Chapter 43

1K 43 0
                                    

LUDO POV

Tulad nga ng kanyang sinabi ay isinama niya ako sa kanyang pinagta-trabahuhan.

Nakasuot ako ng isang puting bestida na hindi bababa sa itaas ng aking tuhod.

Napaka-simple lang nito para sa akin,
Ngunit mukhang hindi niya ito nagustuhan.

Ang sabi niya ay masyado itong maikli,sa tingin ko naman ay sakto lang ang sukat niya para sa akin.

Nang sinabi kong isa ito sa kanyang mga ipinamili ay tumahimik nalang ito.











-----

Huminto ang aming sinasakyan sa harapan ng isang napaka-laking gusali.

Napatulala ako sa aking nakikita.

Sobrang laki nito at gawa ito sa salamin.

Ang mga nakikitang kong mga tao ay puro elegante ang kanilang kasuotan.

"Lets go baby..."

Dahil sa pagiging abala ko sa aking pagmamasid hindi ko namalayan na nasa harapan ko na ito.

Naka-abang na ito sa akin at nakalahad na ang kanyang kamay upang alalayan ako sa pagbaba ng sasakyan.

Niyapos muna niya ang aking baywang bago ito nagsimulang maglakad.

Pagkatapat sa isang eleganteng pinto na gawa sa salamin ay sinalubong kami ng dalawang lalaki.

"Goodmorning po Mr Castillo,at sa inyo din po Maam."nakayukong bati nila.

"Magandang umaga din po sa inyo".
malambing kong tugon.

Sabay silang lumingon sa akin at biglang natulala.

"Don't smile at them!marahas na suway ni Azriel sa akin.

Nagulat ako sa kanyang inasta,kaya
inosente ko itong tinignan.

Wala sa akin ang kanyang tingin nasa dalawang lalaki ang kanyang atensyon.

Nang lingunin ko ang dalawang lalaki  ay nanginig ang mga ito na nakayuko ang mga ulo.

"Bakit bawal ba silang tignan."inosenteng tanong ko dito.

"Tsssk"


Mas lalo niyang hinapit ang aking baywang palapit sa kanya.

Nahihiya kong inilibot ang paningin sa paligid,nakita ko halos lahat ng taong narito ay nasa amin ang kanilang buong atensyon.

Naramdaman ko bigla ang pag-init ng aking magka-bilang pisngi.

Inalalayan ako nitong sumakay sa kabubukas lang na elevator.
Pagka-sarang pagkasara nito ay mabilis niyang nailagay ang ulo sa aking leeg.

Hinayaan ko nalang ito,unti-unti narin kase akong nasasanay sa kanya.

Pagkatunog ng elevator ay siya ding pagbukas nito.

Pagkalabas namin ay bumungad ang maaliwalas na pasilyo,ang makikita mo lang ay ang nag-iisang pinto na naroon.

Doon kami pumasok,bumungad sa akin ang napaka-ganda niyang opisina may upuan at mesa ito sa gilid at may mahabang sofa,sa dingding naman ay may nakasabit na malaking Telebisyon.

Puro salamin ang kanyang bintana,at tanaw na tanaw mo ang siyudad sa ibaba.

Tumakbo akong lumapit doon,at halos namangha ako sa aking nakita.

"Don't run baby..malamig niyang suway.

Tumango ako bilang tugon,hindi kona tinignan ang kanyang reaksyon.

Dahil nasa buong siyudad ang aking atensyon.

Naramdaman ko ang kamay niya na pumulupot sa aking baywang.

"Did you like the scenery?aniya.

"O-oo,araw-araw kabang narito kapag wala ka sa bahay?tanong ko habang nakatingala sa kanya.


Mariin niya muna akong tinignan bago sagutin ang aking tanong.



"Yes"maikling sagot niya.

Nabalin ang aming atensyon sa pintuan ng may mahinang kumakatok dito.

"Come in.."walang kasing-lamig na saad niya.


Pumasok ang babaeng may suot na maikling damit.

Nagulat ito ng makita niyang nakayakap si Azriel sa akin.

"What do you need?

Tumikhim ito bago sumagot,at pasimpleng tumingin sa akin.

"Si-sir you have a meeting at 8:30 with the investors,and Mr.Del Fuego also want to talk to you in private.'

"Okay,you may leave"mariin niyang utos.

"Bu-but si-

"I said just fucking leave!"nagulat ako sa lakas ng boses niya.

At dahil dito maluha-luhang umalis ang babae.

"Ang sabi ni ina ang babae hindi sinisigawan dapat ginagalang."hindi ko napigilang pangaralan ito dahil sa maling pagtrato niya sa babae.

"Tsskkk..She seducing me,you didn't notice?

Nakanguso ko itong tinignan.

"Parang hindi naman,at kung totoo man mag-papa-akit kaba?inosenteng saad ko.

"Damn it!don't pout to other men."

"Ah."naguguluhang akong tumingin sa kanya.

I have something important to do, just stay there and don't leave,do you understand."

Ang layo naman ng sagot niya sa tanong ko.



































Please vote❤️

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon