CHAPTER 45

223 17 1
                                    

"Vi?"

Vi opened her eyes from sleeping. Agad siyang napangiti nang makita si Reiline na natutulog sa tabi niya. They took a nap after their love making and she can't help but stare at those long eyelashes. Bakit kasi ang ganda ganda nito kahit bagong gising o kahit tulog?

She reached out her pointing finger to poke Montefalco's cheeks. Hindi niya mapigilang mapahagikgik dahil kumunot lang ang noo nito at bahagyang sumiksik pa sa kanya.

"Vi?!"

Napatingin siya sa pintuan nang marinig ang sigaw ng Momma niya. She looked at the time on the clock. Agad siyang napapikit nang makitang 9 pm na. Andito na pala ang mga ito. Siguro kanina pa siya tinatawag at kakain na!

"Rei!" She shook Reiline's shoulder pero umungol lang ito.

Napatingin ulit siya sa pinto nang maging urgent na ang katok doon. May duplicate key pa naman ang Momma niya. Paranoid din kasi ito na baka may mangyari sa kanila kaya kapag emergency lang daw nito iyon gagamitin.

"Rei!" She kicked Montefalco's shin.

"Aw!" Napasigaw ito at nanlaki ang mga mata na napatingin sa kanya.

Vi made a peace sign. "S-Sorry. Andiyan na si Momma. Lagot tayo kapag nalaman niyang may---may---"

She swallowed hard. Reiline smirked. Ipinatong nito ang kamay sa baba at tumitig sa kanya.

Kumabog ang dibdib niya nang muling kumatok doon ang Momma niya. Shit! Lagot na talaga!

"Vi? Hindi ka ba nagugutom na bata ka? Ano bang nangyayari sayo diyan? Ayos ka lang ba?"

Sunod sunod na tanong nito. Napangiwi siya. She was panicking yet Montefalco still looks calm and collected habang nakatingin sa kanya.

Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Magbihis ka na nga o kaya ay pumunta ka ng c.r!"

"Relax. I'll tell your Momma na nag bibihis ka at nakatulog ka."

"Pag hindi ka sumagot Vi ay bubuksan ko na itong pinto! Nag aalala na ako sayong bata ka!"

"S-Sorry po. Nakatulog kami ni Lila! Lalabas na po kami." Montefalco smiled at her after saying that. "Ayos ka na?"

Reiline mouthed the last word.

Napatingin si Vi sa pintuan nang marinig niya ang pag hinto ng pag pasok ng susi doon.

"Alright. Pumunta na kayo ng hapag kainan ha?"

Then she heard the footstep retreating. Bumaling siya kay Montefalco at pinaghahampas ito sa braso na sinasangga naman nito. Tawa pa ito ng tawa samantalang parang lalabas na sa dibdib niya ang puso niya nang marinig ang boses ng Momma niya.

Montefalco reached for her cheeks at hinaplos haplos nito iyon. Lumamlam pa ang mga mata nito at napakunot si Vi nang makita ang lungkot sa mga mata nito.

"B-Bakit malungkot ka? Pinagsisihan mo ba ang nangyari satin?"

Nanlaki ang mga mata nito at agad na napailing. "N-No! It's never like that. I-I just---"

Pumikit ito saglit. At nang mag mulat ito ng mga mata ay ngumiti na ito. Umiling iling pa ito. "It's the best gift you have given me, Lila. Thank you."

Sa sinabi nito ay namula ang mukha niya. She wasn't experienced. Mas may experience pa nga ito kesa sa kanya. Her heart was also beating fast habang nakatingin dito.

"L-Let's go at baka mapagalitan ako ni Momma!"

Umaalog ang balikat at tatawa tawang bumangin na ito. But before that nagnakaw pa talaga ito ng halik sa labi at sa pisngi niya. Nakatulalang napatingin siya dito nang tuluyan na nga itong makabangon. Sa inis niya ay kinuha niya ang throw pillow at binato dito.

Sapol ito sa mukha kaya siya naman ang natawa. Napahawak pa nga siya sa tiyan kakatawa.

Pero hindi ito gumanti sa kanya. Reilien just stood there like she was starstruck. Vi became self conscious. Napaiwas siya ng tingin dito at tuluyan nan gang bumangon. Kinuha niya ang throw pillow dito at inayos iyon sa higaan. A comfortable silence fell in between them.

Hinawakan niya ito sa kamay at pinag salikop ang mga daliri nila. Hindi siya tumitingin sa mukha nito dahil siguradong pag nakita niya ang maganda nitong mukha ay d-doble ang lakas ng tibok ng puso niya.

Naglakad sila papunta sa kusina at binitawan niya na ang kamay ni Reiline nang makita ang Momma niya. Nakatingin ito sa magkahawak nilang kamay.

But her Momma didn't say anything. Kahit ang kambal niya ay parang wala lang nakita. Napatingin tuloy siya kay Reiline at kitang kita niya ang pamumula ng mukha nito. Kumunot ang noo niya. Bakit? Parang may agreement ang mga ito nang magkatinginan?

Vi ignored the whole atmosphere at naupo na sa tapat ng lamesa. Pinaghila pa siya ng girlfriend ng upuan bago ito umupo sa tabi niya.

"A-Anong ulam ma?" Pumiyok ang boses niya.

Her sister snickered. Pinandilatan niya ito ng mga mata.

"Hot dog, bacon at pancakes." Her Momma said and looked at Red. Kinindatan pa ng Momma niya ang kapatid.

Bwisit na bwisit tuloy siya nang matapos silang kumain. Parang pinagkaisahan siya ng mga ito. But she couldn't quite get the joke. Reiline was just smiling and blushing the whole time they were eating breakfast.

"Rei." Vi made her face serious. Napalunok tuloy ang girlfriend niya ang ihatid niya ito sa tapat ng mga bahay ng mga ito.

"A-Ano?"

"Bakit parang may inside joke kayo nina Momma?"

Napakamot ito sa batok nito. Then Rei sighed. "I-I maybe they know that something happened between us. Ang lakas mo kasi makaungol at makasigaw kagabi."

Agad na kumalat ang init sa mukha niya. Shit! Tinakpan niya ang mukha. Nakakahiya talaga! Paano niya pa ngayon mapipigilan ang sarili na wag mahiya kapag nakikita ang Momma niya. Siguradong tutuksuhin siya nito ng tutuksuhin.

"B-Bakit di mo sinabi?"

She couldn't look at Rei's eyes. "Eh kasi baka lalo kang mahiya. Baka di mo na din malunok ang pagkain mo."

"But still!" She put her hands on her face again. "Bwisit ka talaga, Montefalco!"

Hinampas niya ang braso nito. Pero hinuli nito iyon at ngumiti sa kanya. "Sorry, promise I'll tell you next time."

Kinabig din siya nito palapit dito. Reiline held head and sniffed her hair. Vi settled in Reiline's embrace. Her heart warmed. Gusto niyang manatili silang ganito. But it's already morning and she knew that Reiline still needs to be with her Mom.

"S-Sige na. Baka kailangan mo nang bumalik sa ospital. Just remember to text me."

"I will." Hinalikan nito ang ulo niya at nakangiting pinangigilan ang pisngi niya.

Napasimangot si Vi. She rubbed her cheeks dahil medyo nanggigil ito at masakit na ang pisngi niya. Nahampas niya ulit ito sa braso.

"Masakit!"

Tatawa tawang ngumiti lang ito at tuluyan nang pumasok sa loob ng gate ng mga ito.

Vi couldn't help but smile habang tinitingnan ang malaking bahay ng mga ito. Hindi niya akalain na ang babaeng mag papatibok ng puso niya ay magiging kapitbahay niya pa. She wished that everything goes back to normal. Pero alam niyang sa likod ng mga ngiting iyon ng babaeng mahal niya. Rei is hurting. Sana man lang ay makatulong siya dito kahit papaano para pansamantala nitong makalimutan ang hihinagpis nito.

She sighed. Sana lang talaga ay ayos lang ito. 

Violet's are Blue - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon