Chapter 8: Selda

1.9K 48 18
                                    

Jairus’ POV

Matapos akong makapagshower, lumundag na ako sa aking $50,000 king size bed. Kinuha ko ang cellphone ko to read some stupid messages galing sa mga kaibigan ko.

 

│‘Whaaataahh scene! HAHAHA!’

Bwis*t na Paul! Babangasan ko to pag nagkita na kami!

│‘And Joaquin wins even the game is yet to begin xD’

Nabato ko kaagad ang cellphone ko sa isang sulok ng kwarto nang mabasa and text ni Francis. Bwisit! Hindi ako papayag na matalo! I would never loose with that stupid trying hard rich kid! Nang biglang may narinig akong tumawag. Nakakapagod pa naman tumayo! Wala akong nagawa kaya tumayo ako at pinulot ang cellphone ko pero nagtaka ako dahil hindi naman sa cellphone ko nanggaling ang tunog.

Sinundan ko ang tunog na nasa loob ng CR kung saan nakalagay ang mga nagamit ko nang mga damit. Nasa pantalon ko ito na nagamit ko kanina nanggaling, kinapa ko ang bulsa ng pantalon at kinuha ang cellphone na kakatapos lang sa pagtunog mula sa isang tawag.

Kay barumbada pala to! Naglakad ako pabalik ng aking higaan at nahiga ulit. Isang B1-Mika ang tumawag sa kanya kanina. Sino naman kaya to? Order niya sa Jollibee? Hinalungkat ko ang kanyang cellphone, hindi naman pala masyadong marami ang laman ng phonebook niya. Nag laro muna ako ng Piano Tiles (Don’t tap the white tile) sa cellphone niya, hanggang sa mabagot ako at napunta ako sa kanyang gallery.

Napatawa ako sa mga pictures, hindi siya vain di tulad ng iba puro mga stolen ng ibang tao lang ang nasa gallery niya. May mga pictures din nila ni Joaquin at kanyang mga kaibigan. May picture din na magkahawak kamay sila ng Joaquin na yun pero ang mas napansin ko ay ang picture niya na stolen, may binabasa siyang kung ano sa isang coffee shop.

Maganda din pala tong si barumbada. Sinarado ko na ang cellphone niya at nilagay na ito sa aking side table.

Sharlene’s POV

Umupo ako sa harap ng aking salamin habang sinusuklayan ang aking buhok. Naging pasa na nga ang kagabing namamaga kong pisnge. Kinuha ko ang aking make-up at nag simulang tabunan ito ng foundation para maging pantay ang kulay ng aking balat at ng pasa. Naibaba ko kaagad ang hawak kong sponge nang may kumatok sa aking pintuan.

“Pasok.”

“Ma’am, pinapatawag ho kayo ni sir sa baba.” Tugon sa aking ni manang Lusing. Kumabog nanaman ng mabilis ang puso ko. Kinakabahan akong harapin si Papa, pero kailangan ko ngang pangatawanan ang nagawa ko, ipaglalaban ko parin si Joaquin. Tumayo ako at lumabas na ng aking kwarto. Habang pababa ako ng hagdan at papalapit ng papalapit sa dining area pabilis naman pabilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan man ako ngayon sa pagharap kay Papa pero hindi ako nag sisisi na ginawa ko yun para kay Joaquin. Tahimik lang si Papa na kumakain at hindi man lang ako tinignan sa aking pagdating.

Umupo ako sa aking lugar sa hapag, sa bandang kaliwa ni Papa.

 “Shar, have some of this.” Inabot ni Mama ang plato na may ham sa akin at tinanggap ko naman din ito. Nilagay ko lamang ang pagkain sa tabi ng aking plato at tahimik lang ito na tinitigan. Hindi ko kayang mag panggap na parang walang nangyari kagabi.

“Kumain ka na.” Biglang sabi ni Papa habang patuloy na kumakain ng kanyang almusal. Hindi ako gumalaw at patuloy na nag walang kibo lamang. Tumayo si Mama at nilagyan ng pagkain ang plato ko.

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon