To be Your Lady

1.4K 18 0
                                    

Nakalimutan kong ilagay sa last part ng YM xD sarreh, new story pala.. 


Chapter 1: She's the one

"PUUTAAA! Hinahabol na ako ng tank! Shit shit shit! Tarantado ka Kiko!"

"Para-paraan yan!"

"Isa ka nalang hayop ka idedelete na kita sa contacts ko 'tado!"

Napuno ng halakakan at pagmumurahan ang isang internet café. Aliw na aliw sa kanilang nilalarong off-line game ang magbabarkada na animo'y di nila pinag sasawaan kahit ilang beses pa nila itong nilalaro sa isang linggo. Di alintana ang mga taong nagpaparinig sa kanila upang hinahaan ang kanilang mga boses. Mag lilimang oras na sila sa kakalaro sa internet café pero puno parin ng inerhiyang ang magkakaibigan sa kakasigaw, pagmumura at kakasapak sa katabing kalaban nila. Tila nasakop niya ang buong internet café kahit lima lamang silang makakabarkada at kahit na iba sa kanila, ang isa.

Matapos ang isa nanamang oras ng laro, nag pasya silang umalis sa internet café na iyon sa kadahilanang ubos na rin ang kanilang mga pera.

"Grabe! Ganda ng laban! Kinulang ako dun ah!" Nanghihinayang tugon ni Paul sa kanyang mga kaibigan.

"Oo! Kinulang tayo'ng lahat! Lalo na sa pera! 't*ng *na! Muntik na kami manalo dun ah!" Rumintado pa ni Makisig.

"Wala eh! Dinaga ata si Kiko sa pang huling tira! Naka-alpas pa si Sharlene sa pagiging tank niya." Panunulsol ni Kobi. Walang pag lagyan ang kainisan nitong huli sa kamuntikang pagkapanalo nila. Ito nalang parati ang diskusyon ng magbabarkada lalo na pagkatapos ng klase. Kung hindi ang takdang aralin ang sentro ng diskusyon ang larong 'Left4Dead' ang hindi nangangalawang sa usapan.

"Sus! Sa susunod, sisiguradohin ko nang ako na ang magiging Tank! Bw*sit kasi! Hindi talaga ako titigil sa kakalaro hangga't sa hindi ako nagiging isang tank!" Saad ni Sharlene habang inaayos ang naka baliktad niyang sombrero subalit nahablot na ito ni Francis at sinuot ito.

"Ang sabihin mo Shar, kahit nananalo kayo hindi sapat ang points mo para maging tank ka!"

"Isa ka nalang talaga idedelet na kita sa—"

"---Shit! Shar! Si Sarah!"

Kaagad kinuha pabalik ni Sharlene ang sumbrerong hinablot sa kanya ni Kiko kani-kanina lang nang makita ang sinasabi ng kaibigan. Napakapit nalang si Sharlene sa kanyang dibdib habang naka tutok sa dalangan'g kasing edad niya lamang. Si Sarah, ang babaeng pinapangarap niya. Napalunok siya habang tinitignan ang hubog ng katawan ng dalaga at iniisip kung kailan pa siya magkakalakas ng loob na aminin sa kanya ang totoo niyang nararamdaman.

"Ganda." Usal ni Sharlene na hindi man lang maka galaw sa kanyang kinatatayuan.

"Hay! Bok! Pormahan mo na kasi!" Naalimpungatan siya nang magsalita si Francis, gustohin man niya pero alam niyang mahihirapan siyang gawin ang suhistyon ni Kiko. Impossible, isang dakilang impossible.

"Ay Kiko! Hindi pumapatol sa tibo yang si Sarah!" Walang halong pag iisip ni Kobi dahilan para ma siko siya ni Makisig. "Aray! Bakit? Totoo naman ah!" Galit niyang saad sa kaibigan nang maramdamang tumama ang buto ng siko nito sa taba niya.

"Sus! Popormahan ko yan sinasabi ko sa inyo!"

Palihim na kinuha ni Francis ang cellphone ni Sharlene sa kanyang bulsa at may ginawang kung ano dito. "Hoy! Anong gingawa mo sa CP ko?"

"Ako nalang mag dedelete ng number ko, parati ka nalang kasing hanggang salita!"

Oo! Siya na ang hanggang salita lamang, lalo na't sa pangliligaw kay Sarah. Ilang tanggi man ang kanyang gawin at ilang hugot ng lakas ng loob pa ang kanyang utangin walang makakapantay sa sagot sa kanya ni Sarah sa ask.fm. Anong kahibangan kasi ang sumapi sa kanya nang lakas loob niyang tanungin ang dalaga? Kamakailan lang nang tanongin niya si Sarah gamit ang kanyang anonymous account sa ask.fm para lang ma tanong niya ang mga katanungang kanyang ninanais. Mahigit isang libo'ng beses niyang pinag isipan ang mga katanungan niya, at bawat tanong na nasasagot ng dalaga halos umapaw siya sa kaligayahan kahit na di siya kilala nito. Pero isang tanong lang ang nag pawasak ng kanyang puso; 'Would you entertain lesbians as your suitor?' Sagot: 'No!!!'

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon