Chapter 58

4.9K 150 13
                                    

Lustine

This is so foolish. Foolishly fun.

[Clear?] Luhan whispered through the earpiece.

"Clear." I responded while monitoring the coast.

I'm in charge with clearing and making paths for them. Hindi biro ang mga patibong sa mansyon ng Baltazar. Ang kambal at si Vince ay sumama papasok. Nong una ay ayaw pa pumayag ni Luhan na ipapasok ang bunso namin pero hindi din naman nagpatalo ang bata.

Malaki naman ang tiwala ko na hindi nila papabayaan si Vince, lalo na ni Kenn. He won't do the same mistake twice. Baka tuluyan na nyang hindi mapatawad ang sarili. Isa sya sa pinaka miserableng tao ng mamatay si Vince noon.

"Zach and Kenn, a door at 6:30." I coded when I managed to hack the remaining cctvs.

"Vince, watch out for traps." I told him.

I saw him nod from the cctvs. The side of my lips rose when I saw how dead serious he is. Isa sa mga dahilan kung bakit kampante din akong isama sya dahil sa ugali nyang ito. He posses this natural dangerous presence. Manang mana sa kapatid nya.

"Twins, two assassins ahead." I alerted them when I saw them approaching the direction of the twins and Vince.

Silang tatlo ang magkasama, si Zach at Kenn naman ang magpartner. Ang tauhan naman ni Shin, ang kambal na kasama nya, ay pinasama din samin ni Dad. Nakahiwalay sila samin, nauna sila para bawasan ang mga nakakalat na assasins habang papasok kami.

Nasa labas naman ako, sa van, sa di kalayuan sa mansyon. Wala akong kasama dahil kaya kong protektahan ang sarili ko. Kung hindi ko magagawang makaligtas ay siguradong si Kuya Lucious ang papatay sakin. Inako ko pa naman ang trabaho ng boyfriend ni Lucian.

[We managed to break in.] Sabi ng isa sa kambal na tauhan ni Shin. Bakit hindi ko ba tinanong ang pangalan.

"Wait for the others. Linisin nyo ang dadaanan nila. Si Vince ang papasok." Utos ko.

Yun ang trabaho ni Vince. Sya ang maghahanap at kukuha sa informations na ninakaw samin. Naka bantay naman ang iba sa labas habang ginagawa ni Vince ang trabaho nya. Susubukan din nilang maghanap ng magagamit upang mapabagsak ang mga Baltazar

Hindi kasi pwedeng dalawa o higit pa ang papasok dahil may system ang office ni Don Baltazar na maaactivate ang alarm pag sumobra sa naka register na timbang ang pumasok. Weight lang ni Don Baltazar ang naka register, pwedeng kumulang pero hindi pwedeng sumubra.

Si Vince ang pinaka magaan samin kaya sya ang papasok. Si Kenn sana pero nagpumilit si Vince kaya wala din kaming nagawa. Hindi ko alam kung magandang bagay ba na nasasanay sya agad sa ganitong gawain pero hindi namin ito maiiwasan dahil ipinanganak kami para dito.

"Vince, what are you doing?" Napatuwid ako ng upo ng makitang may kinakalikot sya habang naglalakad.

Humarap sya sa isang cctv para ipakita ang chocolate na binabalatan. Napa hampas na lang sa noo ang kambal, napabuntong hininga naman ako. Kahit saan talaga ay hindi mailulugar ng batang 'to ang katakawan nya sa matatamis.

[You're in the middle of a mission, Vince. Don't do that.] Sermon ni Kenn na animo'y alam na agad ang ginawa ng bunso namin.

[Palibhasa diabetic.] Bulong ni Vince habang binubulsa ang chocolate na dala, nakalimutan yatang naka earpiece sya.

[Pauuwiin kita.] Banta ni Kenn.

Isa ito sa nagbago sa kanilang dalawa. Hindi na ganong spoiled si Vince kay Kenn, marahil ay nadala sa dating nangyari. Though konting lambing lang ay bumibigay din ito, pero sa ganitong mga sitwasyon ay madalas na nasusunod si Kenn dahil hindi makapalag pa si Vince.

Mischief MiseryWhere stories live. Discover now