Chapter 12

5.9K 170 23
                                    

Lucious

"He's still not awake?" Clara entered the room.

"Yeah." I shrugged.

Ilang oras na syang tulog, ilang beses ng nakabalik si Clara dito pero hindi pa rin sya nagigising. It's already night time too. Pinauwi ko na ang mga kasama ko papunta dito. Si Clara naman ang nagbabantay sa kapatid ni Shin.

"Tulog na sya?" I asked pertaining to the kid.

Tumango sya at umupo sa may sofa. "Oo, ang tagal nga lang bago sya makatulog. I almost stab him with a sedative."

I smirked. "He must be very worried."

I glanced at Shin. Bumalik na ang kulay ng muka nya. He must be very tired. Siguro bumabawi ang katawan nya ng tulog. Being a nursing student is not easy. Parang mga Med student rin sila na halos walang tulog kakaaral.

Their chosen passion needs a lot of focus and attention. Sleep is only for the weak they say. Plus he's working during his break time. Kenn said that he's either studying or working.

"You should wake him up. Kailangan nya ring kumain." Clara said at tumayo.

"Magpapadala ako ng pagkain dito. Kailangan ko pang icheck ang iba kong mga pasyente. Kumain ka na rin. See you later." Paalam nya at umalis rin.

I glanced at the sleeping bastard again. Malamang gutom na sya. Tumayo ako at kumuha ng unan. Pumwesto ako sa bandang unahan nya at akmang hahampasin na sya ng bigla akong tumalsik palayo. I groaned when I fell on my bottom.

"Fuck!" I cursed in pain.

"Anong ginagawa mo dyan." Kunot noong tanong nya akin.

My nose flared in anger. I almost pull my gun out and shot him in the head. Tumayo ako at sinamaan sya ng tingin. I threw the fucking pillow in the sofa and sat back in the stool. He frowned and roamed his eyes around the Emergency Room.

"Anong ginagawa ko dito?" Walang buhay nyang tanong.

"Nurse ka diba? Baka alam mo kung anong ginagawa sa Hospital room." Sarkastikong sagot ko pero hindi nya yun pinansin.

"Si Vince.." Realization hit him and he immedaitely went off the bed.

"He's sleeping. Clara already took care of him." I casually said and crossed my legs.

Humarap sya sakin. Muka syang lutang. Tumayo ako at lumapit sa kanya. I carefully pushed him back to his bed. I smirked when he didn't even flinched or pushes me away.

"The food's coming. Kumain ka muna bago ka bumalik don." Aniko.

Hindi sya pumalag at nanatiling tahimik. My smirk widen at his obedient state. I'm starting to find him funny. The foods arrived a moment after. I pushed the cart towards him and grabbed only the sandwich and iced tea for myself.

"Eat. You looked like a vegetable." I told him and munched my sandwich.

Tahimik syang kumilos. Yung sopas lang ang ginalaw nya. I keep forcing him to eat the rice and pork pero hindi nya naman ako pinapansin. I'm starting to feel irritated at this bastard.

"Are you mute? Nalunok mo ba ang dila mo sa pagtulog?" Inis kong tanong.

"Tapos na 'ko." He ignored me straight to my face and stood up.

"Hey!" I groaned when he left without telling me.

"Impolite bastard." I gritted my teeth in anger.

Inis kong inubos ang kinakain ako at tumawag ng nurse na kukuha ng cart ng pagkain. Lumabas ako ng ER at hinanap ang bastardong yun. Saktong nahagip ng mata ko ang damit nya sa papasarang elevator. Dali dali akong pumunta don.

Mischief MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon