Chapter 30

5.8K 146 7
                                    

Shin

"Kuya where po are you po going?" Pupungas pungas na tanong ni Vince.

Kakagising nya lang at nagdirecho sya agad sakin. Binutones ko ang polo shirt at hinarap sya. Sinukbit ko ang bag sa balikat at inayos ang buhok nya.

"Work. You stay here." Sagot ko.

Ngumuso sya. "So early po."

"Para maaga akong makauwi." Sagot ko.

"No school for me?" He asked.

I shook my head. "Next week."

"'Kay." Inaantok nyang sabi.

"Go back to sleep." Tinulak ko sya ng bahagya pabalik sa kama.

Kinumutan ko sya at hinalikan sa noo. Pinatay ko ang ilaw bago lumabas ng kwarto. Hindi ko nilock ang pinto at nagdirecho sa baba. Hindi pa rin ako komportable sa malaking bahay na tinutuluyan namin ngayon.

Nagdirecho ako sa kusina para ipaghanda ng makakain si Vince. Ayokong kung ano ano ang kainin nya sa lugar na ito na ikakasama ng kalusugan nya. Nagsiayos ng tayo ang mga guards ng makita ako. One of them even bowed at me.

Nakita ko si Kenn sa kusina. Ngumiti sya ng makita ako at nagalok ng tinapay. Tinanong nya ako kung pasaan ako. Sinabi kong papasok ako sa trabaho at bantayan nya si Vince dito. Unfortunately, sya lang ang pinagkakatiwalaan ko dito.

"Ihahatid na kita. Magbibihis lang ako." Sabi nya.

Tumango lang ako habang naghihiwa ng sibuyas at bawang. Alam kong magmamatigas rin sya kung tatanggi ako kaya hindi na ako kumontra. Nagluto ako ng fried rice, sunny side up, tocino at ginalaw ko na rin ang mga gulay nila.

Pinagtimpla ko ng gatas si Vince at nilagay yun sa ref. Tinakpan ko ang mga pagkain at nagiwan ng notes sa ibabaw para makita ni Vince. Dinamihan ko na kasi alam kong kakain rin ang iba. Kapalit ng paggamit ko sa ingredients nila.

Pagbaba ni Kenn ay lumabas kami agad. Isang itim na mamahaling kotse ang sinakyan namin. Sa likod ako sumakay at tahimik na tumanaw sa labas. Tinext ko si Kuya Knoxx na papasok ako ngayong araw. Hindi ko kasi makontak si Mrs. Mondino.

Nang makarating sa resto ay pinagintay ko muna si Kenn sa labas. Nagdirecho ako sa kusina at kumuha ng tatlong supot ng ramen at side dishes. Binalikan ko si Kenn sa labas at inabot ang paper bag. Binilin ko sa kanya ang gamot ni Vince.

"Welcome back, Shin! Grabe namiss ka namin!" Maingay na sabi ni Miguel ng makabalik ako sa loob.

Wala pang costumer at naglilinis pa lang sila. Wala pa si Mrs. Mondino dito. Napilitan akong magkwento ng maikli sa kanila dahil ayaw akong tantanan ni Kuya V. Pagdating naman ni Mrs. Mondino ay kinausap nya ako tungkol sa sitwasyon namin.

"Nagaalala na ako sa inyo, Shin. Wala na pala kayo sa Apartment nyo? Bumisita kami kahapon kasi iyak ng iyak si Loui, namimiss na raw si Vince. Hindi rin ikaw macontact. Ano ba talaga ang nangyayari ha?" Tanong nya.

"Pansamantala lang po yung paglipat namin. Pinapaayos ko lang po yung linya ng tubig sa unit. Babalik na rin po kami sa susunod na linggo. Pasensya na po kung pinag alala ko kayo." Mahinahon kong sabi.

"Basta tawagan mo agad ako ha? Pamilya nyo na rin kami, Shin. Lagi mong tatandaan yan." Paalala nya bago ako pabalikin sa trabaho.

Dumagsa ang mga costumer kaya naging abala kaming lahat. Nalaman kong binili na ng may ari ang katabing tindahan na gagawing karugtong nitong resto, papalakihin raw. Ipaparenovate rin raw ang resto bago dumating ang Ber months.

Pinakita nila sakin ang istura ng magiging bagong Seoul. Walang masyadong babaguhin, dadagdagan lang ng mga modernong gamit at papalakihin. Hindi ko alam pero kakausapin raw ako ng Architect para sa magiging renovation.

Mischief MiseryWhere stories live. Discover now