Chapter 42: Truth

2.3K 64 59
                                    

Sharlene's POV

"Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Hindi! Baka mahal mo na rin ako!" Masaya niyang sabi. "Wala namang masama dun di ba?"

Nakita ko ang kislap sa kanyang mga mata sa pagsabi sa akin nito. Hindi masama? Hindi din naman siguro masamang mahal ko rin siya, pero teka nga! Mahal ko na ba talaga?

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Hindi biro yang sinasabi mo Jairus, wag mo ngang gawing laro ito."

"Sino naman ang nag sabing ginagawa ko 'tong laro?" Mula sa pagkagalak, naging seryoso ang kanyang tono. "Sabihin mo nga sa akin, ayaw mo bang mahalin ako?"

"Hindi naman sa ganun pero Jai—"

"Anong hindi? Bakit sa tuwing binubuksan ko tong usapan na'to hindi mo ako sinasagot ng deretso? Ayaw mo sa kin? Bakit? Dahil hindi ko kayang tumbasan ang naibibigay ni Joaquin?"

"Ba't naman nasali si Joaquin dito?"

"Totoo naman di ba? Hindi mo ako kayang mahalin dahil mahal mo pa si Joaquin! Yan ang dahilan mo kaya kahit na anong pagpapansin ang gawin ko balewala parin kasi si Joaquin ang laman ng puso mo! Lintik na Joaquin!"

"Ano ka ba Jairus?! Kanina lang hindi ka naman ganyan ah, bakit ka bigla-bigla ka nalang nagagalit?"

Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig matapos ko itong sabihin. Mahinang hinilot niya ang kanyang sintido habang nakapikit.

"Pasensya na, pagod lang siguro ako."

Hindi ko inasahang hahantong sa ganun ang simple naming pag uusap siguro nga ay pagod talaga siya. Alam ko din naman na may mali ako sa sinabi ko kanina lang, hindi tama na e tanggi ko ang possibilidad na magka gusto ako sa kanya. Hindi yun emposible pero ayaw ko lang madaliin dahil kahit na ano pang pag kukumbinsi kong hindi ko na iniisip si Joaquin, parati ko pa rin siyang iniisip. Siguro nga ay tama si Jairus na hindi ko kayang buksan ang sarili ko para sa kanya dahil si Joaquin pa rin ang laman nito. Ayaw ko din sabihin sa sarili ko na ang mabilis na tibok ng puso ko ay dahil iyon sa mahal ko na si Jairus, pano kung hindi naman talaga? Na masyado lang ako nadadala sa pangyayari dahil babae ako at madali lang akong kiligin? Hindi iyon patas para kay Jai. Naging totoo siya sa akin kaya nararapat lang na maging totoo ako sa kanya.

Hindi nag hapunan si Jairus, alam kong marami siya iniisip kaya nga siguro nagkasagutan kami. Hawak ang tray ng pagkain lakas loob akong pumasok ng kwarto namin. Nakita ko siyang may binabasang papeles habang naka upo sa higaan. Matutulog nalang siya trabaho parin ang kanyang iniisip.

"Jai, kumain ka na." Ni lapag ko ang pagkain sa side table namin, nakita ko kung paano nag liwanag ang kanyang mukha na tila nabunutan ng tinik.

"Hindi ka ba galit?"

"Hindi, nagulat lang ako."

"Sorry, dahil sa nasabi ko, pagod lang kasi talaga ako."

"Gusto ko din sanang mag sorry kasi hindi ko sinasadyang maparamdam sa'yo na hindi ko na papansin ang pagpapakita mo ng pagmamahal, kaya sorry."

"Ang corny naman natin." Pabiro niyang sabi.

"Ikaw kaya ang corny."

"Halika ka nga rito." Lumapit ako at umpo sa kanyang tabi sa kama. "Nadala lang siguro ako sa pagod. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito akala ko kasi pag umamin ako sa 'yo magiging madali nalang ang lahat, maiintindihan mo kagaya ng parati mong ginagawa. Hindi pala ganun ka dali."

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon