Chapter 60: Finale

1.4K 43 11
                                    


Three years later..


Sharlene's POV

Positive.

Buntis ako.

Mahigit dalawang araw ko nang nalaman ito ngunit hindi ko parin nasasabi kay Jairus. I'm two weeks pregnant. Gusto kong sabihin, pero paano? Gayong hindi ko alam kung mahal niya pa ba ako.

Naka tutok nanaman siya sa kanyang cellphone, ilang araw na siyang ganito. Madalas may katawag siya, hindi tulad noon puro mga kasosyo niya sa trabaho, ngayon halos hindi na nga niya pinapakita sa akin ang laman ng kanyang text messages.

Ano bang nagawa ko? Ginawa ko lahat ng makakaya ko para maging mabuting asawa at ngayon kaya kong gawin lahat para maging mabuting ina. Nasasaktan ako sa tuwing ngumingiti siya habang nag tetext, parang teenager na bumubungisngis. Tuwing tinatanong ko siya sinasabi niya lamang na bagong investor. Investor? Hanggang sa gabi investor parin ang kinakausap niya? Kung kasama niya ako may katawag siya, kung tawagan ko naman siya sila Paul ang kasama niya! Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko.

Tatlong taon bago kami nagkaanak dahil ayaw pa daw niya, siguro ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw niya pa ako mabuntis marahil ay ayaw niyang maging tali. Unti-unti nang nawawala ang pagkalambing ni Jairus. Gusto ko siyang tanongin pero natatakot ako na baka tama ang aking hinala, may iba si Jairus.

Hindi ko siya kinibo, kung noon halos gawin niya ang lahat para mabigyan ko siya ng pansin ngayon ni wala siyang pakealam. Hanggang sa pagtulog iniisip ko, ano na nga bang nangyayari sa amin? kung nag sawa na ba siya, o di kaya may nahanap na siyang iba. Nakahiga lang ako sa kama nang maramdaman kong tumayo si Jairus at tinungo ang banyo. Nag walang kibo lang ako ngunit narinig kong tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad kong tinignan kung sinong nag text isang 'Ella Cruz', bubuksan ko na sana pero may password ang kanyang cellphone. Kailan man hindi nilalagyan ni Jairus ng password ang cellphone niya! Binalik ko sa kinalalagyan ang cellphone niya nang maramdaman kong lumabas siya ng banyo. Walang pagdadalawang isip na inuna niyang kinuha ang cellphone at napangiti ng sobra nang mabasa ang text.

"Sinong nag text?" Alangang tanong ko.

"Ah-wala, si Mr. Sanchez lang."

Tumalikod ako ng higa at di na muling nagsalita pa. Naramdaman ko nalang na humiga din si Jairus sa aking tabi.

Takot. Yan lang ang nararamdaman ko, takot kung ano nga ba ang dahilan bakit ayaw niyang sabihin sa akin kung sino ang tunay na nag text. Bakit siya nag sinungaling? Sino si Ella Cruz? Tumulo ng kusa ang aking luha. Hindi, nagkakamali ka lang Sharlene. May rason si Jairus kung bakit siya nag sinungaling, mag tiwala ka lang kay Jairus, mag tiwala ka.

Kinaumagahan, paggising ko wala na si Jairus sa aking tabi. Hindi niya ako ginising. Hindi, siguro himbing na himbing ako sa pagtulog. Ganito siguro ang mga buntis, masyadong mahaba ang tulog. Gusto ko sanang umabsent sa trabaho ngayon, bukod sa umiba ang aking pakiramdam ayaw ko pang kausapin si Jairus. Ngunit anong silbe naman? Ni hindi nga ako binibigyang pansin ni Jai. Sa halip na takasan si Jai, napagpasyahan kong pumasok nalang kaya gamit ang sarili kong sasakyan na binigay ni Mama sa aming kasal nagdrive ako papuntang opisina.

Nang makarating umupo muna ako sa sarili kong desk habang nilalaro ang susi ng aking sasakyan bumubuo naman ng mga katanungan ang aking utak. Bakit ayaw niyang bitawan ang kanyang cellphone? Ano ang relasyon niya dun sa babaeng kanyang tinitext? Bakit niya pa kailangang mag sinungaling kagabi? Hay Sharlene, masyado ka lang naiisip, mag iisang linggo lang namang naging ganito si Jairus, kung makapagisip ka parang isang buwan na!

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon