Chapter 19: Realization

2K 58 37
                                    

Jairus’ POV

“Gusto kong paagahin ang kasal namin ni Sharlene.”

Sagot ko kay Tito Victor sa kanyang katanungan. Napa bitaw si Sharlene mula sa pagkakapit ng aking damit matapos ko itong sabihin.

 “What? Bakit?” Gulat na tanong sa akin ni Tito Victor.

 “Do I need to give my reason? Mag pasalamat ka nalang at papakasalan ko tong anak mo sa kabila ng kahihiyang ibinigay niya sa pamilya ko.” Sagot ko while looking straight at Victor San Pedro’s eyes.

 “Ano nanaman bang ginawa ng anak kong to sayo?”

 “At kung meron? Ano ngayon?”

 Matapang ko siyang tinignan, kung may pagkakapareha man kami ni Tito Victor, ito ay ang kawalang puso namin. Unti-unting lumiwanag ang mukha ni Victor San Pedro at nginitian ako.

 “There’s no problem with that, the sooner you’ll get married, the better.” He gave a single glance to Sharlene, saka binalik ang tingin sa akin. “We’ll meet with the coordinators tomorrow.” Sabi niya saka siya pumanhik sa hagdanan.

 Mabilis akong nag lakad palabas ng bahay ng mga San Pedro.

 “Jairus sandali!” Tawag ni Sharlene habang papalapit ako ng aking sasakyan hindi ko siya pinansin at binuksan na din ang driver seat ng aking kotse nang biglang hinawakan niya ang braso ko.

 “Jairus---“

 Kaagad ko siyang hinarap saka hinawakan ang mag kabilang braso niya. “Ano? Magagalit ka dahil mapapaaga ang kasal natin?! Sinasabi ko sayo anytime pwede ko yun sabihin sa ama mo! Ito ang e saksak  mo dyan sa kokote mo Sharlene San Pedro! You’re mine!”

 Her eyes widen upon hearing those words from my mouth, kung siya gulat mas lalong gulat ako na nasabi ko ito. Binitawan ko siya at kaagad sumakay sa aking sasakyan at nag drive ng mabilis leaving her still on the state of shock.

Sharlene’s POV

Pinagmasdan ko ang sasakyan ngayon ni Jairus na unti-unting nawawala sa aking paningin. Halos hindi pumasok sa utak ko ang kanyang sinabi. I was too scared to say 'No' to Mika about the marriage proposal to Joaquin.

Alam kong mali, pero ginawa ko pa din. Si Jairus, he has been trying to help me para di mapunta si Joaquin sa kulungan pero sa kabilang banda, siya din ang rason kung bakit kami nagkahiwalay ni Joaquin, pero siya nga ba? Jairus and I have been victims of this marriage ang kaibahan lang namin, he willingly submits to his father's will pero ako? Pinagpipilitan ni Papa. I have Joaquin in my life, only to be interrupted by an arranged marriage.

 Nag lakad ako pabalik sa bahay namin, pinipilit maka balik sa realidad kung saan umiikot ang aking mundo. Wala na si Joaquin dito. I wanted to marry Joaquin, but not that way. I could be ready for him but the chances that we have isn't ready for us.

 Kakagaling ko lang sa retreat but it’s as if I’ve been through a field trip dahil sa pagod na aking nararamdaman. Imbes na ma enlighten ako, parang mas gumulo pa ata ang utak ko. Pero kanina, again, Jairus saved me from my fathers’ wrath. A part of me was shaking sa takot na baka kung sabihin ni Jairus kay Papa mapahamak si Joaquin pati na din ang pamilya niya, but another part of me was afraid na baka pagdaanan ko ang napag daanan ng kapatid ko sa kamay ni Papa.

Hindi ko namalayan na dumating na pala ako sa kwarto ko, I was sank in deep thoughts that I have not realized that I arrived in my room. I walked straight on my side stable at binuksan ang drawer nito. Kinuha ko ang sing-sing na bigay sa akin ni Jairus nung engagement namin. Pinamasdan ko ang bato na kumikislap sa kanyang kalalagyan.

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon