Chapter 58: Victor's Story

1.1K 38 19
                                    

Barbara's POV

Lahat ay nag umpisa kagaya ng pagpapakilala sa inyo ni Jairus.

"Victor, this is Barbara, your soon to be wife."

Ngunit di gaya ni Sharlene, nakayuko lang ako na parang walang narinig sa katunayan hindi ko inaba ang kanilang sinasambit. Alam ko na kung ano ang mangyayari kaya nagwalang kibo nalang ako na para bang walang narinig.

"Teka—" Mautal na panimula ni Victor na siyang nagpabalik sa akin sa ulirat. "B-bakit si K-kuya P-peter di nyo ipagka-kasundo?"

"Victor, nagpagusapan na natin 'to di ba? My first born son will inheret seventy percent of the shares, which leaves you thirty percent that's why you should get engaged para mapalago mo pa yang thirty percent mo." Pagpapaliwanag ng kanyang ama.

"B-bakit h-hindi nyo n-nalang ihati ng patas?" May hiya at nagdadalawang isip pang suhistyon ni Victor.

"It is said that the first born son will bring luck to the family's business, proven na yan kahit sa nagdaang henerasyon."

"P-pero Pa—"

"Wala nang pero-pero! Di ka ba nahihiya sa mga Santos?!"

Walang nagawa si Victor sa pangyayari kundi ang manatiling tahimik sa kanyang naisin. Sa likod ng kanyang makapal na salamin, bakas ang pagka dismaya niya sa nangyari. Yumuko siya at di na muling tinignan ang mukha ng kanyang ama. Naawa ako habang tinitignan siya, ngunit naisip kong wala akong karapatang maawa dahil parehas lang kami ng sitwasyon.

Simula nang maipakilala kami ni Victor, madalas na kaming pinagsasama sa mga party ngunit ni isang beses hindi pa kami nagkausap. Parating tahimik si Victor, madalas nagbabasa ng libro at di mawawala ang makapal niyang salamin. Sa isip ko nun 'ang weirdo ng mapapangasawa ko' ngunit hindi na ako pwedeng umalma. Pinalaki akong nakikita ang mga kapatid kong pinapakasal sa iba kaya walang silbe din kung laitin ko pa siya. Tuwing may pinagdadausan kaming celebrasyon makikita mo lamang siya sa isang sulok at nagbabasa ng libro. Naalala kong mga libro ni Edgar Alan Poe ang parati niyang binabasa. Sa pang apat na party na inimbeta kami, muli ko siyang nakitang nasa balkonahe lang at nagbabasa. Nilapitan ko siya dahil sa wala akong magawa at nababagot narin ako.

"Bat' nandito ka lang?" Paunang pagsasalita ko sa kanya.

"Ay palaka!" Halos mahulog ang kanyang hawak na libro sa balkon sa gulat, nagkandarapa kaming dalawa sa pagkuha ng librong muntikan nang mahulog. Mabuti nalang nakuha namin. Nagkahawakan ang aming kamay mula sa pagsasagip sa kanyang libro, at marahas na kinuha ito ni Victor, nahihiyang yumuko. "Hu-huwag ka kasing p-pabigla-biglang su-sumusulpot!"

"Sorry, di ko naman alam na magugulatin ka eh."

Natahimik kaming dalawa dahil na siguro sa pangyayari. Nakatuon lamang ang kanyang mata sa libro pero alam kong nakikita niya ako kahit papaano sa kanyang paligid paningin. Alam ko namang ayaw niya magpakasal, sa akin o kanino man at dahil dun hindi ko siya masisisi kung ganito ang trato niya sa akin.

"Pasensya ka na ha." Pagbabasag ko ng aming katahimikan.

"B-bakit ka humihingi ng pasensya? –e-eh d-di mo naman s-sinasadya." Nahihiya pa niyang tugon.

"Kasi kinakailangan mo pang magpakasal sa akin." Sandali ay tinignan niya ako, agad niyang binawi ang kanyang paningin at nilipat ito sa malayo.

"H-hindi m-mo naman ka-kailangang humingi ng pa-pasenya, w-wala k-ka namang k-kasalanan." Malayo ang kanyang tingin sa kawalan. Bumuntong hininga ako, tinignan ko siya ng husto. Sinilip ko ang matang nakatago sa makapal na salamin na hindi masyadong nakikita ng kung sino-sino. Sa mga oras na iyon, nakadama ako ng matinding kuryusidad sa pagkatao ng lalaking aking mapapangasawa. Dahan-dahan at wala sa sarili kong tinanggal ang kanyang salamin. "A-anong g-ginagawa m-mo?!" Pagproprotesta pa niya.

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon