CHAPTER 59

178 16 8
                                    

Rei had been in a good mood habang nakatingin sa dokumentong binabasa niya. Crush? Totoo bang crush pa din siya nito?

She smiled again and tilted her head slightly. Naalala niya ang mukha nito. Lila's face is red like a tomato at ang cute tingnan.

She bit her bottom lip hard and grinned. Pinaikot ikot niya ang ballpen sa kamay niya. Shit. Kahapon lang iyon nangyari pero hindi iyon mawala sa isip niya. Mula din ng araw na iyon ay hindi na ito makatingin sa kanya palagi.

"Mam?"

Nami peeked on the open door at alanganin itong ngumiti sa kanya.

Rei pursed her lips. Mukhang ilang na ang secretarya sa kanya. Pero hindi naman niya ito masisisi. Ilang beses niya itong nasungitan dahil nakikita niyang nilalandi ito ni Lila. Samantalang wala naman talaga siyang karapatan.

She sighed. "Yes?"

"Andito po si Ms Montefalco." Pagkasabi nun ay umalis na agad ito sa pinto.

Kumabog ang dibdib niya. Andito si Lila? Tapos na ba nito ang pinapagawa niyang revisions?

She quickly checked herself in front of her phone. Tiningnan niya kung may muta ba siya. She also checked her lips kung chappy ba.

Before she could put down her phone ay napatingin siya sa pinto nang may kumatok doon. She stopped checking herself in the mirror and wetted her lips. Bago niya dahan dahang ibinaba ang phone niya.

Lila showed her a shy smile. Inangat nito ang hawak na blue tube bago nag muwestra na papasok na ito sa loob ng office niya.

"Maganda ka na, Boss. No need to check yourself."

Nag init ang pisngi niya but she chooses to ignore what Lila said and pretended that she was reading some documents in front of her.

"Akina ang blue print."

She offered her hand pero ang ibinigay nito sa kanya ay ang kamay nito kaya kunot ang noo na umangat siya ng tingin niya.

Her hand immediately felt the current travelled all over her hands and tickled her heart. Kumabog ang dibdib niya sa kaba. What does Lila think she's doing?

Kunot ang noo na muli niyang inangat ang tingin ditto. But to her surprise ay nakangiti lang ito.

"I'm sorry akala ko gusto mo hawakan ko ang kamay mo."

Nang aasar ba ito? Obvious naman na ang blue print ang hinihingi niya. But why is her damn heart doesn't want to sit still inside her chest? Bwesit talaga! Bakit ba nakakadala ang mga ngiti nito? Ibang iba na ito sa Lila noon. Madaling mapikon noon ang babaeng mahal niya. Hindi rin ito ganun katapang.

She rolled her eyes. Mabilis niyang binawi ang kamay ditto dahil kung hindi ay siguradong hahalikan niya ito dahil ang cute cute nito sa paningin niya ngayon.

Napasimangot ito at tinitigan ang kamay nito. "Rei.... What if I told you that I still like you? W-Would you...."

Nahigit niya ang hininga niya sa sinabi nito. Seryoso ba ito? Kung kanina ay malakas na ang tibok ng puso niya ay parang lalabas na iyon ngayon sa dibdib niya. Bakit ba kasi siya nito tinatanong ng ganun? Sa mismong opisina niya pa?

Pumikit ito saglit at nakita niya ang paglunok nito ng laway. When Lila opened her eyes ay ang tindi ng titig nito sa kanya. "Rei.... I still like you. I regret breaking up with you---I----"

She bit her lip. Kung alam lang nito ang tumatakbo sa utak niya nang mga panahong namatay ang Mom niya. She doesn't know if she felt relieve that day na nakipag hiwalay ito kahit pa masakit din iyon sa kanya. May mga bagay na hindi pa rin niya maamin dito.

Isa pa may girlfriend na siya. Should she just tell Lila that? Pero gugustuhin niya bang tuluyan na itong lumayo sa kanya? Sa isipin pa lang na lalayo ito ay tila pinipiga na ang puso niya.

But this is not the right time to talk about this. She pursed her lips. Sinalubong niya ang tingin nito. "I'm sorry Lila. Can we talk about this another time? Nasa trabaho tayo."

Sa sinabi niya ay bumagsak ang gilid ng labi nito. Marahan itong tumango at hindi na ito nagsalita pa. Rei felt the heaviness between them kahit pa isinasantabi niya iyon.

She looked at the blue print nang ibigay nito iyon sa kanya ng walang kibo. Ilang beses niyang tinitigan ang blue print but she couldn't see anything wrong with it. Mukhang ginawa nga nito ang mga suggestion niya. She suddenly felt bad. Lila risk asking her that pero hanggang ngayon ay hindi niya pa din magawang maging honest dito.

Kaya siguro sila nag hiwalay noon dahil hindi siya nag sasabi ng nararamdaman niya dito. Ito ang nakapansin na nahihirapan na siya. That she wasn't getting any sleep dahil sa pinag sasabay niya ang pag aaral at pag t-trabaho. Tapos ay kailangan niya ding intindihin ang nangyayari ditto. It was too much for her. Lila has been honest from the very beginning.

Shit. She was the one who was tired from their relationship. She blamed Lila dahil nauna itong sumuko but in truth siya ang unang sumuko. Hindi niya lang masabi na pagod na pagod na siyang pag sabayin ang lahat ng bagay. But she still loves Lila. Hanggang ngayon ay ito pa din ang mahal niya.

"O-Ok na ito." She swallowed the lump in her throat. The realization made the corner of her eyes tear up. Hindi niya inangat ang tingin niya dahil siguradong magiging marupok siya. She needs to sort things out first.

Kung sakali ngang gusto pa din siya nito. Then maybe they could give their love a chance.

Ibinalik niya ang blue print dito. Lila held it. Matagal bago nito tuluyang kunin sa kanya ang blue print.

"Thanks for the time Ms Montefalco."

Pagkasabi nun ay umalis na ito sa harap niya. She only looked at Lila's shoes nang tumalikod ito. Saka lang siya nag angat ng tingin.

Lila's shoulders are also slumped. Rei inhaled deeply para pigilan ang luhang kakawala sa mga mata niya.

"Baby----!"

Her tears were caught in her throat nang magkasalubong si Emma at si Lila. Lila was halfway through the door nang pumasok naman doon si Emma.

Emma looked at Lila's way. Mukhang ganun din si Lila dahil napatigil ito sa pintuan.

"W-What are you doing here?"

Despite the mixed emotions she was feeling right now ay nagawa niyang maitanong iyon sa girlfriend niya. She quickly stood up.

"Kakadating ko lang. I want to surprise you." Emma said. Inalis na nito ang tingin kay Lila at ngumiti sa kanya. Kunot pa noo nito.

Ibinuka niya ang bibig para sana mag paliwanag but Lila was already walking out of the door.

She's doomed. Ngayon ay alam na nitong may girlfriend siya. Maybe it's for the better. Hindi niya na kailangang magpaliwanag kung bakit hindi niya mapapangatawanan na may gusto pa din ito sa kanya. But damn it. Bakit parang dinaganan ng mabigat na bato ang dibdib niya nang makita niya ang pag mamadali sa kilos nitong makalabas ng office niya?

----------------------

A/N: Hello po. Thank you po sa nagbabasa nito. ^^ Nakatapos din ng isang chapter pwede ko na po itong i-post. Buti na lang at may battery pa po ang laptop. 

Violet's are Blue - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon