Chapter 29: Confusion

2.1K 57 36
                                    

Jairus’ POV

Ilang araw na din akong pabalik-balik sa bar ng mga Evora, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ba ako naguguluhan ng ganito. Teka nga, san ba ako naguguluhan ha?! Bwisit naman to oh! May mga bagay-bagay na nakakainis, may mga nararamadaman akong hindi ko pa nararamdaman dati, mga bagay na ayokong aminin, at ang mga bagay nato ay hindi ko pa ma wari kung ano.

“Oh? Asan na?” Tanong ko kay Evora. Ilang araw ko na din itong ginagawa, meeting some random girls while trying my best to flirt. Baka sakali kasing effective ang suhestyon ni Evora. I gazed at her from head to foot, maganda siya, I couldn’t deny she’s attractive alright.

“Annika Dionne, this is Jairus Aquino.” Pakilala ni Christopher sa amin.

“Hi!” Masayang bati sa akin ng babae. Ngitian ko nalang siya at sinenyasan si Tope na umalis na.

“Sige, iwan ko muna kayo.” Saad ni Tope habang naglalakad paalis. Yung haliparot este babae naman ay lumapit sa akin at umupo sa aking tabi. By the looks of her I know she’s starting to do her thing.

“Alam mo bang kilala na kita kahit noon pa.” She said.

Uminom muna ako ng alak sa shot glass bago siya hinarap.

“Really? How come?”       

“I attented the school where you’re in. Nakasama mo nga ako sa retreat eh.”

“Ah, talaga? Why haven’t I noticed you, after all you’re attractive.”         

“Really?” She chuckled then move closer to me. “Kasi busy ka sa fiancé mo nun kaya siguro hindi moko napansin.” I laugh after what she said. “Di ba kasal ka na? Bat’ andito ka?”

“What do you mean?”

“Nandito ka kasama ko, I should have known that you’ll leave her afterwards.”

“Well, that’s business.” Muli kong kinuha ang shot glass at nilagyan ito ng alak.

“Ganyan ba talaga kayong mayayaman? Pero okay na din, I would love to be your mistress.” I glanced back at her then smiled. Just like the other girls on the past nights, I let her touch my face and she touched it with the back of her hand. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kamalian, siguro nga hindi lang ako nasanay na mangbabae kaya ko ito nararamdaman. “Sharlene San Pedro, what a pitty little girl. I could recall, dapat ako yung kasama niya sa iisang kwarto sa retreat noon, pero her bestfriend Mika asked to switch with me.”

Kumunot ang aking noo matapos niya yun sabihin. “Talaga? Bakit daw?”      

Sa pagkakaalam ko sa mga oras na yun, mukhang hindi maganda ang pakikitungo nila sa isa’t-isa, kaya naisip kong nag away sila nang mga oras na yun ni hindi nga sila nag uusap sa rereat .

“Hindi ko alam, I didn’t mind though, baka kasi hindi ako maka fit-in kay Sharlene. You know, rich kid. Ang boring.”

“Boring?” Then a question hit me. “Tell me, anong impression mo kay Sharlene.” I was out of my mind while asking, I just want to know.

“Bakit pa? Hindi naman siya importante dito di ba?” Sabi niya habang nilalaro pa ang pisnge ko.

“Just answer.”

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon