Chapter 14

5.7K 185 3
                                    

Shin

"It's been a while, Jae. How are you?" Diane sweetly asked as she sipped on her hibiscus tea.

"Fine." Maikli kong sagot.

Ngumiti sya sakin. "Hindi ka pa rin nagbabago. Hindi ka pa rin ngumingiti."

Nagiwas ako ng tingin. Gusto ko ng umalis pero nagrequest sya ng personal waiter dahil nandito sya sa may VIP room. Hindi ko inaasahan ang bigla nyang paguwi at pagpapakita sakin. After three years, she showed herself again to me.

"Umupo ka nga. Ako ang nangangalay sayo e." Tumawa sya.

"Hindi ako nangangalay." Tanggi ko

Lumabi sya at binaba ang tasa ng tsaa. "So cold naman, Jae."

"Shin." Sabi ko.

"Huh?" Taka nyang tanong.

"Shin ang pangalan ko. Wag mo 'kong tawaging Jae." Sabi ko.

She pursed her lips and awkwardly smiled. "I-I forgot.. sorry."

I shrugged my shoulders and looked away. Saktong nagtama ang mata namin ng lalaking may pulang buhok. Ngumisi at kumaway pa talaga sya ng makita ako. Bukas ang pintuan ng VIP room as per Diane's request kaya nakikita nya kami.

Nakasandal sya sa pader at talagang pinapakitang nanonood sya. Inis ko syang tiningnan. Nasa tabi nga lang pala ang VIP room na madalas nyang gamitin. Kumirot ang mata ko ng makita ang matingkad na kulay pula nyang damit. Mula ulo hanggang paa.

"Don't you miss me, Shin?" Malungkot nyang tanong.

Binalik ko ang atensyon sa kanya. "Hindi."

She sadly nodded. "I-I understand."

Hindi ako umimik at sumulyap na lang sa relong suot. Marami na sana akong naserve na pagkain sa ilang minutong pagtatahan ko dito sa loob. Kung pwede ko lang sana syang iwan dito. Kaso parte ng trabaho ko ang pagstay dito bilang personal waiter.

"I-I'm really sorry, Shin. I didn't mean to li-" I cutted her off.

"Aalis na 'ko. May papalit sakin dito maya maya." Sabi ko at tinalikuran sya.

"Tsk, how tragic." The devil said.

I glared at him and went to the kitchen. Binigay ko kay Miguel ang apron ng VIP room pati na ang tray.

"Papasok na 'ko. Ikaw na don." Simple kong sabi at kinuha ang gamit sa Staff room.

"Shin pahatid nga muna nito." Inabutan ako ng tray na may tatlong mangkok ng ramen ni Mang Isko.

"Busy sila, ikaw muna bago ka umalis. Tips rin yan." Kumindat pa ito sakin.

Bumuntong hininga ako at dinala ang pagkain sa VIP area. Tumibok ang sentido ko ng marealize kung kaninong pagkain ang dala ko. Malawak ang ngiting sinalubong ako ng demonyo na syang umorder nito at pinagbuksan pa ako ng pinto.

Nilapag ko sa mesa ang mga bowl saka umambang aalis na sana ng isarado nya ang pinto at humarang sa daan ko. Kumunot ang noo ko at tiningnan sya.

"Tabi, ang laki mong harang." Sabi ko.

"So hot headed.. palamig ka nga muna ng ulo. Come on, let's take a sit." Nakangiti nyang sabi at ginaya ako paupo.

Sinikmat ko ang braso ko mula sa kanya at lumayo. Kinunutan ko sya ng noo. Nagkibit balikat sya at umupo ng prente. Hinalo nya ang ramen sa mabagal na paraan. Nairita ako sa kinikilos nya. I suddenly remembered my plan earlier.

"You're so rude, aalis ka e kumakain pa ako. Tapos wala ka pang planong magpaalam, tsk. You're very far from being the best Kuya that Vince told me. " Parinig nya.

Mischief MiseryWhere stories live. Discover now