Chapter 6: Huli ka (Part 1)

1.9K 54 9
                                    

A/N: I was editing some parts of this story pero umabot ang wifi ng mga pinsan ko sa kwarto ko. So, sige na nga.. e pupublish ko nalang.. 

@danniellebellevocal and @aiegnshar hi :)

--------------------------------------

Jairus’ POV

Hindi ko makakalimutan ang ginawa ng babaeng yun sa akin! Ang kapal ng mukha niyang gawin ang bagay na yun! Kahapon ko lang naramdaman ang ganoong klaseng kahihiyan. Buong buhay ko parati akong nananalo and I can’t afford to lose this game. Sana lang napagsabihan ni Victor ang anak niya ukol dun sa ginawa niya sa 'kin!

“Son!” Tawag ng aking ama habang naka dungaw sa aking pintuan. “Make your schedule vacant tomorrow.”

“Bakit?” Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga ko sa aking kama.

“Your wedding with Sharlene will be formally announced to the media.” Matapos nun, sinarado na niya ang pinto at umalis na. Tignan mo nga naman, hindi pa nga ako nakakaplanong bumawi, pagkakataon na ang mag bibigay sa akin. Agad akong napatingin sa cellphone ko nang tumunog ito.

                                                        

│From: Paul Andre Salas

8pm, Sa bar parin nila Kiks xD

Itong taong to napaka party goer! Hindi pa pala nila ako nakakausap tungkol sa pangyayari kahapon. Sabihin pa nito na iniiwasan ko ang kanchaw nila. Tumayo na ako sa aking kama at naghanda na din umalis para pumunta sa bar nila Kiko.

“Look who’s here?! The good student is on the house baby!” Sigaw ni Paul nang makita akong naglalakad papunta sa kanila sabay bunguan ng mga bote ng alak kina Kiko at Kobi. Kararating ko lang at may gana na silang mang alaska sa akin.

“Manahimik ka Paul.” Tugon ko sa kanya sabay upo sa bakanteng lugar ng circled chair.

“Mainit parin ang ulo mo dahil dun sa pagiwan sayo ng fiancé mo?” Pang aasar pa ni Francis. Minasamaan ko lang sila ng tingin at kumuha ng isang bote ng beer sa bucket.

“Bat’ naman ako maaasar dun? Para sa babaeng yun sisirain ko araw ko?” Sabi ko habang kinukuha ang bottle opener at binuksan ang hawak kong beer.

“Aahh! Na kwento na yan nila Paul sa kin’ nung pinili ni Shar na sumama kay Joaquin kaysa sayo!” Bulalas na sabi ni Kobi. “Sabe ko naman sayo tol di ba? Masyadong mahal ni Shar si Joaqy para umayon sa kasunduan ng arrange marriage na yan!” Dagdag na sabi ni Kobi sabay inom ng alak.

“Sabihin mo yan sa mga magulang namin Vidanes!” Saka ko nilagok ko ang hawak kong beer.

“Pero yung Sharlene bro!” Kumurba naman ng korteng katawan si Paul habang kagat-kagat ang kanyang labi. “Ang sexy!” Pabagsak na nilagay ni Kobi ang kanyang beer sa lamesa matapos sabihin ito ni Paul.

“Hoy! Bibig mo Paul ha? Di ko nagugustohan! Kababata ko yang tinutukoy mo!” Kunot noong sabi ni Kobi kay Paul. Ganyan ba talaga siya ka close sa barumbadang yun para sitahin niya ng ganyang si Paul?

“Easy Kobs! Nag kakatuwaan lang naman tayo dito eh.” Tatawa-tawa pang sabi ni Paul at uminum uli ng alak.

“Kahit na! Di ko pa rin gusto ang tabas ng dila mo! Diyan na nga kayo!” Tumayo si Kobi at nag lakad na paalis.

“Si Kobi talaga, napaka KJ.” Bulong pa ni Paul habang tinuro pa ang naglalakad paalis na si Kobi.

“Kababata kasi niya.” Napailing nalang si Kiko habang sabi-sabi ito.

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon