Chapter 73

858 37 3
                                    

LUDO POV

Dinala ako nito sa kanyang tinutuluyan,malapit lang ito kaya naman mabilis lang kaming nakarating.

Agad din ako nitong ipinagluto,pinaupo niya ako malapit sa kanya at tahimik na naghihintay.
Paminsan-minsan din ay sumusulyap ito sa akin.

"Eat my baby doll."
Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na ito.

Inosente ko itong tinignan.

"Pa-paano ka,hi-hindi kaba kakain?mahina kong tanong dito.

"Don't worry about me okay,just eat."

Hindi ko na ito pinilit,kaya naman nagpatuloy nalang ako sa pagkain.
Masarap din itong magluto tulad ni Azriel.

Tumigil ako sa pagkain ng biglang sumagi saking isipan ang aking asawa.
Ano kaya ginagawa nila,hinahanap kaya ako nito,at totoo ba ang balitang buntis si Mira at siya ang ama.

May nalalaman din ba ang mag-asawang sina Nanay Sol at Tatay Fidel sa mga bali-balita.
Kaya ba lumayo si Nanay Sol kanina dahil ayaw niyang marinig ko ang sasabihin ng babaeng kausap nito.


"Doll are you alright?

Hindi ko napanasin na may luhang pumatak na sa aking mga mata.

Nag-aalala naman itong tumingin sa akin.

"What happened, why are you crying?


"Ba-baka hinahanap na ako?

Tinignan muna ako nito bago bumuntong hininga.

"Don't worry,ako na ang bahala hmmm....just continue your food."

Dahil sa sinabi niyang iyon ay naging kampante ako at nagpatuloy sa pagkain.






-------

Nakaramdam ako ng antok pagkatapos kong kumain,tila napansin iyon ni Eros.

"You know doll, i learn a lot about you,the moment I was with you.
Kapag nagugutom ka nakabusangot at nagiging iyakin ka,at kapag naman busog kana inaantok ka naman."tila nasisiyahan ito sa kanyang mga naiisip patungkol sa akin.

Humikab lang ako bilang tugon.

"So fucking cute"mahinang bulong nito.

"You can sleep in my room."

Umiling ako bilang pagtanggi.

"Ayos lang kahit dito nalang sa sofa."mahinang sagot ko dito.

"No"mabilis na sagot nito.

Nakanguso ko itong tinignan.
At siguradong mapupungay na ang aking mga mata.

Dahil sa antok ay napilitan akong tumango dito.

"Okay,follow me."

Nauna na itong maglakad at sumunod ako dito.

Mabagal lang ang mga naging kilos ko,akmang hahakbang na ito sa may hagdanan ng makita niya kung paano kabagal akong maglakad.

Lumapit ito sa akin at nagulat nalang ako ng biglang binuhat ako nito.

"I know,your tired doll."

Sumandal ako sa kanyang matitipunong dibdib at ipinikit ang mga mata,pero bago ako lamunin ng dilim ay pumasok muna sa aking isipan ang larawan ng dalawang taong masaya.

Hindi ko namalayan na may mga luhang pumatak sa aking pisngi.

"Sleep my doll,everything will be fine, and you will be mine,only mine!.



Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon