Chapter 8

1.3K 55 2
                                    

Tatlong araw na nakatira sa amin sina letlet at aling marta,at sa tatlong araw na iyon puro tawanan lang ang nagaganap sa loob nang aming bahay.

Napaka bibong bata nitong si letlet.
Si aling marta ay nahihiya pa ito sa amin.
Noong una ayaw niyang makituloy sa amin.
Nahihiya daw siya,pero kinausap ito ni ina nang masinsinan kaya naman napapayag din niya ito.

"Kristina....kritina..."malakas na tawag ni aling gina.
Dali dali naman lumabas si ina sa kanyang silid at lumabas.

"Gina,may problema ba?bakit ang inga-"narinig kong tanong ni ina.

"Sino kayo,anong kaylangan niyo sa amin...?"matigas na tanong ni ina.

"Sila ang mga taong gustong bumili nang ating mga lupa kristina...".dali dali akong lumabas gusto ko din malaman kung bakit nais nilang bilhin ang aming mga lupa.

"Ina..." Nag-aalala kong tawag sa kanya.

Alam kong mahirap para kay ina' na mawala ang pinaghirapan nang kanyang mga magulang.

Nararamdaman ko ang kanyag galit.
Galit para sa mga taong gustong angkinin ang aming tirahan.

Galit niyang hinarap ang mga ito.

"Umalis na kayo!!wala kayong mapapala sa amin."seryosong saad.

Ngayon ko lang siyang nakitang nagalit ng ganito.

Napakaseryoso niya at napakalamig nang kanyang boses,malayo sa nakagisnan ko.
Lagi itong mahinahon at napaka lambing  magsalita.

"Doble ang ibabayad nang aming boss sa inyo ma'am,lalo na kung papayag kayo na ibenta ang lupang ito."saad ng lalaking may hawak na kulay itim na bag na kakulay ng kanyang damit.

"Dala ko na ang mga papeles at cheque,kung sakaling papayag kayo sa aming alok ay madali naming ibibigay ang paunang bayad."

Dahil sa narinig mabilis akong lumapit sa kinaroroonan ni ina.
Nakayuko akong kumapit sa kanyang braso.

"Sabihin mo sa inyong boss wala siyang mapapala sa akin,umalis na kayo!!buo na ang aking desisyon..."pinalidad na sagot ni ina.

"Pero kayo nalang ang hindi pumapayag,lahat ng mga taga nayon ay nagsi-payagan na sa aming inalok na pera."

Mabilis akong nagtaas ng tingin ng dahil sa narinig.

At di sinasadya na mapatingin kay Aling gina na tahimik lang sa isang tabi.

Ang ibig bang sabihin nito ay napapayag na nila itong ibenta ang kanilang lupa.

Akala ko ba ay mahalaga ito para sa kanya.

Narinig kong napasinghap si ina' at lumingon sa tahimik na si aling gina.

"Anong ibig sabihin nila Gina,akala ko ba hindi mo ipagbibili ang inyong lupa."tanong ni Ina sa kanya.

"Patawad kristina,noong una ayaw ko talagang pumayag'pero makapangyarihan ang taong gustong bumili nang ating mga lupa,kahit anong pilit ko sa kanila wala akong nagawa.Gusto talaga nila itong bilhin,kaya naman pumayag na ako sa kanilang alok na malaking halaga..."maluha luha nitong paliwanag kay ina.

"Kristina pumayag kana,wala tayong laban sa kanila."dagdag pa niya.

" Sabihin niyo sa inyong amo,hinding hindi ko ipagbibili ang aming lupa! Umalis na kayo!!!

Sa boses palang ni Ina ay alam ko nang nagpipigil ito sa kanyang galit.

"Paumanhin po,maari po bang umalis na muna kayo..."magalang kong sambit sa kanila.

Natuon ang atensyon nila sa akin'pagkarinig sa aking sinabi.

At halos nagulat sila sa aking presensya lahat sila ay nakatulalang nakatingin sa akin bahagya pang nakanganga ang kanilang bibig.

"Isang angel sa lupa."

"Ang g-ganda niya.mahihina nilang bulong.

"Halika kana ludo,pumasok na tayo..."

Hinila na ako ni ina sa loob nang aming bahay at pabagsak na isinara ang aming pintuan.

Naiwan ang mga nakatulalang  kalalakihan at ang tahimik na si aling Gina sa labas ng aming bahay.





















Please vote❤️

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon