Chapter 55: New year..

3.3K 81 82
                                    

Sharlene's POV

Kinakabit ko ang hikaw ko sa aking tenga nang maramdaman ko ang malambing na kamay ni Jairus sa aking balikat.

"Handa ka na?" Tanong niya.

Kasabay ng pagsalubong ng New Year ay ang pagbibigay ni Tito Albert ng kompanya kay Jairus. Sabi ko nga kay Jairus na ipagpabukas na ang pagbibigay sa kanya ng kompanya pero tumanggi siya dahil mas maganda daw kung sa pagsalubong ng bagong taon ay may bago ng hahawak sa kompanya.

"Oo, ayos na ako." Humarap ako sa aking asawa, hindi ko alam kung bakit parang may ibig sabihin ang kanyang mga ngiti sa akin ngayon.

"Let's go?" Inabot niya sa akin ang kanyang braso at magalang ko itong hinawakan.

Pagdating pa lang namin sa kanilang Hotel, marami nang taong nakaabang pati mga medya ay hindi pinalampas ang okasyon na ito sa kalagitnaan ng bagong taon. Madalas tuwing bagong taon, ganito lagi ang paraan ng celebrasyon namin, kahit pa nung tumitira pa ako sa bahay. Kasama ang ibang taong hindi namin kilala. Ngunit sa pagbukas ng pinto, nagulat ako dahil mga pamilyar na mga mukha ang nakikita ko. Mga kapamilya ni Jairus, maging ang mga pinsan ko sa banda ni Mama. Hindi ako nagkamali sa aking hula dahil inimbitahan nila sila Mama at Papa.

"Mine, are you okay?"

Napansin siguro ni Jairus na napahawak ako ng mahigpit sa kanyang braso.

"Oo naman." Paninigurado ko sa kanya pero sa totoo lang, hindi ko na alam dahil kinakaban na ako.

"Hindi kita iiwan, wag kang mag alala, si Dad kasi eh, pinilit pang imbitahan---"

"Mine, naiintindihan ko, pamilya ko rin sila hindi ko rin naman sila ipagtatabuyan, ayan nanaman ang ngiti na yan, eh! Anong ibig sabihin niyan?"

"Masarap lang na pakinggan pag tinatawag mo akong 'Mine'."

"Oh sige, Jairus."

"kakasabi ko lang eh."

"Hija! Son! You're here!" Masayang bati sa amin ni Dad Albert. "It's a good year to start with a new CEO, and I know you're excited son."

"Di naman masyado, tama lang."

"Weh? Eh bukang bibig mo nga yan mula kanina pa eh." Komento ko.

"Mine naman."

"I invited your parents, why don't you join them?"

Nagkatinginan kami ni Jairus, hindi alam ni Dad Albert ang lahat ng nangyari sa pagitan noon ni Jairus at Papa.

"We'll be joining them later Dad."

"Hindi, pupuntahan ko muna sila." Bali-baliktarin man ang mga pangyayari hindi mababago nun na mga magulang ko parin sila. Hindi lang dahil sa nakikita ito ng ibang tao kaya ko sila nilalapitan kundi gusto ko rin harapin ang takot ko pag nakaharap ko na si Papa.

"Sasamahan kita."

"Mine, ayos lang. Babalik din ako, asikasuhin mo nalang ang ibang bisita mo."

Puno ng pagaalala at pangamba ang mga mata ni Jairus na nakatingin sa akin. Hindi habang buhay ay aasa nalang ako sa kung paano ako maproprotektahan ni Jai. Kailangan ko ring harapin ang takot ko sa sarili kong ama. Hinalikan ni Jairus ang aking noo, kahit papaano nabawasan nito ang kabang nararamdaman ko.

Lakas loob akong humakbang palayo, nakatuon lang ang tingin kung saan naroon ang aking mga magulang. Ang masayang ngiti ni Mama sabay yakap sa akin ng mahigpit ang sumalubong sa akin. Mahal ko si Mama, at nararamdaman ko ring mahal niya din kami ni Ate Miles, ngunit maging siya walang magawa sa pananakit sa amin ni Papa noon.

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon