Chapter 84

1K 33 10
                                    


LUDO POV

Kasama nito si Mira na may kalakihan na din ang tiyan.

Tansya ko ay nasa apat na buwan na ang dinadala nito.

Naka-alalay ito kay Mira kitang-kita ang pag-iingat niya dito.

At muli ay nakaramdam nanaman ako ng kirot sa aking dibdib.

Lilingon na sana si Azriel sa aking kinaroroonan ng may matitigas na braso ang pumulupot sa aking baywang.

"Let's go doll"bulong ni Eros.

Dahil sa aking nakita ay nagpatangay na lang ako sa kanya.













----






Pasakay na ako sa aming gagamiting sasakyan ng may tumawag sa aking pangalan.




"Marie"




"Andro"mahinang banggit ko sa kanyang pangalan.

Lalapitan na sana niya ako nang may isang malamig na boses ang tumawag sa kanya.

"Alejandro"

Natulala ako sa aking kinatatayuan at hindi ko maigalaw ang aking mga paa.

Napatingin ako sa kanyang kinaroroonan,at laking gulat ko ng makita kong mariin siyang nakatingin  sa akin.

Mababakas sa kanyang mga mata ang kakaibang emosyon.



"Ill mio bambino"bulong nito.


Naluluha akong nakatingin dito,at pasimple kong hinawakan ang aking may umbok na tiyan.

"Anak,siya ang ama mo"

"Doll,umalis na tayo."bulong ni Eros sa aking tenga.

Tumango ako bilang tugo.







Sa huling pagkakataon ay muli ko itong sinulyapan,nakahawak na si Alejandro dito mukhang pinipigilan ito.

Sasakay na sana ako ng makarinig kami ng isang malakas na pagsabog.

"Ahhhhhh...."inalalayan ni Eros ang aking ulo.

Nag-aalalang tumingin sa akin si Azriel,akmang lalapit ito ng malakas itong tinawag ni Alejandro.

"Venom" si Mira."malakas na sigaw ni Alejandro.

Mabilis niya akong tinapunan ng tingin at walang pakundangan na umalis.

At dahil sa kanyang ginawa ay tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigalan.





Wala na talaga,wala na akong silbi sa buhay niya para nalang akong isang bagay na isinantabi  sa isang sulok.

"Fuck!!Damn it!!pagsisihan mo ito CASTILLO!

May naririnig parin kaming mga pagsabog.

"Doll,hihingi ako ng pabor sayo,sumakay kana at pakiusap wag kanang umiyak wag mong iyakan ang walang kwentang tao na iyon."


Tumango ako at mabilis na sumakay.


"Ilayo mo ako,ilayo mo ako sa lugar na ito,pakiusap."



























The end






Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon