Chapter 24

4.9K 155 8
                                    

Lucious

"Where am I going to sleep?" I asked him.

Tumaas ang kilay nya at pagak na ngumisi. Nainsulto ako agad pero pinigilan ko ang sarili. Knowing how evil he is, baka sa sahig nya 'ko patulugin. No way I'll be sleeping on the floor. Ayokong sumakit ang katawan ko bukas.

"Sa inyo. Umuwi ka na." Sagot nya.

"What?!" I exclaimed.

Madilim na sa labas at umuulan pa. Tapos papauwiin nya ako?! How ruthless can he be?!

"Umuwi ka na. Wala kang matutulugan dito. Salamat sa kunting tulong na nagawa mo." Matabang nyang sabi.

Naginit agad ang ulo ko. "K-Kunting tulong?! Kunti pa ba yun para sayo?! I almost did everything!"

Tumaas ang kilay nya lalo. "Sinusumbat mo?"

Natahimik ako at napalatak. Kahit kailan talaga ang lalaking 'to! Hindi sya pumapalpak na galitin ako sa araw araw na ginawa ng Diyos. Kung pwede ko lang syang barilin at ipakain ang katawan nya kay Cerberus ay matagal ko ng ginawa.

"You're heartless." I muttered.

He chuckled sarcastically. Uminit lang lalo ang ulo ko pero hindi na ako umimik pa at lumabas na lang ng kwarto nila. Naabutan ko si Vince na nanonood pa rin ng TV habang kumakain ng apples na binili namin kanina.

"Kuya Lucy! Apples po?" He offered.

Ngumiti ako at tinanggap yung slice ng apple. I like apples too. All of us five likes apples. Pag tamad kaming kumain ay laging apples ang solusyon namin. Madalas rin naming pinagaawayan ang natitirang apples sa ref kasi ang bilis maubos.

And I always win.

Vince suddenly yawned. He rubbed his eyes cutely and glanced at me. Ngumiti sya kaya nawala ang mga mata nya. He's so cute and adorable. May dimples rin pala sya sa kanang pisngi. This kid will be a walking heart breaker when he grow up.

"I'm sleepy na po, let's sleep na po Kuya Lucy po?" Aya nya at bumaba ng sofa.

"You should sleep na, I'm going home." Ginulo ko ang buhok nya.

He drammatically looked me. Nandyan nanaman ang naka'0' nyang bibig. I chuckled, ah, he's so cute.

"Your brother is an evil. Pinapauwi nya na ako. Kaya matulog ka na para makauwi na ako." Sagot ko.

"No po! I will talk to Kuya po!" He made a grumpy face and marched to their room.

I grinned and sat comfortably on the couch. This is fun. Maya maya ay narinig ko na ang boses ni Vince na inaaway ang Kuya nya. I chuckled and listened.

"But Kuya! That's so rude po! It's rainning outside too po! What if mapahamak si Kuya Lucy po? What can you do po if that happens po? Kuya Lucy looks so tired too po." Giit ni Vince.

Buti pa 'tong bata marunong maawa.

"Hindi tayo nagpapatulog ng strangers dito sa apartment, Vince." Matigas nyang sabi.

I scoffed in disbelief. This bastard! Aish!

"But Kuya Lucy's not a stranger na po Kuya! He helped us po diba? He's nice po!" Pakikipagtalo ni Vince.

Tama, tama. Tumango tango ako habang nakikinig. But I'm not nice.

"Wag kang sumagot sagot sakin, Vincent." Banta ni Shin.

Nawala ang ngiti ko. I sighed and stood up. I wan't Vince to side me, to defend me to his brother but I also don't want him to disrespect his brother. Maybe Shin's still angry about what I did to Vince. Akala ko areglado na ang kasalanan ko.

Mischief MiseryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang