CHAPTER 41

207 17 15
                                    

x  x  x  x  x  Trigger Warning   x   x   x   x 

"Mommy?!" Reiline immediately rushed to her Mom nang makitang nag susuka na naman ito. Napilitan tuloy siyang tapusin ang usapan nila ni Vi even though she still wants to talk to her girlfriend.

The puke spilled on the floor dahil hindi nito agad naabot ang balde na pag susukahan nito. She took the container near her mother and patted her back. Nangangamoy ang asim sa buong kwarto at mukhang hindi naman na iniintindi ng Mom niya ang amoy. Her mother is heaving and spilling her guts out on the bucket. Umiling iling pa ito habang nag susuka.

Her eyes automatically teared up. But she blinked to stop herself from crying. Naipit sa lalamunan niya ang luha. Ito ang dahilan kung bakit hindi niya ito magawang iwan. She can't even sneak a quick text dahil maya't maya na ang pag susuka nito at ang pag d-deliryo.

Naawa siya sa Mom niya but she can't do anything but tapped her mother's back and say soothing words. Gusto niyang umiyak sa harap nito pero alam niyang ayaw ng Mom niya na makitang naaawa siya dito. Ang hiling nito sa kanya kung aalagaan niya ito ay lagi siyang ngumiti. But it was hard habang tinititigan niya ang maputla nitong mukha. At ang unti unti nitong pagpayat. Pati na ang madalas nitong pag susuka pagkatapos ng chemotherapy.

They can't afford a personal nurse for her mother dahil simula nang magkasakit ang Mom niya. Her Mommy was the only one who worked. Tapos kabikabila pa ang medical bills. Madalas na nga din siyang absent.

She was worried for Vi's bullying situation dahil wala siya doon para mapag tanggol ito kung mag decide sina Jona na i-bully ulit ito. She badly wants to see Vi. Gusto niyang sabihin dito na na baka pag namatay ang Mom niya ay lilipat na din sila ng tirahan. Their house near the De Silva's are about to be sold soon.

Naka-depende lahat sa pag galing ng Mommy niya. But they tried everything; Mrs De Silva, Vi's mother told them that the chemotherapy would only prolong her Mommy's agony. Pero ayaw ng Mom niyang pakawalan ang Mommy niya. Her Mom still wanted to have her Mommy try Chemotherapy.

As much as she wants to wish for a miracle to happen. Hindi niya magawa dahil habang kasama niya ito sa hospital at nakikita niya ang paghihirap nito. She knew that what Mrs De Silva said was true. It would just be a matter of time before her mother succumbed to her illness. They are just prolonging her agony.

Kitang kita niya iyon sa pagkalagas ng mga buhok nito at ang pagngangalumata nito.

"Rei?" Her mother's voice is hoarse.

Napapikit siya nang haplusin nito ang mukha niya. Her tears are threatning to fall in her eyes again. But she bit her lip hard to stop herself from crying.

"Y-Yes, Mom?" Napalunok siya nang pumiyok ang boses niya.

"Promise me you will take care of your Mom for me. I love you and I love her." Her mother's voice cracked and after that a sob escaped her lips. "G-Gustong gusto kong mabuhay para sa inyong dalawa. Pero ramdam ko na. Alam ko na kaunting panahon na lang ang natitira sakin. G-Gusto kong makasama kayo ng Mom mo. In a normal day, the way we used to. Gusto kong mag picnic. Gusto kong kainin ang paborito kong pagkain. I want to see the trees and smell the fresh air, for one last time."

"M-Mommy....wag kang mag salita ng ganyan." Umiling siya. Namuo ang luha sa mga mata niya but she smiled anyway. She blinked several times to will the tears away. Ayaw niyang makita nito ang luha sa mga mata niya. "Parang nag papaalam ka na kung magsalita ka. Ayaw ko. Please, ayaw ko."

Her Mommy smiled, it was a tired smile. "Sabihin mo sa Mom mo na itigil na ang chemotherapy ko. I don't want to cause you two anymore trouble. Alam kong malaki na ang bill natin at hindi ka na din madalas makapasok dahil sa pag babantay sakin. It's time for the two of you to let me go. Gusto kong baunin niyo sa alaala niyo ang itsura ko bago ako nagupo ng sakit ko."

It's so unfair. Bakit sa pamilya pa nila nangyari ito? They were a happy family. Puno ng pagmamahal ang bahay nila. Much like what the De Silva's had pero bakit ganito ang nangyayari ngayon? Gusto niyang isipin na pinaparusahan sila ng Diyos dahil hindi normal ang buhay ng pamilya nila. Her two mothers are lesbian and so was she. Ang alam niya kahit hindi siya mag basa ng bible ay kasalanan ang pagiging homosexual. It was engraved in her brain since the day she had to go to a normal school, where people's idea of love is just between a man and a woman.

Napayuko siya. Bakit sa mga De Silva ay hindi nangyari ito? Not that she wants this thing to happen to the family of her girlfriend pero hindi niya maiwasang isipin na may paborito ang Diyos. The De Silva's are the same as them. Vi's two mothers are lesbians and so are the two daughters.

She bit her lip hard. Masama ba siyang tao dahil naisip niya iyon?

Gusto niyang sumigaw habang hawak hawak niya ang kamay ng Mommy niya. Gusto niyang magtampo sa Diyos dahil kukunin na nito ang isa sa taong mahalaga sa kanya. She doesn't want to let go either like her Mom. Pero alam niyang hirap na hirap na ang Mommy niya.

"O-Ok. Mommy. Sasabihin ko kay Mom na ilabas ka na sa hospital." She looked at those hollow and sunken eyes. "M-Mag p-picnic tayo like we used to. Kakainin natin yung paborito mong pagkain. T-Tapos dun tayo sa park na presko ang hangin."

Ngumiti ang Mommy niya. Tumango tango ito habang nag lalandas ang luha sa mga mata nito. Reiline bit back the sob about to came out of her mouth. She looked away nang tumulo ang luha sa mga mata niya. Agad niyang pinunasan iyon. She had to be strong or her mother will cry too. Bawal ditong masyadong mapagod at umiyak ng umiyak.

She'll just cry when her Mommy sleeps later. Sa ngayon ay hahawakan niya ang mainit nitong kamay hanggang kaya niya.

"Inaantok na ako, Rei." Her mother let go of her hand and leaned on her bed. Ipinikit nito ang mga mata. "Tutulog muna ako. Matulog ka din para makapag pahinga ka. S-Sorry sa pag susuka."

Reiline wiped the tears that fell from her eyes. "It's ok, Mom. Ako na po ang bahala. Sleep ka muna, Mommy."

Her mother smiled.

Pinagmasdan niya ang mukha nito. Her mother is pale even under the white light of the hospital. Malayong malayo na ang itsura nito sa dati. Her mother used to be beautiful.

She let the tears fell down her face. Pwede na siyang umiyak. Hindi na nito makikita.

Dumukwang siya at hinalikan ang ulo nito. "I love you, Mommy."

Pagkatapos niyang halikan ang ulo nito ay agad niyang naamoy ang asim sa paligid. Maybe she couldn't smell it dahil masyado siyang naka-focus sa Mommy niya. Siguro dahil din sa sumasakit na ang ilong niya sa sipon. Naipon na kasi ang luha sa lalamunan niya at ilong.

Reiline looked at the mess on the floor and stood up. She can still do this. Para sa Mommy niya. 

-----

A/N:

Sorry kung mapapaiyak ko kayo sa Chapter. Pero kung hindi naman kayo naiyak, pakisabi sa comment section. Joke lang pero this chapter is so emotional for me. Naiyak nga ako habang nagsusulat. Pasensiya na po sa ibang baka ma-trigger. I know losing someone can be devastating and I want to reached out to those people who are hurting. Wag niyong isisi kay God ang lahat. Time will come that all of us will die. How we live our life? Yun na lang ang tingnan natin. Be brave enough to love, because love is always worth it.  

Violet's are Blue - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon