Chapter 20: Strawberries

1.8K 65 41
                                    

Jairus’ POV

“Sorry Jairus, sorry! Di ko sinasadya!” Paulit-ulit na sabi ni Sharlene habang naka tabon ang kanyang isang kamay sa kanyang mga mata.

“Ano ba kasi ang kailangan mo?”

Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang kamay pero kaagad naman niyang binalik ang pagkakatabon nito nang masilip ako. Hindi ko alam pero parang nakaka hawa ang kamandag ni Paul sa kapilyohan. Lumapit ako sa kanya saka hinawakan ang bewang niya at hinila siya papalapit sa akin.

“Bat’ ka namumula?” Mahinang tanong ko.

“Ano bang ginagawa mo?!” Na alis niya kaagad ang kanyang pagkakatabon sa kanyang mata para maitulak ako palayo. I grab the opportunity at hinawakan ang isang kamay niya saka nilagay to sa hubad na balikat ko.

Gulat siyang tumingin sa akin, ako naman binibigyan siya ng pilyong ngiti.

I can’t believe na pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa tulad niyang babae.

Pero ilang sigundo pa, parang nanghina ang tuhod ko sa gulat na tingin niya.

“Lumayo ka!”

Kaagad akong napabitaw sa kanya nang tinulak niya ako. Heto nanaman, kumakarera nanaman ang halimaw sa kaliwang dibdib ko. Nag lakad ako papuntang closet ko at nag hanap ng maisusuot.

“Ano ba kasing ginagawa mo dito?” Tanong ko habang kumakalalkal ng tshirt sa drawer ng kabinet saka hinatak ang isang tshirt at nag simulang e suot ito.

“A-ano, kasi---sorry.”

Napahinto ako sa kakasuot ng tshirt nang marinig ito mula sa kanya. Kaagad kong tinapos ang pag bibihis ko at lumabas na rin ng closet.

“Yun lang ba?” Tanong ko habang papalapit sa kanya. Yumuko lamang siya, napansin ko naman na may dala siyang paper bag na di niya dala kanina. “Makakaalis ka na.” Lumakad ako palayo sa kanya at umupo sa minie sofa ng kwarto ko.

Kinuha ko ang aking remote then turned on my television.

“Jairus..”

I was trying to concentrate on finding a nice channel pero ang lintik kong tenga nag hihintay ng sasabihin ni barumbada. Napa tingin ako sa kanya nang umupo siya sa tabi ko.

“Bat’ di ka pa umaalis?”

“Jairus, alam kong galit ka.”        

Para akong binuhusan ng mainit na tubig nang marinig ito mula sa kanyang bibig. Galit ba ako? Pero bakit naman ako magagalit? Dahil muntik na siyang magpakasal sa nobyo niya? Natural lang naman na gawin niya yun dahil nga mahal niya ang tao, ganyan naman talaga pag pinapaglaban mo ang gusto mo di ba?

“I know you’re angry.” Seryoso niya akong tinitignan ngayon sa mata.

“Why should I?”

I retured my sight on my flat screen then started to switching the channel again.

“Dahil hindi ako sumunod sa kasunduan natin, sorry kung iniisip mo ngayon na hindi ako tumupad sa usapan natin.”

Napahito ako sa kakalipat ng palabas saka napatingin sa kanya.

Usapan?

Kung kanina parang binuhusan ako ng mainit na tubig, ngayon isang baldeng malamig na tubig ang tila binuhos sa akin. Ahh, yun pala, tama siya. Naiinis ako dahil hindi siya marunong tumupad sa usapan. Napatawa ako ng mahina realizing that I have been acting like this because of my usual personality and nothing more.

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon