Chapter 40

1K 44 0
                                    

LUDO POV

Lumipas ang tatlong araw ay bumalik na ang aking lakas.

Narito kami ngayon ni ina sa malawak na hardin ni Azriel.

Kasama ko ito sa pagdidilig ng mga bulaklak.

Mabuti nalang at pinayagan na akong lumabas ni Azriel sa aking silid.

Noong una ay ayaw nitong pumayag nagtatalo pa nga sila ni ina.

Sa tatlong araw na pamamalagi ni ina ay labis itong namamangha sa bahay ni Azriel.

Magkasundo rin sila ni Manang Sita.


Si Azriel naman ay naging abala sa kanyang trabaho,kaya madalas ko na lamang itong makita.

Hinahayaan ko na lang ito dahil iniisip ko din ang mga taong umaasa sa kanya.

"Napaka ganda ng mga bulaklak."namamanghang sinabi ni ina.

Nakatanaw ito sa iba't ibang uri ng mga bulaklak.

"Gusto mo ba ina,magpapaalam ako kay Azriel na kukuha ng isang tangkay at ibibigay ko sa iyo upang itanim ito."nakangiti kong sinabi habang abala sa aking ginagawa.

"Wag na lang anak,hindi ko din naman maasikaso ang mga iyan."

Kumunot ang aking noo dahil sa narinig.

"Bakit po ina?tanong ko dito.

"Abala rin ako sa bagong negosyo  na bubuksan namin ni Marta kasama ang kanyang asawang si berto."

Hindi parin nagbabago ang aking reaksyon naka kunot parin ang aking noo.

"Anong negosyo ina?at paano na ang iyong mga tindang bulaklak?

Sunod-sunod na tanong ko dito.

Natawa naman ito sa akin.

"Matumal na ang mga bulaklak na aking itinitinda,kaya naman naisipan kong magtayo ng grocery sa loob ng palengke, yung lumang pwesto ni Selya ay ako na ang mag rerenta doon."

Paliwanag nito sa akin.

"At tsaka anak,kailangan ko na din umalis bukas."

Nalungkot ako sa narinig,pero hindi ko na lamang ito ipinahalata kay ina.
Nang mapansin ni ina ang aking pananahimik ay lumapit ito sa akin,at marahan na hinawakan ang aking buhok

"Ludo anak,hindi naman ako pwedeng magtagal dito,alam mong nasa nayon na iyon tumatakbo ang buhay ko,at higit sa lahat may asawa kana kailangan mong tumayo sa sarili mong mga paa."
Paliwanag niya sa akin.

Napilitan na lamang akong tumango sa kanya.

Ipinagpatuloy na lamang namin ang aming ginagawa at sinusulit ang mga natitirang oras na magkasama kami ni ina.

------

Tinuturuan kami ni Manang Sita kung paano gumawa ng cake at cupcake,tuwang-tuwa naman si ina dahil dito.

Marunong si ina sa pagluluto at paggawa ng mga ito pero kulang kami sa mga kagamitan sa bahay kaya madalas na lamang niya iyon nagagawa tuwing may okasyon lang.

Tapos ko nang lagyan ng dekorasyon ang aking na bake na cupcake.
Tuwang tuwa naman ako sa aking ginawa.

"Ina,maaari mo bang ibigay kay letlet ang mga nagawa ko,tiyak matutuwa siya kapag natikman niya ang mga ito."masaya kong sinabi kay ina.

"Oo naman,matutuwa ang batang iyon kung ganun."napangiti ako dahil nakikita ko sa aking imahinasyon ang magiging reaksyon ni letlet.

"Ina!

Nagulat naman ito sa aking malakas na pagtawag.

"Jusmiyong bata ka!bakit ka sumisigaw?

Napangiti naman ako sa naging reaksyon ni ina.

"Si arf arf nga pala,kamusta siya."

"Ginawan siya ng kulungan ni Berto,hindi kasi siya maaring sumama sa palengke baka mawala pa siya doon,wag kang mag-alala sa kanya nasa maayos na lagay ang iyong alagang aso."

Napanatag naman ako sa narinig.

"Siya nga pala,yung pamangkin ni berto,si greko nakita niya ang iyong larawan ng bumisita siya sa bahay,at hinahanap ka-

"And who is that fucking man?
Madiin na tanong ni Azriel nakakunot ang noo nito.

"Ay bastos na bata."mahinang bulong ni ina,na dinig ko naman.

"Tell that man to leave my wife or else iwill squeeze his fucking neck!"

"Alam mo bang ayaw ko sa basagulero para sa anak ko!
Naka pamaywang na sabi ni ina.

Si Manang naman ay tila nagulat,tahimik lang itong nakamasid sa dalawa.

"I don't care, she's my wife and that's what's important!

"A-abat itong batang to-

"Ina"putol ko sa sasabihin nito,panigurado ay iinit nanaman ang ulo nilang dalawa.

"Come here my wife."

Nahihiya akong tumingin kay ina na
nakatingin kay Azriel.

May biglang tumunog kaya doon nabaling ang aming atensyon.
Luto na aming aming ginawang cake,lumapit si Manang doon at dahan-dahan inilabas ang cake na aming ginawa.
Nang mailabas na ito ay lumapit si ina.

"Maaari mo na itong lagyan ng dekorasyon."masayang paliwanag ni manang kay ina.

Alam kong inililihis lamang ni manang ang tensyon na namamagitan   kay ina at Azriel.

Lumapit si Azriel at yumakap sa aking likod.

"Don't introduce yourself to anyone do you understand."bulong nito sa aking tenga.

Tumango na laman ako sa kanya.

"Word baby."

"O-oo"mahinang sagot ko,hinalikan naman niya ang aking noo.




Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon