Chapter 43: Lies

1.8K 56 39
                                    

Sharlene's POV

Nalilito ako, hindi ko alam kung bakit nagtratrabaho sa isang Laundry Shop si Joaquin. Ano bang nangyari? Di ba naka graduate na siya? Di ba dapat kumukuha na siya ngayon ng medisina? Pero bakit? Ang dami-daming mga katanungang bumubuo sa utak ko at nalilito ako sa bawat pagliko ng mga kakabuo lang na ideya. Ano bang nangyari sa kanya? Sa pamilya niya?

"Hi Shar!" Masiglang bati ni Jairus. Mabilis niya akong hinalikan sa pisnge, sa halip na umalma ako inirapan ko nalang siya at nagpatuloy ng kaka hiwa ng sangkap sa sinigang. "Wala ka ata sa mood, anong nangyari?"

"Wala, may iniisip lang ako."

"Ang dami mo atang iniisip ngayon, ano yun?"

"Wala nga sabi."

"Sige, hindi nalang kita kukulitin ngayon baka masapak mo pa ako."

Nagulat ako dahil sa biglaan niyang pagsuko pero nagpapasalamat ako dahil kahit hindi ko pa man nasasabi mukhang naiintindihan na ako ni Jairus.

"Pero! Wag mokong papaalisin dito sa kusina." Dadag niya.

"Ano namang gagawin mo dito? Nagluluto pa ako."

"Edi ang palagi kong ginagawa, tinititigan ka." Namula ako sa kanyang naging pahayag at iniwas ang tingin ko sa kanya. "Uy! namula siya!" Panunukso niya.

"Heh! Isa pa, papaalisin na kita."

"Biro lang." Tatawa-tawa niyang sabi.

Nagkwento si Jairus ng nangyari sa kanya buong araw pati ang mga taong nakakasalmuha niya. Hindi ko man sila kilala pero nakikita ko nalang ang sarili kong nag tatanong kung anong kasunod na nangyari sa mga kinukwento niya. Natatawa, nabibigla, naaaliw at namamangha ako sa lahat ng kwento ni Jairus. Pakiramdam ko nga hindi nabubuo ang araw ko sa mga kwento niya. Hindi ko nga namalayan na nakalimutan kong nakita ko si Joaquin kanina at ang aking pagtataka sa tunay na nangyari sa kanya hanggang sa pagtulog ko.

Tinupad ko ang sinabi ko kay Joaquin, nagpunta nga ako sa laundry Shop kung ano mang dahilan ko sa pagpunta siguro ay mahal ko pa rin siya at hindi maaalis sa akin na magalala sa kanya. Maaga akong pumunta dahil baka hindi ko siya maabutan sa pagsasara at hindi nga ako nabigo dahil nandoon siya at naghahanda nang umalis. Nakita niya ako ngunit hindi tulad noon na tinatawag niya ako at kumukuha siya ng kakaramut na oras para makausap ako ng palihim ngayon mukhang wala siyang balak na kausapin ako. Nilampasan niya ako sa daan, ni hindi man lang niya ako binati.

"Joaquin!" Buong tapang kong pagtawag sa kanya. Huminto siya sa kanyang paglalakad at nilingon ako. "Pwede ba tayong mag usap?"

"Para saan pa?"

Nasaktan ako sa tono ng kanyang pananalita, ngayon ko lang narinig na ganito ang kanyang pakikitungo sa akin.

"Please."

Wala akong naibigay na rason, tanging pag susumamo ko lang para sa sarili kong kapakanan. Nabunutan ako ng tinik ng tumango siya. Sa hindi kalayuang play ground kami nanatili para makapag-usap. Nabalutan kami ng katahimikan ngunit alam kong ako ang dapat mag salita dahil ako naman ang gustong malinawan sa mga nangyari sa kanya pero sadyang ang hirap hanapin ng mga tamang salita para maumpisan ang mga naguunahang katanungan sa isipan ko.

"Anong gusto mong malaman?" Pagbasag niya n gaming mahabang katahimikan.

"Bakit? A-anong nangyari? Bakit ka nagtratrabaho sa isang laundry shop? Di ba graduate ka na—"

"Nabankrupt na ang kompanya namin, wala nang natira. Actually, matagal nang nagbabantang bumagsak ang kompanya namin hanggang sa wala nang natira."

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon