Chapter 23

5.1K 170 17
                                    

Lucious

"Vander dalhin mo 'to."

Utos dito.

"Vander bilisan mo."

Utos don.

"Vander ilagay mo 'to don."

Utos nanaman.

"Vander ihinto mo yung sasakyan."

Utos ulit.

"Hoy Vander, kumilos ka nga."

Utos pagkatapos nong isa.

"Vander itapon mo yung basura."

Utos ulit.

"Vander kunin mo 'to."

Utos nanaman.

"Vander linisan mo 'to."

Nakarinig nanaman ako ng utos.

"Vander!"

Ayan na, utos ulit.

"Vander yung hinihingi ko!"

"Aisshh! Can you please give me a break?!" Frustrated kong singhal sa kanya ng utusan nya nanaman ako.

"Then leave." Tangging sagot nya at tinalikuran ako.

Hinang hina akong bumagsak sa sahig dahil sa pagod. Ako ang umayos ng lahat ng dala namin mula sa mga pagkain at appliances. Binilhan kasi namin si Vince ng Air Conditioner Fan at Do It Yourself na malaking wood na kama.

Naglinis ako ng apartment at nagtapon ng basura. Pinalitan namin ang ref nila at ako rin ang gumawa non. Bumili ng malaki laking TV at bagong mga damit ni Vince. Ako ang may dala ng lahat pauwi dito at nagbuhat paakyat ng apartment.

Ginawa nya 'kong alalay! Ni hindi nya 'ko tinulungan kanina kahit muntik na akong mahulog sa hagdanan! He's so heartless! I've never been this degraded in my whole life! I don't follow orders, I make orders! Aish! This bastard.

"Kuya here po, water po." Sumulpot ang anghel na si Vince na may dalang malamig na tubig.

"Give me!" Excited kong inabot ang pitchel at don na mismo uminom.

"Bastos." May tumamang kutsara sa ulo ko.

Nabulunan ako at sunod sunod na umubo. Para akong naghihingalo dahil sa bilis ng paghinga ko. I smacked my chest many times and coughed hard. Putangina! Para akong mamamatay!

"Kuya! That's bad!" Angal ni Vince at naramdaman ko ang maliit nyang kamay sa likod ko.

"We don't tolerate squater manners in our small house, Vince. Marami ngang pera pero hindi magawang bumili ng manners." Shin smugly replied.

Damn. My ego got stepped on.

Masama ko syang tiningnan pero nakatalikod na sya. Binaba ko ang pitchel at huminga ng malalim. Masyado na nyang sinusubukan ang pasensya ko. Pasalamat sya at wala akong dalang baril ngayon kundi talagang patay sya sakin!

"Kuya Lucy here po oh, dry yourself po." Vince handed me a tissue.

"Thanks." I smiled and wiped myself.

"Sorry po kay Kuya po ah, bad raw po kasi yung paginom directly sa pitcher po." Ngumuso sya.

"I know, uhaw na uhaw lang talaga ako kaya hindi ko nagawang magbaso." I replied.

"Next time po wag nyo na lang pong uulitin para hindi ka po mapagalitan ni Kuya po." Paalala nya pa at kinuha ang pitchel para ilagay sa sink.

Inis kong binitawan ang tissue na durog durog na. Basang basa ako at hindi madadaan sa tissue ang pagpapatuyo sa damit ko. Kahit pantalon ko ay basa rin. Nakakainis naman. Hinding hindi ako uuwi ng ganito ang itsura!

Mischief MiseryWhere stories live. Discover now