Chapter 10: What's mine: Take two!

2.3K 50 9
                                    

Sharlene’s POV

Nakahiga ako ngayon sa aking kama habang naka tulala sa bubungan. Hindi ko pa nakikita si Joaquin mula nung araw na pinalabas siya sa kulungan. Kamusta na kaya siya? Naalala ko ang sinabi ni Jairus sa akin nung isang araw na hiwalayan ko daw si Joaqy. Ano naman kaya ang gustong mangyari nung impakto na yun? Napailing na lang ako habang inaalala ang sinabi niya. Isa pa tung cellphone ko na hindi ko makita-kita! Saan ko kaya yun nalagay? Tsk!

Minabuti ko nang gamitin ang isa ko pang cellphone para magamit ko ngayong araw. Lahat pa naman ng contacts nasa isa ko pang cellphone.

Bumakod na ako para maghanda na sa pagpasok, di ko naman ma text si Mika dahil hindi ko naman kabisado ang number niya. Buti nalang magkakalase kami mamayang hapon. Pumunta na din ako ng skwelahan, di ko pa rin lubos maisip kung anong kahihiyan ang nangyari nung sabado sa amin, kahit natatakot ako kay Papa alam kong kailangan ko pa ring ipaglaban si Joaqy sa puntong iyon.

“B2!” Tumakbo si Mika papunta sa aking upuan at umupo na din sa tabi ko.

“Hi Miks.” Mahinang saad ko sa kanya. Nahihiya ako kay Mika dahil sa nangyari kay Joaquin, masyadong close silang dalawa ng pinsan niya. Kahit iba ang kurso ni Joaquin, sumasama pa din siya sa amin.

“Oh? Bakit parang malungkot ka yata?” Nakataas ang isang kilay niya habang takang-taka na tinatanong ako. “Iniisip mo pa rin ba ang nangyari nung sabado?” Tanong niya na tumango naman ako bilang sagot. “Hay nako! Wag mo na yang isipin! Tapos na yun no! Hindi mo yun kasalanan, pinaglaban mo naman si Joaquin. Masaya na ako sa ginawa mo.” Ngumiti ito ng malumanay sa akin.

“Salamat B1. Si Joaquin? Kamusta na siya? Okay lang ba siya?” Gusto ko ng makita ang kalagayan ni Joaqy ngayon.

“Oo naman, kailan pa ba yun hindi naging okay no? Ngiti lang yun ng ngiti parang walang problema.” Paninigurado pa ni Mika sa akin. Napangiti ako ng malawak dahil sa sinabi niya. Naalala ko yung mga ngiti niya na pati ang mata ay nawawala dahil sa kanyang pagkachinito. “Yan kasi! Bat’ naman di mo sinasagot ang text at tawag ko?”

“Aah kasi, nalimutan ko kung saan ko nalagay ang cellphone ko eh.” Napakamot ako ng ulo habang sabi-sabi ito.

“Basta mamaya, sa Twingkle Tops coffee shop parin ha? Para makita mo prince charming mo.” Pabirong ngumiti si Mika habang umaayos ng kanyag upo. Ako naman, di ko mapigilan ang kakangiti dahil sa kasabikang makita si Joaquin.

Hiwalayan mo si Joaquin Reyes.

Napailing ako nang biglang pumasok sa utak ko ang sinabi sa akin ni Jairus. Hindi naman siguro siya seryoso sa kanyang sinabi. Matapos kasi nang sabihin niya yun, umalis na siya kaagad at hindi na naghintay ng aking magiging reaskyon.

Natapos na din ang aming klase sa hapon, dumeretso na kami ni Mika sa coffee shop, kaagad kong nakita si Joaquin sa labas ng coffee shop na naka tayo at sumilip-silip pa sa malayo.

“Joaqy!” Di ko na mapigilan ang kasabikan na makita siya kaya kaagad ko siyang tinawag, napatingin naman siya sa dereksyon namin saka lumiwanang ang kanyang mukha at ngumiti ito ng pagkalawak-lawak.

“Shar!” Tumakbo siya papunta sa akin at kaagad akong niyakap ng mahigpit. Binuhat niya ako at inikot-ikot.

“Hoy! Ibaba mo ko!”

“To naman si Joaquin parang limang taong di kayo nagkita ah?” Biglang komento ni Mika sa aming dalawa. Binaba ako ni Joaquin saka tinignan ako sa mata.

“Babe, I’m so sorry.” Biglang bumasag ang boses ko nang sinabi ko ito sa kanya. Di ko pa rin makakalimutan ang nangyari nung nakaraan. He was put into jail because of me.

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon