Chapter 60

5.4K 155 18
                                    

Shin

"Tapos na ang parte ng mga Vanders, tayo naman ang kailangang kumilos, Shin." Yan ang bungad sakin ng ama ko ng maka uwi ako.

Ang luma naming bahay ay may nakatagong bahay pa pala sa ilalim. Nagtaka ako kanina kung bakit dito kami nagpunta pero mabilis na nasagot ang tanong ko ng bumukas ang lupa at nagkaroon ng ramp pababa para daanan ng sasakyan.

"Nagawa nilang kunin at burahin ang mga ninakaw na impormasyon. Pati ang mga nanakaw satin noon ay nabawi din nila. Wala na silang hawak laban sa atin, maging sa mga Vander. Pero hangga't membro sila ng Major clans, hindi matatapos ang kaguluhan." Pagpapatuloy nya.

"Kaya kailangang tuluyang mapatalsik ang Baltazars at El Diablo sa Major clans. At magagawa lang natin yun kung matatalo natin sila sa gera." Aniya.

Gera. Panibagong gera na naman. Ang huling gera ay nangyari ilang taon na ang nakakalipas, nong panahong namatay si Luciana. Ilang buwan bago tuluyang huminto ang gera, at nagsimulang manahinik ang Baltazars at El Diablo.

Yun din ang panahon na napunta kami sa mga Portugals.

"Pasisimulan ng Vanders ang gera pag pumayag ka na. Yun ang sabi ni Lucifer sakin sa telepono kanina." Imporma nya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit ako?"

Makahulugan nya akong tiningnan. "Declaring a war means you're ready to turn over the NOrg to Vince, Shin."

Natigilan ako at napakuyom ang kamao. Ngayon naiintindihan ko na. Bakit ko nga ba muntik na makalimutan ang tungkol don? Ito ang sinasabi kong nawawala, ang NOrg. Ito ang kulang, kaya hindi ko lubusang maintindihan ang lahat pero ngayon ay naalala ko na.

"He's too young." Giit ko.

"I know. Kaya ikaw ang bahalang magdesisyon. Pupunta sila dito bukas, gusto nilang makipag usap kaya dito ka na matulog." Paliwanag nya.

"Hindi pwede. May nagiintay sakin." Mabilis na apila ko.

"Tatawagan ko ang Vanders. Kung gusto mo syang pasunurin dito, ayos lang. Basta hindi ka pwedeng umalis." Pagod nyang sabi.

Kumunot lalo ang noo ko. "Si Vince ang tinutukoy ko na nagiintay sakin."

"Ahh." Walang pakialam nyang sagot.

Damn you. Barilin kita dyan e.

"Matutulog na 'ko, matulog ka na din." Paalam nya at iniwan na lang ako basta basta.

Sumakto namang tumunog ang phone ko. Tumatawag ang panganay na Vander.

[Can I go there?] Yun agad ang sinabi nya.

"Hmm. Dalin mo ang kapatid ko." Sagot ko.

[Okay, wait for us.] He said, and I think I heard something like a yey or a yay.

"Nasa baba ang mga bedrooms. That's the kitchen, you can use it." Dragon's assistant told me, naiwan pala sya.

"'Kay. You can rest now. Thank you." I nodded at him.

"Thank you, my lord." He bowed with respect and followed my father.

My lord, my lord. Korni nyo.

Nagintay ako ng ilang minuto bago bumukas ang flatform na kisame. Binaba ang isang pulang Mercedes. Lumapit ako ng kaonti hanggang sa sumara ulit ang flatform. Mabilis na bumukas ang magkabilang pintuan ng kotse.

"Kuya!" Si Vince ang unang lumapit sakin.

He hugged me so tight. "I missed you."

"Where are we?" Sumunod na lumapit si Vander, nililibot ang mata sa lugar.

Mischief MiseryWhere stories live. Discover now