Chapter 2: How I met him

2.9K 61 16
                                    

Sharlene’s POV

Maaga akong pumasok ng skwelahan ngayon, marami pa akong dapat tapusin na requirements. Last semester na namin sa kolehio at matatapos na din ako. Dumeretso na ako ng library para maumpisahan na tong term paper ko sa English. Nagsisisi na ako bakit ngayon ko pa to kinuha ang English na term paper writing edi sana hindi nagkatambak-tambak ang gagawin kong paper works. Meron pa naman akong financial report sa aming feasibilities studies. Hay! Buhay Business Administration student nga naman.

Nilapag ko na ang mga gamit ko sa isang bakanteng lamesa saka nagumpisa nang maghanap ng libro para sa references ko sa term paper. Tinignan ko ang bawat sulok ng book shelf para maghanap ng isang business psych na libro. Patuloy na nag masid ang mga mata ko sa mga librong pwede magamit. Mga ilang minuto pa akong naghanap pero wala naman akong makita na nag aayon sa topic ko sa Term paper. I glanced back on the paper that  I’m holding, ‘Behavior as a consideration of attracting customers’. Bakit pa kasi ito ang napili kong topic?

Pagangat ko ng aking tingin, nahagip ng mata ko ang isang matang nakasilip sa likod ng mga libro. Nang magtama ang aming paningin agad din naman siyang umiwas. Napailing nalang ako sa pagbabalewala sa nangyari.

Nagpatuloy na pa akong naghahanap ng libro. Nang makahanap na ako ng libro na sakto sa aking topic sa term paper nag umpisa na din akong mag lagda ng mga kinakailangang ditalye. Mahigit isang oras na akong nag reresearch nang biglang tumunog ang cellphone ko.

│From: Joaqy Boy <3

Nasa canteen lang ako :) puntahan kita dyan?

Napangiti ako nang mabasa ang text message ng aking nobyo at nagmadali nang matapos ang aking pagreresearch.

-------------------------------------------------------

 “Babe? Okay ka lang?” Bumalik ako sa aking katinuan nang tawagin ni Joaquin ang pansin ko. “Ano bang tinitignan mo?” Tanong niya saka sinundan ang aking tingin na ngayo’y hindi lang kami ang nakapansin kundi halos lahat ng mga tao sa canteen. Panong hindi nila mananakaw ang aming attensyon eh ang lakas-lakas ng boses ng babae habang tumatakbo at tinatawag ang pangalan ng lalakeng hinahabol niya na halata naman na binabalewala siya.

Pinagtitinginan na sila ngayon, hindi na namin napansin na pati kami nakaobserba na sa kanila. Hindi namin marinig ang pinaguusapan ng dalawa ngunit kitang-kita na may kung ano mang sinabi ang lalake na dahilan upang umiyak ng matindi ang babae. Naawa ako bigla sa babae, ang lalake naman naglakad palayo na nakapamulsa na wari’y walang nangyari.

“Si Jairus Aquino yan ang dakilang tagapagmana ng mga Aquino.” Nabaling agad ang aking tingin kay Mika nang magsalita siya. “Ang sabe, wala pa daw yang nagiginag girlfriend pero habulin ng babae.” Dadag pa niyang sabi habang naghihiwa ng cake.

“Mika!” Tawag ni Joaquin sa kanyang pinsan na animo’y sinisita ang mga pinagsasabi nito.

“Bakit? Totoo naman ah! Pero kung ako sa kanya, hindi na rin ako magaatubiling magka girlfriend kung pamilya ko lamang din ang mag didisiyon sa kung sino ang aking papakasalan sa huli.” Anya ni Mika sabay kain ng kanyang strawberry cake. Napayuko ako sa sinabi ni Mika, tama nga siya. Napatingin ako kaagad kay Joaquin nang pisilin niya ng mahina ang aking kamay.

“Kahit na, hindi magandang pagusapan ang ibang tao.” Tugon ni Joaquin kay Mika na inirapan naman nito ng tingin.

“Hay nako! Mga mayayaman talaga!” Biglang singit ng bagong dating na si Andre habang nilalapag ang kanyang bag sa lamesa namin sa canteen. “Buti nalang hindi ako naging ganyan ka yaman kundi naku! Di ko talaga makikilala tong mahal ko.” Kiniliti ni Andre ang tagiliran ni Mika. Sinindakan naman niya ito ng tingin.

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon