CHAPTER 24

237 11 4
                                    

"Ito o ito?" Vi showed Montefalco several pajama's that she owned pero dahil sa matangkad ito sa kanya ng ilang inches. Bitin lahat ng pajama niya dito. Nakailang palit na ito ng mga ibinigay niya.

Montefalco looked cool kahit na bumuntonghininga na ito. Nasa likod nito ang dalawang kamay nito na nakatukod sa higaan niya. There was an amused smile on Montefalco's face na parang gusto niyang burahin sa bibig nito. Nakakabwisit kasi. Bakit ang ganda nito?

"Kukunin ko na lang ang pajama ko sa bahay. Malapit lang naman yun."

Napangiwi si Vi. "Mabuti pa nga. I'm sorry I'm short."

She heard Montefalco chuckle. Tumayo ito at naglakad papalabas ng kwarto niya. Vi looked in Montefalco's way. But there was something in how Montefalco walked that made Vi walk to her side.

"D-Do you want me to come with you?"

Montefalco looked at her. Those gazes softened. "Thank you, Lila."

"Para saan?" Patay malisya na lumingon siya sa kaliwa.

Montefalco must have guessed what she was thinking. Pigil ang mga ngiti nito nang ilagay nito sa likod nito ang mga kamay. Mangani-ngani niya ng batukan ang sarili niya. Is she that obvious? Damn it.

Kumaway pa ang Mommy Cas niya ng dumaan sila sa mga ito. Kunot naman ang noo ng Momma niya.

"Saan kayo pupunta? Madilim na."

Nagkatinginan sila ni Montefalco. Ito ang unang bumawi ng tingin at nilingon ang Momma niya nang nakangiti.

"We are going to my house Tita Momo. Kukuha lang po ako ng damit ko."

"Oh." Tumayo ang Momma niya at pinanlakihan siya ng mga mata.

"What? Anong gagawin ko, Momma? Hindi kasya sa kanya ang mga damit ko."

"Well kung sasamahan mo siya. Dun ka na din matulog, anak." Tinulak tulak pa siya ng Momma niya palapit kay Montefalco.

"Ano?" Na-e-eskandalo na pinanlakihan niya ng mga mata ang Momma niya.

"Go." Tumingin ang Momma niya kay Montefalco. "Pwede bang makitulog sa inyo ang anak ko?"

Napangiwi si Montefalco pero nakangiti din ito kaya tuloy hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip nito. She was the one who is supposed to sleep over pero nabaliktad na ata ang sitwasyon.

Feeling niya tuloy ay binubugaw siya ng Momma niya.

"Hon. Hayaan mo na kumuha ng damit si Reiline. Then they should return here. Delikado na silang dalawa lang ang magkasama sa malaking bahay sa kabila. Here they are safe."

Mabuti na lang at tumayo na ang Mommy Cas niya at hinawakan sa balikat ang Momma niya. Mukhang na –realize din ng Momma niya na may mali ito. Napangiwi ito at apologetic na tumingin sa Mommy Cas niya.

"Bilisan niyo lang kumuha ng damit." Yun na lang ang sinabi nito at tinalikuran na silang dalawa.

Narinig niya ang sinabi ng Mommy Cas niya sa Momma niya nang tumalikod ang mga ito.

"Ikaw talaga, Hon. Sa sobrang gusto mong magkatuluyan yung dalawa. Mapapahamak pa. Please think about your decisions carefully."

"Pasensiya na Hon. I like Reiline for Vi. Para kasing nag kakaroon ng deriksiyon yang anak mo at isa pa her eyes sparkles everytime that kid is around."

Vi bit her lip. Napapikit din siya ng mariin habang palabas sila ni Montefalco sa bahay. Nakakahiya talaga ang Momma niya. Kung alam lang nito. Friends lang ang turing ni MOntefalco sa kanya. Nothing else.

Violet's are Blue - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon