Chapter 7

1.3K 89 4
                                    

LUDO POV

Nagkakagulo sa lugar nila,iyan ang kanyang nadatnan pagkauwing pagka-uwi niya galing sa pamamasyal.

  Naririnig niya ang iyak nang mga bata at ingay nang mga alaga nilang hayop.
Nakapagtataka maayos naman ito kanina.
Ano kaya ang nangyari'tanong niya sa kanyang isipan.

Lalapitan niya sana ang isa nilang kapitbahay para magtanong nang bigla siyang'nakarinig nang batang umiiyak.
Sinundan niya ang tunog nang kanyang iyak at nakita niya ang batang si letlet' nasa may likod ito nang puno nang acasia.Dahan dahan niya itong nilapitan at tahimik na umupo sa kanyang tabi.

"A-a...te ludo,p-pinapaalis na nila kame sa aming bahay."Si tiyo berto i-ipinagbili niya ang aming lupa."Umiiyak niyang sumbong sa akin.

"Wala na kameng bahay."Hindi alam ni nanay kung saan kami titira,tumakas si tiyo berto'dala ang mga pera,kaya naman pinapalayas na nila kami.
Ang tiyo berto ni letlet ay pangalawang asawa ni Aling marta' ina ni letlet.

"P-pumunta ang bagong may-ari nang aming lupa,nakakatakot sila ate ludo.Natatakot ako."

"Kakausapin ko si ina para tumuloy muna kayo sa aming bahay,tutal dalawa lang kame ni ina doon. Nakingiti kong sambit sa kanya.Tila gumaan naman ang kanyang loob dahil tumigil na ito sa pag-iyak.

Hinawakan ko ang maliit na kamay ni letlet para tumayo,nakangiti na itong
nakatingin sa akin tila nagkaroon nang kaunting pag-asa.
"Hindi ka lang maganda ate ludo napakabait mo pa."
Tinawanan ko  nalang ang kanyang sinabi.

Pagkarating sa bahay nakita ko si ina at aling Gina na masinsinang nag-uusap.

Napalingon si ina sa aming banda.

"Ludo,saan ka nanggaling?."tanong niya."at bakit mo kasama si letlet?baka hinahanap na yan ni marta maggagabi na."Nilingon ko ang nakayukong si letlet at mahinang  pinisil ang maliit niyang kamay.

Ibinalik ko ulit ang  tingin kay ina.

"Ina,maari bang dito na muna tumira sina aling marta at letlet?.tanong ko sa kanya.

"Ibinenta ni Mang berto ang kanilang lupain."nangunot ang noo ni ina,Si aling Gina ay tila nagulat sa narinig.

"Akala ko ba hindi ipagbibili ni Marta ang kanilang lupa?bakit
siya pumayag na ibenta ito ni Berto."gulat pa din tanong ni Aling gina.

Sumagot ang batang si letlet."Hindi po alam ni inay na naibenta na pala ni Tiyo berto ang aming lupa Aling gina."umiiyak na sabi nito.

Naawa ako sa kanya kaya lumuhod ako at niyakap ito.

Napaka bata pa niya para mawalan sila nang tirahan.

  Ang pagkakaalam ko ay wala na silang ibang kamag anak kaya wala na din silang ibang mahihingan nang tulong.

Lumapit si ina sa amin at lumuhod na rin.

Hinawakan niya ang ulo ni letlet tila inaalo niya ito.

"Ayos lang kung dumito muna kayo nang iyong inay,kasya naman tayong apat sa aming munting tirahan."Alam kong papayag si ina na dumito muna sila pansamantala,likas na matulungin kasi ito katulad niya.

"Maraming salamat po Aling ina,katulad din po kayo ni Ate ludo' na hindi lang maganda mabait din po kayo."natawa nalang kami ni ina sa narinig.

"Aysus na na batang ito paano naman ako aber!!."pag singit ni Aling gina,kaya mas lalong lumakas ang aming tawanan .

Sana wala nang problema ang dumating sa amin.

At kung sino man ang taong gustong bumili ng aming lupain sana magbago pa ang kanyang isipan.



















Please vote❤️❤️❤️

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon