CHAPTER 11

271 19 2
                                    

(Vi's POV)

Binabawi niya na! Sinong nagsabing breathtaking ito?! Sumimangot siya habang nakaupo sa harap nito. Sana mabilaukan ito sa iniinom nitong strawberry milk drink!

"Gusto mo?" Montefalco offered her the strawberry milk pero mabilis siyang umiling habang nakasimangot.

Nagkibit balikat lang ito at muling tumingin sa baba.

"Kailan mo ba ako papaalisin dito. Nagugutom na ako!" Pinadyak pa ni Vi ang paa niya para mahalata nitong iritang irita na siya.

Lumingon ito sa kanya at tinitigan siya mula ulo hanggang paa then back to her face na nag pailang sa kanya.

"I told you to eat that. Matigas lang talaga ang ulo mo at napaka arte."

Nanlaki ang mga matang tinitigan niya ang kinainan nito. Saka iyon itinuro. "You want me to eat that!"

Her voice sounded ridiculous even to her ears. Paanong hindi eh. Tinirhan siya nito ng pagkain sa baunan nito. Though it really was half eaten. Hindi siya kumakain ng tira ng iba!

"Bakit? Wala akong virus."

"Wala ka ngang virus pero baka may bacteria ka at rabis!"

"What?!" Itinuro nito ang sarili. "I can't imagine what you'll do if you had your first kiss with me. Baka bawiin mo yang sinabi mo."

"Hambog!" Tumayo siya at nag tangkang umalis sa harap nito. Kung iniisip nitong hahayaan niya lang itong i-bully siya ay nag kakamali ito. She had enough of that in elementary school. But before she could walk away ay hinawakan nito ang kamay niya.

And Vi felt that electrifying sensation again from Montefalco's touch. Hindi siya nakagalaw. She just waited for Montefalco to say something. Pero hindi niya din naman mabawi ang kamay niya. Shit! She's in really deep trouble. Nanghihina siya kapag nahawakan na siya nito.

Tumayo ito at tinitigan siya. Montefalco sighed. "Ok. Just stay right here. Ibibili kita ng pagkain kung ayaw mo niyan."

Binitawan nito ang kamay niya. Agad niyang ipinunas ang kamay sa uniform niya. She gets the tingles all over her body sa hawak nitong iyon kaya kailangan niya munang burahin.

Umiling ito at bahagyang ngumiti. "Diring diri ka talaga sakin. Yung kanina tungkol sa kiss joke lang yun."

Napatunganga si Vi ng lumabas ito sa exit door ng rooftop.

Vi looked at the exit door pero ni anino ni Montefalco ay hindi niya na makita. She wondered if her friends are already finished. Pero alam niyang lumalagpas pa nga minsan ang mga ito sa breaktime. Baka andun pa ang mga kaibigan niya at pwede pa siyang makahabol sa pag hang out.

Ilang minuto na rin naman ang nakalipas but Montefalco isn't coming.

Baka kinalimutan na din siya nito. Sa naisip ay bumgasak ang balikat niya. She played with her hands habang tumitingin tingin sa pintuan na nilabasa nito. She wasn't someone important. Bakit naman siya maaalala ni Montefalco?

Vi sighed and stood up. Baka makahabol pa siya sa mga kaibigan niya kung pupuntahan niya na ang mga ito sa canteen. She walked to the exit door but only to be stopped by Montefalco. Habol nito ang hininga habang nakatingin din sa kanya.

Napanganga si Vi. Why is it unfair?! Kahit pawis na pawis ito at medyo magulo ang buhok ay maganda pa din!

"I-I'm sorry. Madaming pila sa canteen. Kaya ngayon lang ako nakabalik. Tumakbo na nga ako para makakain ka pa din."

Napakurap kurap siya ng ilang beses dito. Inangat ni Montefalco ang hawak nitong supot ng pagkain. And Vi bit her lip. Wala sa sariling kinuha niya ang plastic dito at bumalik sa bench na inuupuan nila. Sinundan naman siya ni Montefalco na umupo sa tapat niya.

Ngumiti ito and Vi's irritation vanished. Isa pa ay gutom na din naman talaga siya.

She opened the plastic only to be disappointed na walang spoon and fork doon.

Kumunot ang noo niya at tinitigan si Montefalco na napatingin din sa kanya na kunot ang noo.

"What?"

"Walang spoon and fork. Anong gagamitin kong pang subo?"

Montefalco's eyes widened. Napasilip din ito sa plastic na bahagya niyang ibinukas. Napangiwi ito ng makitang wala ngang spoon and fork.

Kakamot kamot sa ulong tinitigan siya nito. "I'm sorry. Nag mamadali kasi ako kanina kaya di ko na napansin na walang spoon and fork. Marunong ka naman sigurong mag kamay di ba?"

"Hindi malinis ang kamay ko. Ilang beses mo na akong hinawakan sa kamay baka may virus, bacteria at rabis na 'to!"

Montefalco sighed and looked irritated. Kinuha nito ang bottled water nito at kinuha ang kamay niya. Tinupi nito ang long sleeves niya. Pagkatapos ay binuhusan ang kamay niya ng tubig. But she just stared at Montefalco's face. Napansin nitong hindi niya kinukusot ang kamay niya.

Wala sa sariling napangiti siya ng sumimangot ulit ito. Ang cute kasi ng pag pout ng labi nito.

Vi's smile vanished ng hawakan nito ang kamay niya at ito na ang nag hugas nun. Napalunok siya ng laway niya sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Why is Montefalco doing this? Crush ba siya nito?

Hindi niya tuloy namalayan na tapos na ito sa pag hugas sa kamay niya. Nahimasmasan lang siya ng padaanan nito ng kamay ang mukha niya.

"You are staring again. I'm breath taking aren't I?"

Ngumisi pa ito.

Vi scoffed. Pinagpag niya ang kamay niya at muling kinuha ang bottled water dito at binuhos sa kamay niya. "Asa! Dapat sinabi mo na lang na hugasan ko ang kamay ko. Pa cool!"

"I'm not!" Montefalco glared at her. "Cool talaga ako at matalino. Di kagay ng iba diyan. Di nag isip kung paano siya makakakain."

Hindi siya nag salita sa sinabi nito. Gutom na gutom na talaga siya at naririnig na niya ang pagkalam ng sikmura niya. She was happily eating ng mapansin niyang parang nakatingin ito mula sa peripheral vision niya.

"What?" Puno ang bibig na sinita niya ito.

Montefalco shooked her head and looked at the ground na tila nahiya itong nahuli niyang nakatitig sa kanya.

"Magkaibang magkaiba kayo ni Red."

"Syempre. We are not the same person kahit pa magkamukha kami."

"Not just the face. Your aura. You look so brave and cheerful all the time. Samantalang halos parehas kami ng personality ni Red."

Vi stopped eating. Nilunok muna niya ang kinakain niya bago titigan si Montefalco. "Hindi kayo magkapareho ng kapatid ko. Hindi yun mayabang at masyadong confident!"

But to Vi's surprise ay tumawa ito. Tawang tawa habang nakahawak pa sa tiyan ang kamay.

Kumunot ang noo niya at tinaasan ito ng kilay.

When Montefalco stopped laughing ay tinitigan siya nito ng seryoso. "I can be overconfident dahil ikaw ang kaharap ko. I'm not usually like this with just anyone. Ang sarap mo kasi asarin."

"Ah ganun!" Vi glared at Montefalco. Umiling siya at pinag patuloy na ang pagkain niya.

Antipatika! Dinudotdot niya na ang baboy sa pagkain niya habang iniisip na si Montefalco iyon.

She's just an amusing thing for Montefalco. Anong tingin nito sa kanya laruan? Kapag talaga may mahanap siyang baho nito ay ito naman ang i-b-blackmail niya.

Sa naisip ay umangat ang gilid ng labi niya. Humanda ito sa pag halungkat niya ng dirty secrets nito.

"You are thinking of something naughty, aren't you?"

Montefalco looked at her smirk. Agad na inalis iyon ni Vi sa mukha niya. Umiling siya. "Wala ah! Masarap pala itong adobong baboy na binili mo."

"Bukas ditto ulit. Mag dadala na ako ng baon para sa dalawa para di na tayo bababa."

"Ano?!" Napasuntok si Vi sa dibdib niya ng mabulunan siya.

Ngumisi lang ito.

Reiline 'Demonyita' Montefalco na talaga ang tawag niya dito! Wala na siyang social life kapag di pa siya nakaalis sa pang b-black mail nito!

Violet's are Blue - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon