Chapter 1

4.4K 92 7
                                    

LUDO POV

Maaga palang ay gising na ako.
Nandito ako ngayon sa hardin nang aking ina.

Kaysarap pagmasdan ng mga pulang rosas at ang iba't-ibang uri ng mga bulaklak.

Ako at si ina nalang ang magkasama,bata palang ako nang bawian na nang buhay ang aking ama.

Ang sabi ni ina ay naaksidente ito kaya maaga itong binawian ng buhay.

Hindi narin ako gaanong nagtatanong tungkol kay ama,baka kase nalulungkot ito kapag naaalala niya ito.

"Ludo...." malambing na tawag ni ina.

Dalawa lang kaming nakatira sa aming munting tirahan.

"Ina..."mahinang tugon ko.

"Linggo ngayon anak mamaya pupunta na tayo sa simbahan". tuwing linggo kasi ay nagsisimba kami.

"Mag almusal na tayo at maaga pa tayong aalis" nakangiting saad niya sa akin.

Alam niyang nasasabik akong magsimba.

Kaya sinuklian ko ito ng isang matamis na ngiti.

"Opo ina..."tugon ko sa kanya.

Isang simpleng buhay lang ang mayroon kami,masasabi ko rin na napaka-swerte ko dahil biniyayaan ako ng isang Inang mapag-mahal.























THIRD PERSON POV

Sa isang tahimik na lugar napadpad ang sinasakyan nang isang kinakatakutang leader nang Mafia.

Sa loob nito ay tila isang mabangis na hayop ang nakasakay.

Walang iba kundi si,
Azriel "Venom" Castillo.

"Boss mukhang naligaw na po natin sila".nakayukong sabi nang kanyang tauhan.

Inambangan talaga sila nang mga kalaban.

Dahil kilalang makapangyarihan at mayaman ang kanilang Boss ay marami ang gustong pumatay dito.
Isa na roon ang mga katungggali sa negosyo,at sa iba pang gawaing illegal.

Isang tauhan lang niya ang kanyang kasama ,dahil may mahalaga siyang pinag-utos sa mga ibang tauhan nito.

At dahil duon kailangan nilang iligaw ang mga humahabol sa kanila .

"Just fucking drive" baliwalang tugon nito.

Parang wala sa kanya ang nangyari dahil sa nakapikit at prenteng nakasandal ito habang naka de-kwartro.

kaya pinagpatuloy nang kanyang tauhan ang pagmamaneho.

Hanggang sa may mga kabahayan na silang nakikita.

Tahimik at payapa ang lugar na kanilang nadadaan.

Malayo sa lugar na kanilang nakagisnan.

"What the fucking fuck bastard!!!"malamig at mariin nitong mura halatang galit na galit.

Nanginig sa takot ang kanyang tauhan sa sobrang lamig at riin nitong sigaw.

"P....pa..patawad po Boss"nauutal na sagot nito..

"May babaeng pong biglang tumawid".nanginginig parin ito sa takot habang nagsasalita.

"Titignan ko lamang po kung ayos lang siya boss".Dali dali itong lumabas upang tignan kung anong nangyari sa babaeng muntik nang masagasaan.





















Comment lang po kung may nagbabasa .para naman ganahan akong mg update✌️😁

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon