CHAPTER 20

254 13 2
                                    

Kanina pa pasilip silip si Vi sa bakuran ng mga Montefalco. She was even eyeing the window from Montefalco's room. Pero hindi ito sumisilip doon.

Nanghihinang naupo siya sa gutter ng kanal. Kahit yung suplada nitong aso wala din. Hindi niya kasi marinig na tumatahol ito. She suddenly missed Nongnong.

Vi swayed the plastic bag she was carrying. Namamawis na doon ang pinalamig niya sa freezer na strawberry milk. Should she just go home and put the strawberry milk back in the fridge? Nasaan na ba kasi ang supladang si Montefalco?

"Vi?"

Napatayo agad siya sa kinauupuan niya at agad na inalis ang tingin sa bintana ni Montefalco nang makita ang kapatid niya.

Nakakunot ang noo nito at mukhang may pupuntahan ata. Her sister is wearing a short matched with a kimono like cardigan na nakapatong sa t-shirt nito.

Now it was her turn to frown. "Saan ka pupunta?"

Iniwas nito ang tingin at naging blanko ang ekspresyon sa mukha. "Diyan lang sa park. Bakit?"

Oh... "Date?"

Lumarawan sa mukha ni Red ang inis. "Wag ako ang iniintriga mo, Vi. Why are you looking at Ate Reiline's window? Wag mong sabihing bukod sa stalker ka na manyakis ka pa?"

Agad na kumunot and noo niya. Kapag si Montefalco may 'Ate', kapag sa kanya wala? Sino ba talaga ang ate nito? Parang gusto niyang mag papadyak sa harap ng kapatid niya but she chooses not to. Ngumuso na lang siya.

At ano ang ibig sabihin nito na stalker at manyakis siya? When the realization hit her. Nae-eskandalong bumukas ang bibig niya. Shit! If someone overhears her sister ay siguradong sasakalin niya ito. Ibubuko pa siyang may crush siya kay Montefalco! Wait. May crush na nga ba talaga siya kay Montefalco?

Ginulo niya ang buhok niya. She's in really deep trouble. Pag tatawanan lang siya ni Montefalco kapag nalaman nitong crush niya na ito. Ang hangin pa naman ng isang yun.

Naiiling naman na iniwan siya ng kapatid niya sa sidewalk.

Vi wetted her lip. Her sister is really mean.

Napangalumbaba na tiningnan niya ang bintana ni Montefalco. She's still waiting for even a squek of those windows. Pero wala talaga. Bagsak ang balikat na babalik na sana siya sa bahay niya but she was stopped when she saw a familiar face looking at the window she was looking at. Saka dahan dahan itong lumingon sa kanya.

Montefalco is holding Nongnong's leash on her right hand. Lumarawan ang ngiti sa mukha nito. Those eyes glinted with happiness.

Kumabog ang dibdib ni Vi. Butterflies also started swarming inside her stomach. Bakit ang ganda ganda nito habang nasisinagan ng araw ang mukha? Pulang pula ito at parang diwata na naligaw papunta sa kalsada and those hair framing Montefalco's hair seems like it was adding to her mysterious aura.

"Missed me?"

Sa sinabi nito ay natauhan si Vi. Nakasimangot na umingos siya.

"A-Asa!"

"Then why are you here?" Naglakad ito papalapit sa kanya. "Hindi ka naman madalas umuwi dito eh."

Vi opened her mouth but she closed it again dahil tama ito. Na-m-miss niya ito pero nungka siyang aamin! Gusto niya din sanang tanungin ito kung bakit ito nawala ng isang araw sa school. It was unusual for Montefalco to do it dahil alam niyang studious ito.

"May kainan kasi diyan sa kabilang village. I want to check it out."

Yun na lang ang sinabi niya para hindi mapahiya dito. Reiline's shoulder started shaking. Pigil ang mga ngiting ibinuka nito ang bibig.

Violet's are Blue - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon