Chapter 26

1.1K 51 1
                                    

LUDO POV

Masayang tinutubigan ko ang mga bulaklak sa hardin ni Azriel.

Hindi parin ako makapaniwala na mayroon itong mga tanim na rosas.

At ang ilog na aking inakala kanina ay isa palang swimming pool ayon kay Azriel.

Pinagbihis muna niya ako bago pinayagang lumabas.

Sinuot ko ang paborito kong bestida na kulay rosas.

Nagalit pa ito noong una.
Bakit puro maiikling mga damit ang aking mga isinusuot.

Sa bandang huli ay wala din itong nagawa,Dahil si ina ang bumibili sa aking mga damit.

Magaganda naman ang mga ito.
Sadyang maselan lang lalaking ito.

"All of you ,leave! pinaalis niya ang mga lalaking nakita kong nagbabantay sa malawak niyang bakuran.
Mabilis namang nawala ang mga lalaki sa aking paningin.












------

Nang matapos na ako sa aking ginagawa ay lumapit ako sa kanya, mukhang naiinip na ito sa paghihintay.

Nang makita niyang papalapit ako sa kanya ay tumayo ito.

"Let's eat breakfast."hinawakan niya ang aking kamay at sabay naglakad papasok sa loob ng kanyang bahay.

Habang naglalakad ay nakakunot ang kanyang noo.
Napapansin ko na bihira itong magsalita at mainitin ang ulo.

"Azriel...bakit laging naka-kunot ang iyong noo?inosenteng tanong ko sa kanya.

Hindi sumagot si Azriel sa halip,niyakap lang niya ang kanyang baywang.

Nang makarating sa hapagkainan ay agad niya akong pinag-hila ng upuan.

May matandang babae ang lumapit sa akin at may inilapag na gatas aking tabi.

Ningitian ko ito at nagpasalamat.

"Hmm...maari po ba kayong sumabay sa aming mag-almusal."lumingon ito kay Azriel na abala sa paghigop sa kanyang mainit na kape habang mariin na nakatingin sa akin.

"My lady,kaming pong narito ay mga taga silbi lamang,hindi po kami maaring sumabay sa inyo na kumain."nakangiti niyang saad.

"Ludo po ang pangalan ko?hindi My lady..maari ko po bang malaman ang inyong pangalan?."

"Tawagin mo nalang akong Manang Sita.
Kumain na po kayo at kung may kailangan kayo wag kang mahihiyang tawagin ako."

Nakalabi akong tumingin kay Azriel.

"Now what?just eat "il mio bambino". nakataas na kilay na tanong niya.

"Ang dami ko namang pangalan."mahinang saad ko.

Dinig ko ang malakas na tawa niya.

Naguguluhan ko itong tinignan,wala namang nakakatawa sa aking sinabi.










"My innocent wife."sabi niya habang may nakakaasar na ngisi sa kanyang labi.
















Please vote❤️

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon