Chapter 51: Hospital 2 [Extended]

2K 78 37
                                    

Sharlene's POV

Parehas kaming walang tulog ni Jairus kagabi dahil sa konektado pero magkaibang rason. Ang rason ko ay hindi ako makatulog dahil gising pa siya at siya naman, hindi daw siya makatulog dahil nakikita niya akong natutulog sa sofa. Nakakataba ng puso'ng isipin na kahit ganyan man ang kanyang kondisyon naiisip pa rin niya ang sitawasyon ko. Hindi kami masyadong nag uusap dahil madalas nakatulala lang siya at mukhang malalim ang kanyang iniisip, gusto kong malaman iyon pero natatakot akong lumampas sa limitasyon ko.

Kakauwi lang ni Dad Albert-minsan naninibago pa akong tinatawag siyang 'Dad' pero alam kong kailangan dahil baka totohanin niya ang hindi pag kibo sa akin. Bago umalis si Dad kanina, bilinan niya si Jairus na makinig sa akin at wag pairalin ang tigas ng ulo niya. Nagpapasalamat ako dahil mukhang sinusunod niya naman ang binilin ni Dad sa kanya.

"Shar?"

"Bakit? Anong kailangan mo?"

"Narinig ko kanina na tinawag mong 'Dad' si Dad."

"Yun ba? A-ano kasi, sabi niya kasi na-"

"You don't need to explain, tama lang yun. Matagal na niyang gustong tawagin mo siya nun di ba?"

"Oo nga eh."

"Shar, ano kasi-" Nahinto ang kanyang pagsasalita nang makarinig nanaman kami ng isang katok mula sa pintaun. "Sino ba yang distorbo na yan?!"

Binuksan ko ang pintaun at nakita sila Paul, Kiko at Kobi na nakangiting pinapakita ang isang karton ng doughnut at kasama pa si Nash.

"Good morning! Kumusta ang tulog ng muntik nang mamaalam-aray naman Kiko! Sakit nun ha!" Protesta ni Paul nang mahinang siniko siya ni Kiko.

"Hindi magandang biro yan."

"Oo na, sorry."

"Shar," Nilingon ko ang isang pagtawag sa akin sa likoran. "Pwede bang mag-usap tayo?" Saad ni Nash.

"Oh sige," Bago ako umalis, tinignan ko muna si Jairus, hindi maalis-alis ang kanyang tingin sa amin. "Sa labas nalang tayo Nash." Tugon ko sa kanya. Tumango siya at naunang lumabas bago ko siya sinundan.

"Shar, I just want to say sorry."

"Para saan?"

Nakatutok lang siya sa kanyang paanan na para bang nag dadalawang isip na sabihin sa akin ang rason kung bakit niya ako gusto makausap.

"Nash bakit?"

"I -- ako ang dahilan kung bakit nangyari ito kay Jairus."

"Ano?"

"Nung tinanong mo ako kung paano nalaman ni Jairus na magkababata tayo sabi ko sa 'yo na pinaalam ko na sa kanya di ba? Parte na dun ang pag sabi ko sa kanya na kukunin kita ng sapilitan."

Kasabay ng pagtingin niya sa akin ang malakas kong sampal sa kanya.

"Alam mo ba ang ginawa mo Nash?! Muntik nang mapahamak si Jairus dahil sa sinabi mo!"

"Shar, maniwala ka, hindi ko inasahan na ganito ang mangyayari,"

"Walang umaasa sa kahit na anong nangyayari Nash! Sana man lang inisip mo ang lahat ng kinalalabasan ng ginagawa mo!"

"Sharlene, hindi ko naman alam na gagawa pala siya ng hakbang para pigilan ako. I didn't know he's that obesses with you!"

"Alam mo kung wala kang magandang sasabihin kay Jairus mabuti pang umalis ka na."

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon