Chapter 47: Secretary

1.9K 71 62
                                    

Sharlene's POV

Matagal bago kumalas siya sa yakap niya sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa kasalanan ko sa kanya at sa pamilya niya. Pilit man niya akong kumbinsihin na hindi ko kasalanan ang ginawa sa kanila ni Papa, hindi ko parin maiwasang sisihin ang aking sarili.

Nang kumalas na siya muli niya akong tinignan sa aking mga mata.

"Anong ginagawa mo dito?" Biglang sabi ko sa kawalan mula sa pagkawala ng mga sasabihin sa aking utak.

"Yan talaga ang unang tinanong mo sa akin? Ni walang kumusta man lang?" Pabiro niyang sabi. "Well, we're planning to invest here."

"Teka, kayo yung sinasabing investors?"

"Ha? I don't know. Baka. Kumusta ka na ba Shar? Na miss talaga kita!"

Kaya pala, ngayon naiintindihan ko na ang ibig sabihin ng ama ni Jairus, kung bakit mas pinili nilang mag invest sa Aquino Corporations kaysa sa VSPC (Victor San Pedro Corp.).

"Ako din Nash, na miss kita! o-okay naman ako, ikaw?"

"Ako? Ayos na ayos! Lalo na ngayon." Nawala ang nginit sa kanyang mukha sa isang iglap habang tinitignan niya ako. "Eh kumusta ang buhay may asawa?"

Kumusta nga ba? Hindi ko alam. Masaya nung una pero naging kumplekado ngayon, ngayon pang may nagtatanong. Kung sana tinanong niya ito habang hindi pa nagaganap ang kasinungalingang ginawa ko, masasabi kong 'masaya ako' ng buong puso. Inalala ko nalang ang mga sandaling hindi pa nagbabago ang trato sa akin ni Jai.

"Ayos lang." Nakangit kong sabi.

"Ayos? Hindi yan ang gusto kong malaman."

"Oo, masaya ako." Buong puso kong pahayag na ang pinaghahawakan lamang ay kung ano ang meron kami noon ni Jairus.

"That's good to hear! Umm, sige ha? Mauna muna ako sa loob. Daddy's gonna be here in a while." Kinabahan ako, hindi ko yata kayang harapin si Tito Arthur. "Anong problema?"

"Ha—ahh-wala."                                                 

"Ma'am, nandyan na ho ang inorder niyong cake." Saad sa akin ng Front desk. Tumango muna ako at ngumiti kay Nash.

"Sige, pumasok ka na."

"Okay, nga pala, pwede ba tayong mag sabay ng lunch mamaya?"

"Nako, hindi pwede Nash kasi gusto ni Jairus sabay kami naglulunch eh."

"Ganun ba?" Dismeyado niyang sabi. "I'll be meeting your husband later, tignan natin kung pasado siya sa standards ko para sa 'yo."

"Ewan ko sa 'yo! Kahit kailan talaga feeling Kuya ka sa kin'!"

"Eh hanggang kapatid lang naman kasi ang tingin mo sakin. Joke lang!" Agad niyang bawi.

"Sige na, pumasok ka na, baka kanina ka pa nila hinihintay."

"See you later!" Pagpapaalam niya habang pumapasok ng conference room.

Matalik kong kaibigan si Nash at Kobi dahil na din sila lang ang pinapakaibigan sa amin ni Papa. Maraming nangyari noon, ngunit ang alam ko lang ay ginawa ni Papa ang bagay na iyon sa pamilya ni Nash para mawala na sila sa landas niya. Maraming nangyari at hangang ngayon masakit pag sinasariwa ko ang nakaraan. Nawalan ako ng kaibigan, kahit si Kobi iniwasan ako dahil sa takot ng pamilya niyang masali sa kasakiman ni Papa o ang negosyo nila.

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon