CHAPTER 13

259 15 1
                                    

(Vi's POV)

"Add mo ako sa FB."

Napasimangot si Vi sa sinabi ni Montefalco sa kanya. As usual nasa rooftop na naman sila. Kanina pa siya nito inuutusan ng kung ano ano. She followed it all dahil ayaw niyang mahalata siya ng mga kaibigan niya but her being missing in action. Hindi kaya mas lalong mag duda ang mga kaibigan niya kung ano ginagawa niya?

"Ayaw ko."

"Ok." Tumingin ito sa kuko nito. Saka siya nginisihan. "Sasabihin ko na lang yung pag palo sayo ng momma mo."

Pinanlakihan niya ito ng mga mata niya at kinagat niya ang labi niya. "W-Wag naman yun!"

Montefalco threw her head back laughing. Sa sobrang tawang tawa ito ay napapadyak pa ito ng paa at napapahawak sa tiyan. Sumimangot siya. Siguradong pinag t-trip-an na naman siya nito.

Nakakahiya pa naman na pinalo siya ng Momma niya sa harap nina Ate Alyssa. Tapos nakita pa nitong si Montefalco. Sinusumpa niya na talaga kung sino man nag benta nung bahay sa katabing bahay! O kaya di na lang siya uuwi sa bahay nila kada sabado at linggo.

"Eh di sasabihin ko sa iba na umihi ka sa pool!"

Dinilaan niya ito.

Umangat naman ang gilid ng labi nito saka siya tinitigan ng maigi. Nailang siya dahil parang may binabalak itong hindi maganda ng bahagya nitong inilapit ang mukha sa kanya.

"Akala mo ba may maniniwala sa sinabi mo?" Pagkasabi nun ay umiwas na ito ng tingin sa kanya. "Besides. Kahit sabihin mo yan. Wala din naman akong paki. Who in their diaper days didn't pee in the pool?"

Vi scoff. "Hmmph! Ayan na naman siya sa pa-cool niya."

"Hey. I heard that." Itinuro siya nito. Mukhang na-badtrip ito. Nakasimangot na itinuro nito ang strawberry milk na binili niya. "Abot mo nga yung strawberry milk. Kumuha ka na din kung gusto mo."

Nagdadabog na inabot niya dito ang strawberry milk. Kumuha siya ng isa at alanganin pa siya nung una na uminom.

Nilingon niya ito. "Hindi ko pa 'to na-t-try."

"What?" Napatingin ito sa kanya at ngumiti.

Kaagad na umiwas si Vi ng tingin. Bwisit! Bakit ba ang ganda na nito kapag nakangiti! Iba din ang karisma!

"It's the best thing in the world!" Dugtong pa nito.

Vi took a sip and Montefalco waited for her reaction. Tinikman niya muna ang lasa and Montefalco's right. Masarap nga! Tama lang ang asim at matamis. She looked at Montefalco and beamed.

"Masarap nga!"

"I told you."

Montefalco lifted her chin up and puff out her chest. Napatingin naman dun si Vi.

Shit! Bakit ang perfect na ata nito sa paningin niya kahit na lagi siya nitong inuutusan at inaasar? Sa tingin niya ay nasa C-cup and dibdib nito. She coughed when the strawberry milk drink entered her nose. Napansin niya kasi ang pag sunod nito sa tinitingnan niya and when Montefalco lifted her face. Nag tama ang tingin nila at ngumisi ito.

She sputtered the liquid from her mouth and her nose. Dali dali siyang tumayo. Mabilis din naming inilabas ni Montefalco ang panyo nito but Vi is already putting the drink down. Siya na mismo ang kumuha sa panyo at pinagpunas sa damit niya.

"A-Alis na ako. Baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko."

Hindi niya inantay na mag salita ito. Vi grabbed her bag and exited the roof top door.

Hawak hawak niya ang tapat ng puso niya habang pababa ng spiral staircase. Shit! Para siyang tumakbo sa marathon sa lakas ng tibok ng puso niya. Her hands are also sweating. Bakit ba kasi yun na ang napapansin niya dito? Di ba dapat naiinis siya dito?

"Wag naman sanang magkagusto ako sa----"

She stopped her sentence ng muntik niya ng mabangga si Caper na mukhang papunta naman ata sa rooftop.

Agad na kumunot ang noo nito ng makita siya. Lalo pang kinabahan si Vi ng mapansin na tumingin ito sa medyo basa niyang uniform. The pinkish liquid is still soaking a part of her school skirt pati na ang ibang bahagi ng dibdib niya.

"Lila? What are you doing here?"

"Uhmm...." Lumingon muna siya sa pinanggalingan niya bago tingnan si Caper. Pilit niyang tinatakpan ang damit niya at pinupunasan ang natapon na strawberry milk. "N-Napadaan lang ako dito. Nag hahanap ng---" Think, Vi! Ano ba ang pwede niyang idahilan? "Ng c.r na malayo sa mga classroom. Alam mo na nakakahiya."

Mula sa pag kakunot ng noo ay unti unting sumilay ang ngiti sa labi ni Caper then it turned into laughter.

Sa lahat naman ng idadahilan niya yun pa talaga. Vi wants to mentally smack herself. Siguradong turn off na ito sa kanya ngayon.

"Ang cute mo, Lila. Don't worry. Your secret is safe with me." Kumindat pa ito sa kanya bago pumunta sa direksiyon ng rooftop.

Hindi makapaniwalang napatingin na lang siya sa likod nito. What the hell did Caper just said? Tsaka anong gagawin nito sa rooftop? Makikipagkita ba ito kay Montefalco? Those two are bestfriend, kaya hindi na dapat siguro siya mag takang pupunta ang huli para makausap si Montefalco.

Ilang beses niyang nailing ang ulo niya. Hanep din ang lalake na iyon. Hindi ba ito na turn-off man lang o nandiri sa sinabi niya? But anyway. Hindi naman sila talo ni Caper! Kasalanan talaga ni Montefalco ang lahat!

Inis na pinadyak niya ang paa papunta sa c.r na malapit sa canteen. She dried her uniform and skirt using the handkerchief Montefalco gave her. Hindi niya na-realize kanina na dala dala niya pa rin pala ang panyo.

--------------

"Hoy!" Jona snapped a finger in front of her face.

Napakurap kurap tuloy si Vi. Nakagat niya ang labi niya ng tingnan ang mga kaibigan niya. Nasa loob nga pala sila ng canteen at wala na din masyadong estudyante. Paano kasi halos 10 minutes na din ang lumipas simula ng tumunog ang bell. Hudyat na nag sisimula na ang klase nila pero heto at nakatambay pa silang mag kakaibigan.

"Y-Yes?"

"Kanina ka pa tulala. Let's go na!"

All of her friends stood up and Vi followed her shoulder dropping. Kanina pa hindi maalis sa isip niya si Montefalco. Hindi niya din maiwasang hawakan ng mahigpit ang panyo na ibinigay nito. She smelled it earlier too. Isang pagkakamali dahil amoy na amoy niya ang pang babae nitong bango. It was mixed of honey and chocolate.

Ang ikinakatakot lang ni Vi ay kung nagkakagusto na nga ba talaga siya kay Montefalco? Makakain niya ata ang mga pinag sasabi niya dito. Paano ba naman kasi niya iiwasan ang dalaga? Montefalco is blackmailing her too!

Grr! Makikita talaga nito. Kapag nakahanap siya ng baho nito ay ito naman ang i-b-blackmail niya. Nasa kanya pa din ang huling halakhak! 

Violet's are Blue - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon