Chapter 12: Team IGOP

1.9K 52 16
                                    

Sharlene’s POV

Habang patuloy na hinataka ni Jairus ang kamay ko, parang lumulutang pa rin ang isipan ko. Hindi maalis-alis sa aking isip si Joaquin, yung mga malungkot niyang mga mata at ang unang beses na nakita kong lumuha siya. Marami pa akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko maaaring sabihin, mabuti na din sigurong dumating si Jairus dahil baka hindi ko na mabitawan si Joaquin.

“Hi Sharlene.” Napatingin ako sa lalakeng nag salita, kaibigan pala ni Jairus na unang pinakilala sa akin ni Kobi. Nasaharap kami ng isang lamesa ngayon kung saan nakaupo ang mga kaibigan ni Jairus.

“Upo ka dyan.” Walang ganang utos ng impakto sabay turo sa katabi niyang upuan. Wala na din naman akong nagawa dahil nga sabi niya na ‘siya na DAW ang masusunod’.

“To naman si Jai, walang galang sa babae.” Komento ng isang kaibigan ni Jairus. Napailing naman ang imakto.

“Anong gustong kainin mo?” May inis niyang tanong. Sasagot na sana ako pero muli siyang nag salita. “Ahh, Oo nga pala! Ayaw mong kumain.” Tumayo siya saka naglakad papuntang counter.

Siya ba?

Siya ba talaga ang papakasalan ko? Mas lalong bumigat ang dibdib ko habang iniisip ito.

“Sigurado ka bang hindi ka kakain?” Tanong sa akin ng morenong lalake.

“Nako, hindi—“

Tatanggi ako, yun dapat ang plano ko eh.. pero… tumunog nalang bigla ang tyan ko. Hindi ko namalayan na gutom na pala ako.

Nakakahiya…

SOBRA.

Nakita kong nagpigil ng tawa ang dalawa saka tumayo ang isa niyang kasama.

“Anong gusto mo Sharlene? Ako na ang bibili.” Sabi nung lalakeng matangkad at maputi.

“Nako! Wag na, ako na ang bibili.”

“Ako na..” He insisted. “Mukhang alam ko na din kasi ang gusto mo.” Kumindat siya saka siya tuluyang umalis. Si Joaquin kaya? Kumain na kaya siya? Siguro hindi pa. Sana hindi siya masyadong nag tagal sa bench na yun at kumain na siya ng lunch.

“Uy Sharlene!” Bumalik ako sa aking ulirat nang tinawag ako bigla ng naiwang kaibigan nila Jairus.

“Ha?”

“Kanina pa ako nag sasalita dito pero humiwalay ata kaluluwa mo sa katawan mo.” Biro pa niya.

“Sorry, ano nga ba yung sabi mo?”

“Naalala mo pa ba ang mga pangalan namin?” Umiling ako bilang sagot sa kaibigan ni Jairus. “Sabi ko na nga ba, Francis ang pangalan ko, pero my close friends call me Kiko and I would be happy if you’ll call me the same.” Nakangiti niyang sabi.

“Sige, Kiko.” Ngumiti din ako sa kanya, bat’ ang bait ng mga kaibigan ni Jairus? Pano siya naging ganyan?

“Pasensya ka na kay Jai ha? Hindi pa kasi nagkakagirlfriend kaya ganyan sa mga babae.”

Talaga? Parang impossible ang sinasabi ng isang to.

“Ang pangit kasi ng ugali niya.” Napatawa naman siya sa aking sinabi. Totoo naman ang sinabi ko.

“Hindi, napaka pihikan niyan sa babae! Nga pala..” He leaned forward. “Pwede ba kitang tawaging ‘Shar’? Kasi ang haba ng Sharlene eh.”

“Ahh, sige, okay lang.”

Napaka-FC naman ng kaibigan niya, pero okay na din, Kiko naman ang pinatawag niya sa akin sa kanya. Ilang sandali pa, sabay dumating si Jairus at ang isa pa niyang kaibigan dala-dala ang kani-kanilang inorder.

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon