CHAPTER 10

312 20 1
                                    

(Vi's POV)

Vi looked down as soon as she saw students coming her way. Maaga pa at ayaw niyang masira ang mood niya kapag nakita niya si Montefalco. Siguradong aasarin lang siya nito.

Hindi pa nakakatulong na naalala niya ang katangahang ginawa niya ng gabing iyon. Pati na ang pang b-black mail nito. But she was confident na hindi nito magagawa ang bagay na iyon dahil di naman ito close sa magulang niya.

Sa naisip ay napaderitso siya ng tayo. Oo nga ano? Hindi nga pala nito close ang magulang niya.

She smiled. Inangat niya ang mukha niya at naglakad na ng maayos papunta sa classroom nila but she immediately stopped when she saw Montefalco smirking at her. Nakasandal ito sa hamba ng pintuan ng classroom nila habang nakahalukipkip.

Shit!

Vi tried to go back to the other direction pero napaatras na lang siya ng lumapit ito ng lumapit sa kanya.

"H-Huwag kang lalapit!" Vi put a hand out pero hindi ito nag patinag.

Montefalco smirked at her.

Napalunok na lang ng laway si Vi ng ngumiti ito ng malapitan. Kahit pa umaangat lang ang labi nito sa gilid ay parang hihimatayin na siya sa nakikita niya. Parang nag m-marathon ang puso niya sa bilis ng pag tibok noon.

Napalingon siya sa paligid niya. This is a dangerous situation dahil baka makita sila ng mga kaibigan niya. Kaya naman imbes na matakot ay sumimangot na lang siya at hinawakan ang kamay nito. Kahit na napansin na ni Vi ang tila kuryente galing sa kamay nito ay hindi niya na inintindi.

She dragged Montefalco to the roof top. Hindi naman ito kumibo hanggang sa makapasok sila sa exit door.

Agad niyang binitawan ang kamay nito at ipinunas ang kamay niya sa uniform niya.

Inangat nito ang kilay sa ginawa niya. "Diring diri?"

"N-No. But I need to remove my hands from viruses na galing sayo."

She saw Montefalco stopped herself from smiling. Inilagay na lang nito ang kamay sa bibig nito. "I think I'm pretty clean if you ask me. Gusto mo patunayan ko sayo?"

Vi bit her lip ng titigan nito ang labi niya. And she shook her head hard. Kung yun nga ang iniisip nito kagaya ng naisip niya ay nag kakamali ito. She needs to be firm! Damn it!

"T-There's no need to do that!"

"Then, why did you drag me here?"

Inangat ni Vi ang ulo niya at tinitigan ito ng masama. "T-Tungkol dun sa sinabi mo. Are you really blackmailing me?"

Ngumiti ito ng bahagya pero agad din nitong ibinalik ang poker face nitong mukha. "Yes. I am."

Vi looked at the entrance of the roof top. Sinigurado niya munang walang makakarinig sa sasabihin niya before she took a step forward. Malapit na malapit kay Montefalco. Mula sa pwesto niya ay amoy na amoy niya ang pabango nito. She can smell a chocolate fragrance na hindi masakit sa ilong.

Itinagilid nito ng bahagya ang ulo nito and was looking at Vi with a naughty smile on her face.

Argh!

Kahit inis na inis na si Vi dito ay hindi siya mag papatalo dito. Hindi basta basta tumitiklop ang isang Violet De Silva!

Sumimangot siya.

"Hindi ako naniniwala sayo. You don't even have my parent's number."

"Well. Kung hindi ka naniniwala. I can call them right now."

Pagkasabi nun ay inangat nito ang cellphone at ipinakita sa kanya ang pangalan ng mama niya. Tita Momo at Tita Cassy pa nga ang nakalagay sa pangalan ng mga mama niya sa contacts nito. Nanlaki ang mga mata niya at sinubukang agawin ang cellphone dito. But Montefalco put it away. Mas matangkad ito sa kanya kay hirap na hirap siyang kunin ang phone dito.

Hinihingal na sumuko na lang siya sa pag habol. Ang aga aga ay nag e-exercise siya. Sinamaan niya ito ng tingin. Ito na talaga ang nakakainis na nilalang para sa kanya! Grr!

She bared her teeth.

Ngumisi lang ito. Nanlaki ang mga mata niya ng pinindot nito ang phone nito. Ni-loudspeak pa talaga para marinig niya.

"Hello? Reiline? Buti napatawag ka."

Ang masiglang boses ng momma niya ang agad niyang narinig. Napapikit siya. Pag mulat niya ng mga mata ay nakaangat ang gilid ng labi ni Montefalco sa kanya.

"Tita may sasabihin po sana ako. Si Vi po kasi----"

"Oo na! Tigilan mo na yan!" She muttered it at mukhang naintindihan naman nito.

"So. Gagawin mo na ang lahat ng sasabihin ko?"

"Sige Tita. Thanks po." Pinatay na nito ang phone at muling ngumisi sa kanya.

Lumapit siya dito habang tumatango. But her eyes are fixated on the cellphone. Sinundan ni Montefalco ang tinitingnan niya. And before the other one could held it back. Naagaw na ni Vi ang cellphone nito. Nakangising tumakbo siya palayo kay Montefalco. Parang hinahabol ng kabayo na mabilis siyang tumakbo palayo and when she put a distance between them. Agad niyang hinanap ang pangalan ng magulang niya sa phone nito.

Napangisi siya ng mabura niya ang pangalan ng momma at mommy Cas niya sa phone nito. Bago pa iyon makuha ni Montefalco. Nanlaki ang mga mata na tiningnan siya nito.

But as soon as Montefalco did that ay tumawa ito ng tumawa.

Pinamewangan niya ito with matching taas pa ng kilay. "Anong nakakatawa?"

"Do you realize I can just ask for their numbers again through your sister?"

"A-Ano?"

Tumango tango ito. "Yes. Magka vibes na kami ni Red. May number din ako ng kapatid mo."

"Shit!" Napahawak siya sa ulo niya. Parang sasakit iyon bigla. Walang nagawa na tumingin siya dito. "S-So ano ngayon ang gusto mong mangyari?"

"Well my first task for you is bring me strawberry milk mamayang tanghalian. Kundi isusumbong kita sa magulang mo."

---------------------------

"Vi. Saan ka pupunta?" Jona grabbed her arms ng tumayo siya agad pag katapos ng bell.

Lumikot ang mata niya. "U-Uhmm...... diyan lang. May hinahabol lang kasi akong assignment sa ibang subject. Puntahan ko na lang kayo sa canteen."

Alam niya kasing kapag sinabi niyang sa rooftop ang punta niya ay sasama ang mga ito sa kanya.

Nagkatinginan ang mga ito. Saka tumango na lang na tila napipilitan.

"Sayang manlilibre pa naman sana si Caper ngayon. He said to invite you. Baka kapag hindi ka kasama ay hindi na yun manlibre."

Vi looked at the clock and at her friends. Kahit naman gusto niyang sumama sa mga ito kahit si Caper pa ang manlilibre ay hindi pwede. Mas mahalagang pag silbihan niya si Reiline 'Demonyita' Montefalco.

"Sabihin niyo na sa susunod ako promise sasama ako. Impossibleng hindi kayo i-libre ni Caper porke wala ako doon. Kailangan ko lang talagang tapusin itong assignment."

"O-Ok."

Jona let her arm go, and Vi bolted out of the classroom. Hinanap niya agad ang vending machine ng school nila. And she looked at her wallet and cursed. Bwisit talaga si Montefalco. Uubusin nito ang budget niya para sa pag p-party.

Lugmok ang balikat na ipinasok niya ang 100 pesos na bill sa vending machine at agad na pinindot ang strawberry milk option. She waited for the bottle to dropped and immediately got it out. Patakbo siyang pumunta sa rooftop para madala kay Montefalco ang bote.

And as soon as she exited out of the rooftop door ay napatigil siya. Montefalco is looking down at the campus ground habang nililipad ng hangin ang buhok nito.

Nakalimutan na tuloy ni Vi na huminga ng maayos kahit na hingal na hingal na siya. Montefalco is breathtaking habang nasisinagan ng araw ang mukha nito. 

Violet's are Blue - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon