CHAPTER 30

229 8 2
                                    

"Bye, Momma." Vi kissed her Momma's cheek.

Maagang umalis ang Mommy Cas nila dahil may emergency na naman daw sa ospital. It was just Vi, Red and their Momma.

Vi looked at the house next to them. Hindi niya maiwasang mapangiti. Girlfriend niya na si Montefalco and there's a whole new meaning to the rooftop to her now. It's their exclusive place.

Kahit isang sulyap lang sana ng baby niya sa bintana ay siguradong buo na ang araw niya. But there was nothing even a peep from those window. Baka nag hahanda pa ito sa pag pasok. O baka nga nauna pa sa kanya papunta ng school.

Sa naisip ay napakunot noo siya. Bakit hindi man lang siya nito inantay o kaya ay tinext? Excited pa naman sana siyang makasabay ito sa pag pasok. She missed holding Montefalco's hands.

"Vi, sakay na! Ano bang tinititngnan mo diyan?"

Napasimangot si Vi nang lingunin ang Ate Alyssa niya. Nakasakay na din pala ang kapatid niya sa likod ng sasakyan. Iiling iling lang na tinitigan siya ng Momma niya. Mukhang nakita din nito na tinititigan niya ang bintana ni Montefalco.

Bagsak ang balikat na nagtungo siya sa kotse at pumasok doon.

She'll just ask Montefalco kung bakit hindi ito sumabay sa kanila papasok. Pinaandar na ng ate Alyssa niya ang sasakyan and Vi couldn't help but looked at the house again.

Sana ay ayos lang ito.

------------

Umibis si Vi sa sasakyan. Her ate Alyssa looked at her up and down before shaking her head.

Nakakunot ang noo na tinaasan niya ito ng kilay. "Is there something you want to say ate?"

Umangat ang gilid ng labi ng ate Alyssa niya. "Parang may iba sayo. You are glowing. What's the secret?"

Sa sinabi nito ay agad na pumasok sa isip niya si Montefalco. Then her face became aflame.

Wala namang iba sa kanya maliban sa inlove na siya. And the affection of her love feels the same way. But what should she say? Think Vi! She bit her lip.

"N-Nag try lang ako ng bagong sabon ate."

Namilog ang mga mata nito. "Ano? Tell me? Baka maging ganyan ako ka glowing pag kaharap ang kapatid mo."

She leaned in to her Ate Alyssa's ears. Sinabi niya lang dito ang unang sabon na pumasok sa utak niya. Dahil wala naman talaga siyang sekretong sabon. It's all because of Montefalco kung bakit siya glowing. Hindi naman ma-a-achieve iyon sa sabon lang.

"Thanks, Vi." Her ate Alyssa saluted bago nito paandarin palayo ang sasakyan.

Vi was left standing there, and suddenly, she felt anxiety attack her. Shit. She suddenly remembered the conversation she had with Jona. She wasn't comfortable with them anymore pero wala naman siyang ibang masamahan.

She jolted when she felt her phone vibrated. Dali dali niyang tiningnan iyon. Her smile eventually lit up nang makitang kay Montefalco iyon galing.

Vi quickly opened it and her eyebrows knitted together.

'Mamayang hapon pa ako makakapasok, baby. Mama is rushed to the hospital. She needs me there.'

Vi bit her lip. Sana naman ay ok lang ang mama nito. She quickly types a reply habang nag lalakad papasok sa gate ng school. Maaga pa naman kaya hindi siya nag mamadali. It's just 7 am.

'You want me to come with you?'

Tumunog ulit ang phone niya nang nasa tapat na siya ng pintuan ng classroom nila. Vi took her phone out and reads Montefalco's reply.

'No need, baby. Papasok ako sa hapon, promise.'

'Then I'll just skip school and come with---'

Bago pa matapos ni Vi ang message niya kay Montefalco ay tumalsik na sa kamay niya ang cellphone niya. Someone bumped into her and that person went straight inside the room.

Nakakunot ang noo na kinuha ni Vi ang cellphone niya at masamang tinitigan ang gumawa nun. She saw Gavin smirked at her. Saka ito naupo sa upuan nito.

While Jona and the rest of the gang just looked at the board like nothing happened. Kumunot ang noo niya.

She just shook her head at pumasok na din sa loob. Inangilan niya si Gavin.

"Real childish, Gavin."

Hindi ito kumibo. Mabuti na lang at andiyan na din ang teacher nila kaya hindi na din niya inintindi ang mga ito. She just looked at the front too. Bahala ang mga ito kung anong trip. Basta wag lang siya ang pag trip-an ng mga ito.

'Baby. I miss you.'

Vi quickly made a message and hit sent. Pero natapos na ang unang klase ay wala pa din itong reply. She was wondering what happened at hindi ito maka-reply agad sa kanya. Maybe Montefalco is busy with her mother. Yun siguro ang emergency na pinuntahan kaninang umaga ng Mommy Cas niya.

She bit her lip.

Her eyes immediately lit up nang mag vibrate ang cellphone niya. Kagaya nga ng inaasahan niya ay si Montefalco na naman ang nag message.

'I miss you too. Hindi man lang kita nayakap at na-kiss ng matagal. But I'll be there on the rooftop at lunch.'

Warmth made its way to her heart. Vi bit her lip hard. Tamang tama at nagpaturo pa siyang magluto sa Momma niya ng paboritong ulam ni Reiline. Sana magustuhan nito ang kalderetang manok.

Napatingin si Vi sa taas ng pader kung saan nakalagay ang orasan sa classroom nila. She wished it was already 12 o clock para makalabas na sila.

She tapped her foot a few times habang nag l-lecture ang teacher nila. Hindi niya din iniintindi sina Jonas a likod na panay din ang message sa kanya. She actually read all of them.

'Vi, let's party tomorrow.'

'Tsaka pwede bang pumunta sa inyo ngayong sabado? Gusto naming dalawin ulit sina tita.'

She doesn't know if she will be able to pull off the same thing as the last time. It was a one-time thing kaya niya napapayag ang ate Alyssa niya. But this time ay hindi na iyon papayag.

Kinagat ni Vi ang labi niya. Tama nga si Reiline. Jona and her friends are bad news. Anong gagawin niya? She wetted her lips.

Siguro ay tatakasan niya muna ang mga ito.

When the bell rings ay agad na tumayo si Vi. Sinukbit niya agad sa balikat niya ang bag pack at dinala naman sa kamay niya ang mga Tupperware na pinaglagyan nila kanina ng Momma niya. It was stacked together at may hawakan pa kaya madali niya lang itong madala.

"Where are you going, Vi?" Jona held her shoulder. "Tara sa canteen."

Vi lowered her head. "Sorry. May gagawin pa kasi ako."

She shook Jona's hold and walked quickly towards the door. Hindi niya nilingon ang mga ito kahit pa tinatawag siya. She'll just say some lame excuses later. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay pumunta ng rooftop.

Her heart beating fast against her chest habang paakyat siya ng hagdan. Kahit sulyap lang ni Reiline ay siguradong mapapantag na ang dibdib niya. Screw Jona and her friends.

Vi catched her breath nang nasa tapat na siya ng pintuan ng rooftop. Then she smiled, knowing that behind the door was Reiline's smiling face again.

Tinulak niya pabukas ang pinto.

Violet's are Blue - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon