siya dito. "Paano mo nalamang matatakutin ako sa aso?"

"Hindi pa ba sapat na reason yung nahimatay ka kanina ng nakita mo si Nongnong?"

Pagkasabi nun ay tumawa ito ng tumawa. Saglit siyang natulala dito. Ngayon niya lang kasi nakita ang pag tawa nito. And it was beautiful but Reiline Montefalco is still Reiline Montefalco. May dahilan naman siguro kung bakit takot dito ang mga kaibigan niya. Vi shook her head from the trance. She put her hands up in the air. Sumusuko na talaga siya. She wants to get out of here.

"Hinatid ko lang talaga yang pizza. Uuwi na ako." Tinalikuran niya ito at nag lakad na siya sa pinto.

"Yung sinabi ko sayo pag isipan mo. Jona and her friends are bad news. If you don't stay away before they discover the truth. You will be sorry."

"Yeah. Whatever." Hindi na niya ito nilingon. Tuloy tuloy lang siyang lumabas sa bahay ng mga ito.

Vi can't believe na ang tinutukoy pala ng mga magulang niyang magandang anak ng dalawang babaeng kaitbahay nila ay si Reiline freaking Montefalco. She would sooner cut her fingers off that to have feelings for that woman. Masyado itong high and mighty at iniisip na tama ang payo nito para sa kanya. Its her life she should be the one deciding what she will do with it.

"Nakita mo na ang anak namin?" One of the gorgeous woman stood up and smiled at her.

And Vi wondered if Reiline will look as beautiful as this woman kapag tumanda na ito. Magkamukhang magkamukha kasi ang ngiti ng mga ito. But she shook her head. Permanente na ata ang poker face ng babaeng iyon at tumatawa lang ito kapag nang iinis. Kaya naman no thanks.

"U-Uhmmm... opo naibigay ko na din ang pizza. Thank you po sa pag papatuloy."

She bowed her head a little. Ngumiti naman ang mga ito sa kanya.

"Thank you. Tamang tama di pa nga kami nag hahapunan." The other woman smiled at her and Vi felt the sincerity in the woman's voice.

Muli siyang ngumiti sa mga ito bago nag paalam. Derideritsong nag lakad na siya sa gate para sa tao. And before she came out of the small gateway. Nilingon niya muna ang pinto ng bahay ng mga ito and her eyes widened ng makita si Reiline sa tapat ng pinto. Nakasandal ito sa hamba habang hawak ang tali ni Nongnong and the damn dog is also looking at her direction. Palabas labas pa ang dila nito.

Tumayo ang balahibo ni Vi ng maalala ang encounter nila ni Nongnong. Kailangan niya na talagang makalabas sa bahay ng mga Montefalco. She doesn't ever want to encounter that dog again and the owner!

Pagdating niya sa bahay. Agad na pinalibutan siya ng dalawa niyang mommy at ng kapatid niya. Though Red is not circling her and following her around like their two mothers. Nakaupo lang ito sa couch at nakatingin din sa kanya. Pero halata namang nag aabang ng sasabihin niya.

"So. Kamusta? Nakita mo na ang anak nila?" Her momma bit her lip and widened her eyes at her. Inangat agat pa nito ang kilay. "Ang ganda di ba? Anak baka gusto mong ligawan."

"Love...." Mommy Cas looked at her Momma. "Hindi mo pa naman alam ang sexuality ni Vi. Don't dictate her so much."

"Alam naman natin that your daughter is gay from the very first time na nakilala niya ang anak nina Yuri. Remember Vi tried to kiss their daughter. Kaya there's no doubt that Vi is gay."

"Momma!" Vi shook her head. Pinigilan niya na matawa sa sinabi nito. Hindi niya na maalala ang sinasabi nito but she finds it funny na gagawin niya iyon sa edad na 5 years old. Hindi niya na nga maalala ang mukha ng anak nina Tita Yuri. It was a long time ago at nag migrate na ang mga ito sa Canada.

Vi didn't respong pero kinulit pa rin siya ng kinulit ng mga magulang niya. Lumingon siya sa kakambal at nag patulong na dito but Red ignored her right then and there dahil wala siyang planong mag share. Paano? It was an embarrassing moment!

Violet's are Blue - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon