Chapter 53: Adrenaline Rush

2.4K 78 28
                                    

Jairus' POV

Mahahabang ang mga hakbang ko para lang agad makaalis sa lugar.

Mahal ko si Sharlene ngunit lahat yata ng opsyong alam ko para manatiling magkasama kami ay hindi tama. Alam kong naging masama akong asawa sa kanya at ang pagpapalaya ko lang ang tanging maibinigay ko para hindi na niya ako tuluyang kamuhian pa. Hindi nararapat na ma maranasan ni Sharlene ang lahat ng ito, masyadong malupit ang mundo para sa kanya.

Sa una pa lang, inagaw ko na siya kay Joaquin kahit pa sabihin nating planado ang lahat ng pagkakakilala nila ni Joaquin, minahal parin siya ni Sharlene. Wala mang kasing sama ang ginawa ni Joaquin sa pananaw ng ibang tao, pero ang puso parin ni Sharlene makakapagsabi nito. Yun lang, sapat na para sumuko na ako sa laban. Kung pwede lang diktahan ang puso niyang mahalin ako, ginawa ko na, matagal na. Kayang-kaya ko siyang ipaglaban kahit saan o kanino man, pero ano pa bang silbi ng isang labang alam mo nang matatalo ka?

Akala ko noon laro lang ang lahat ng naibibigay ng buhay, minsan mananalo ka, minsan matatalo. I even claim that I always win, and I always do but it's different now. Nagiba lahat nang makilala ko si Sharlene. Pinaramdam niya sa akin na dapat maglakad ako sa mundo na nakapaa para maranasan lahat ng saya at sakit ng buhay bagay na kailan man hindi ko naransan lalo na ang magmahal.

"Jairus,"

Awtomatiko akong napalingon nang marinig ko ang hingal na hingal na boses ni Sharlene. Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko, pero ang hirap humakbang lalo na pag tinitignan mo ang taong hawak ang buong mundo mo.

"Shar." Mabilis siyang lumapit sa akin nang hindi na ako muling gumalaw. "S-sorry kanina Sharlene kasi---"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan.

Parang isang panaginip na ayaw ko nang magising pa.

Hindi kaya nanaginip lang ako?

But it felt so real, nararamdaman ko siya!

Sa kalagitnaan ng pagtatanto ko biglang naputol ang halik at tinignan niya ako ng seryoso sa aking mga mata. "Pakakawalan mo ako? Ngayon pang mahal na kita?"

"A-anong sabi mo?"

"Jairus, wag mo naman akong iwan oh."

Nanghina ang tuhod ko sa aking mga narinig, ngayon sigurado na akong panaginip lang ang lahat. Impossible.

"Aray!" Buhat ng di ako makapaniwala sa nangyari, sinampal ko sa kawalan ang aking mukha. At shit lang! sobrang sakit!

"Jai! Bakit mo sinampal sarili mo?!" Nagaalalang tugon ni Sharlene. Gusto ko pang arkilahin ang sakit sa aking pisnge pero ngayong nalaman ko nang hindi pala panaginip ang lahat nanatili nalang akong nakatingin kay Sharlene. "Masakit ba?" Sabay hawak sa pisnge kong sinampal.

"Ulitin mo ang sinabi mo."

"Ang alin? Kung masakit ba?"

"Hindi! Yung isa pa!"

Napayuko siya at mukhang nga yatang namumula pa, "M-mahal kita."

"Sigurado ka ba?"

"Oo, Jairus." Nahihiya niya pang sabi.

"Sharlene, sinasabi ko sa 'yo, pag inulit mo pang sabihing mahal mo ako hinding-hindi na kita papakawalan. Mabubuhay kang kasama ako, lahat ng mga nakita mo sa akin nang nagsama tayo hindi ko maipapangakong magbabago."

"Jai, tulad ng sabi ko noon, Lahat-lahat sa 'yo ay tanggap ko. Mula ulo hanggang paa, Jairus, mahal kita."

Niyakap niya ako ng mahipit na para bang wala nang bukas. Halos hindi ako makahinga sa nararamdaman ko ngayon. Totoo ba talaga ang naririnig ko? O baka nasobrahan lang ako sa kapreskohan?

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon