Chapter 74

844 37 0
                                    

THIRD PERSON POV

Eros looked silently at the girl who was sleeping.
Kanina pa niya napapansin ang lungkot sa mga mata ng babae,kahit sa pagtulog nito ay mababanaag mo ang lungkot na kanyang nararamdaman.

Habang nakatingin ito sa natutulog na si Ludo ay may luhang pumapatak sa pisngi nito.

Tumiim ang kanyang mga bagang sa kanyang nakikita.

Ayaw niyang nakikita ang babae na nasasaktan,ngayon lamang nakaramdam ng ganito si Eros para sa babae.

Kaya naman nadagdagan ang pagkamuhi nito kay Azriel.

Eros Del Fuego is also known as a cold person,hindi nalalayo ang ugali nito kay Azriel pero mas marami ang natatakot dito.

May narinig itong sigaw sa labas ng kanyang tinutuluyang bahay.

Alam na niya kung sino ang taong iyon.
Kaya naman nakangisi siyang tumayo,pero bago niya nilisan ang silid ng babaeng kanyang nagugustuhan ay nag-iwan muna ito ng isang halik sa kanyang mga labing nakakaakit.

"Alla prossima, bambola mia"

At tuluyan na nga itong lumabas upang harapin ang halimaw na nagwawala sa labas ng kanyang tinutuluyan.




----------



"What are you doing here Castillo?
Tinignan lang niya ito ng masama.

"Where is my wife moron!".nagagalit na tanong nito.

"In my room"sagot nito na tila nang-aasar .

Pagkarinig ni Azriel ang mga salitang iyon ay galit na galit itong lumapit dito.

"Fuck you! I'll will kill you bastard!!akmang susuntukin niya ito ng may lumapit na dalawang matanda at isang babae.

"Senyorito"sabay tawag nila dito.

May lumapit na babae dito at hinawakan ang mga braso ni Azriel.

"Azi"mahinang tawag ng babae dito.

Biglang nagdilim ang mga mata ni Azriel tila nagpipigil ito sa galit.

Ang lalaking si Eros naman ay prenteng nakatayo lang habang ang kanyang dalawang mga kamay ay nasa loob ng magkabilang bulsa ng suot niyang pantalon.

Tinabig ni Azriel ang mga kamay ng babaeng nakahawak sa kanya at naglakad papunta sa silid kung nasaan ang kanyang asawa.

Nagtuloy-tuloy lang ito sa paglalakad hindi alintana ang babaeng walang tigil na tumatawag dito.

Nang makarating na siya sa itaas lahat ng makita niyang pintuan ay pinagsisipa niya upang mabuksan ang mga ito pero bigo siyang makita ang asawa.

Naglakad-lakad pa ito at sa dulo ay may nakita pa siyang isang pintuan.

Hindi na kailangan pang sipain o sirain ni Azriel ang pintuan,dahil sa labas palang ng pinto ay makikita muna ang kanyang asawang payapang natutulog.

Dahan-dahan itong lumapit,ng nasa harapan na siya ng kanyang asawa ay doon niya lamang napansin ang mga natuyong luha sa mga mata nito.

"Azriel"mahinang sambit nito sa pangalan niya.

"Psssttt I'm here baby, I'll take you home."malambing na sagot nito sa asawa.

Dahan-dahan niya itong binuhat,ayaw na niya itong gisingin dahil alam ni Azriel kung ano ang magiging reaksyon ng asawa kapag nasira ang tulog nito.


Nang nasa bungad na siya ng hagdan ay nakita niya ang babaeng si Mira,mangiyak-ngiyak siyang nakatingin kay Azriel.

"Azi,paano ako,ang baby."tanong niya dito ng makababa na ito.

Hindi ito pinansin ni Azriel at diretso lang itong naglakad.

"Castillo,next time i see my doll cry i won't give him back to you!!

Umigting ang mga panga nito sa narinig.

"Hinding-hindi mangyayari iyon Del Fuego!

Ngumisi lang ito sa narinig.

"Tsskkk,Okay then tell your wife that I liked her lips."at mapang-asar pa niyang hinawakan ang mga labi nito.

Nagpipigil naman sa galit si Azriel sa narinig.

"Baby"mahinang bulong ng asawa at isiniksik ang kanyang mukha sa dibdib nito.










Vote 💋

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon