CHAPTER 32

211 10 2
                                    

Vi. Let's go to your house. Mag party tayo. Babawi kami sayo nina Gavin. Sorry sa ginawa niya. I told him not to do it again.

Vi bit her lip. Ilang araw na niyang iniiwasan ang mga kaibigan dahil parang ramdam niya na hindi na sincere ang mga ito sa pakikitungo sa kanya. But she doesn't want to be left alone. Natatakot din siyang baka ma-bully siya ng mga kaibigan kapag palagi niyang kasama si Montefalco. Hindi niya na alam kung saan siya lulugar.

Pero papayag ba siya sa suggestion ng mga ito? Hindi niya alam kung papayag ang ate Alyssa niya na mag panggap pa din ang mag inupahan nila dati. This is a huge problem.

Nakamot ng ulo niya si Vi.

"Bakit kinakamot mo yang ulo mo, baby?"

Montefalco looked at her. Sabay silang nag lalakad papunta sa condo unit nila ng kapatid niya. She was zoning out for a while and Rei didn't noticed. Ayaw niya namang sabihin dito dahil sigurado siyang mag aalala ito. Besides, Reiline must have been thinking about her mother too.

"W-Wala naman..."

"Are you really ok?"

Napatingin tuloy si Vi dito. Ito ang inaalala niya. Ilang linggo pagkatapos ma-ospital ang mama nito ay mag isa na lang sa bahay ng mga ito si Rei. Kung minsan pag sabado at linggo ay pinapapunta niya ito sa bahay nila at pinapatulog doon.

She knew that it must have been hard living alone.

Lagi ngang lumiliwanag ang mukha nito kapag nakikitang may lutong ulam sa bahay nila. So now she also suggested na sumama na ito sa kanya sa condo nilang mag kapatid. She knew na hindi naman magagalit ang kapatid niya kapag pinapunta niya ito. Red can be understanding. Isa pa mukhang mas ate pa nga nito si Rei kesa sa kanya. Minsan nga ay nakakatampo na ang kapatid niya.

"Oo. Ayos lang." Vi looked away. Ayaw niya itong mag alala pa sa kanya.

She can solve her problem. Nagawa niya nga nung una. Siguradong kaya niya ding gawin the second time around.

Montefalco nodded her head and looked forward. Nakakunot ang noo nito.

Vi sighed. Madami ng inaalala ang girlfriend niya. She doesn't want to add anymore to Montefalco's problem.

Inabot niya ang kamay nito.

Montefalco looked at her with her eyes wide. Hindi tuloy maiwasan ni Vi na mapangiti. Ang cute nito. Namumula din kasi ang pisngi nito habang tinititigan niya.

Siya lang ang nakakapag pa blush sa astig at cool na si Reiline Montefalco and she wished that it will always stay that way.

Malayo naman na sila sa school. Siguro naman ay wala nang makakakita sa kanila dito. Vi swayed their hands in the air habang nag lalakad. Then she walked closer to Reiline.

Nakangiting pinisil nito ang kamay niya. They entered the elevator of the condo unit. They are still holding each other's hands nang buksan ang pinto ng condo unit nila. But they eventually let go of each other's hands nang makitang doon agad napatingin ang kapatid niya nang pag pasok nila.

"K-Kumain ka na, Red?"

Mula sa pagkakatingin sa kanila ay bumalik ito sa dino-drawing nito at umiling.

"I'll cook. Upo ka muna. Montefalco."

"Why don't you just call her baby? Di ba yun ang call sign niyo?"

Nanlaki ang mga mata na napanganga siya sa kapatid niya. Umalog naman ang balikat ni Montefalco. Then before she knew it. Montefalco threw her head back laughing.

Nakita naman niya ang pag angat ng labi ng kapatid niya.

Nakasimangot na pumunta siya sa kusina. Pinag kakaisahan siya ng dalawa.

Vi started to put rice in a rice cooker. Binanlawan niya din iyon, bago niya isalang. Then she chopped some ingredients for the food she would cook. Mag luluto kasi siya ng tinola. She asked her Momma how to do it dahil gusto niyang ma-impress sa kanya si Montefalco.

Nakagat niya ang labi niya at pinigilan niyang mapangiti. Hindi niya akalain na mag aaral siyang mag luto para lang sa isang tao. But she knew that watching Montefalco's face lit up sa tuwing makikita nitong may lutong pag kain ay masaya na siya.

She was busy in the kitchen when she felt an arm wrapped around her waist. Nanlaki ang mga mata na napalingon siya sa may ari ng kamay na iyon at muntik niya nang pukpukin si Montefalco ng sandok na hawak niya. Pero nakangiti pa ito.

"W-Wag mo nang uulitin yang pang gugulat mo sakin. Mamamatay ako sa nerbiyos!" Napahawak pa si Vi sa tapat ng dibdib niya dahil ang lakas ng tibok ng puso niya.

Then she realized that her sister was still on the living room and from the living room ay makikita ang kabuuan ng kusina. Napalingon tuloy siya sa pwesto ng kapatid niya.

"She stepped out for a bit. Mukhang may tinatawagan." Montefalco nuzzled her hair, sniffed then kissed it. "Ang galing mo naman baby. Marunong ka na mag luto."

Vi felt her face a flame. "Syempre nag aral akong magluto."

"For me?"

Kung dati ay hindi niya aaminin dito na totoo ang mga sinasabi nito. Ngayon ay parang hindi niya na maitatanggi na totoo iyon.

Marahang tumango siya dito. Lumawak naman ang ngiti sa labi nito. Then Montefalco rubbed their nose together.

Nakaramdam ng init sa dibdib niya si Vi. She doubts that no one could make her feel loved like what Reiline Montefalco did. Hindi niya na mahanap sa sarili niya ang inis sa tuwing yayabangan siya nito o kaya naman ay siguradong sigurado ito sa sarili nito.

She admires Reiline's confidence. Sana ay ganun din siya ka-confident despite what anyone thinks.

"I love you so much, Lila." Montefalco looked into her eyes and stared at her. Ang intense ng titig nito. "Thank you for taking care of me and supporting me. I never would have thought that I needed someone this much to be my moral support. So thank you."

Vi bit her lip and looked in Montefalco's way. She searched Reilene's eyes, and she saw nothing but love there. Para siyang matutunaw sa mga titig nito. And Vi realized that Montefalco's eyes are really expressive.

Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito. Montefalco did the same.

Kumabog ang dibdib ni Vi. She missed kissing those lips. Binasa niya ang ibabang labi niya. She leaned in. Habang unti unting lumalapit ang labi nila sa isa't isa. Vi slowly closed her eyes.

But before their lips met. They heard a gasp.

"Oh my----Pwede bang mamaya kayo mag kiss? May iba kayong taong kasama."

Red then walked past them and lifted the lid of the casserole.

Kumukulo nap ala at umaapaw ang niluluto niyang tinola.

Vi winced. Montefalco smiled pero pigil na pigil naman ang ngiti nito. Akala siguro nito ay makakaligtas ang labi nito sa kanya. Nilingon niya ang kapatid niya. When she was sure that Red wasn't looking. At patalikod na si Montefalco. Hinigit niya ang braso nito at pinaharap ito sa kanya para gawaran ng isang smack sa labi.

Natulalang napatingin ito sa kanya. Tumalikod si Vi at di maalis alis ang ngiti sa labi niya. Malambot pa din ang labi nito.

Red walked past her back to the living room. Tumingin pa ito sa kanya and Vi put up her fist in front of her sister.

Nagkibit balikat lang ito.

Mamaya na lang siguro niya i-t-torrid kiss si Montefalco. Pero sa ngayon ay masaya na siya na naka-isa siya dito. 

Violet's are Blue - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon