Chapter 42

4.5K 133 3
                                    

Lucious

"Dad, anong pinagusapan nyo?" I immediately went near to my father who just entered the house.

Tumingin ako sa likod nya, looking for Shin but he's nowhere to be seen. I was anxious at my father's troubled face. Masama ang pakiramdam ko sa ekspresyon nyang 'yon.

"Nothing so serious, it's just about the Baltazars." He replied dismissively.

My eyes squinted. He's lying.

"Where's the boy?" He looked for Vince.

"The twins brought him outside. Ipapasyal daw nila." Sagot ko, nanatiling nakatitig sa kanya.

"That's good." Tumango sya.

"I'll be very busy starting today, tell Noa if you needed something. Have a great day, son." He mysteriously smiled and went upstairs with his cane clicking on the steps.

Hindi ako mapanatag kaya lumabas ako at tinawag si Kenn. Galing sya ng garden, may dalang maliit na device. Mabilis ko 'yong kinuha bago pa may makakitang iba. Tinago ko sa bulsa ng jeans na suot at binigyan sya ng makahulugang tingin.

"Susunod lang po ako kina Vince, baka kailangan po nila ako don." Pagpapaalam nya.

Hindi ko sya binigyan ng pansin at nagtungo sa garden. Wala si Shin don, sinabihan agad ako ng mga reaper na nasa fish pond sya, sa likod ng mansion. Nagpunta ako agad sa likod at nandon nga sya, nagpapakain ng mga samut saring uri ng isda

Mga alaga 'yan ng kambal. Parang aquarium ang style nito pero nakalubog sa lupa at walang matinong hugis. May manmade falls kung saan nagmumula ang tubig. Linggo linggo ding nililinisan at pinapalitan ng tubig ng mga maid.

"Hey." I approached him gently.

"Sshh." Suway nya agad sakin at talagang sinamaan pa ako ng tingin.

I was taken back and couldn't react. The fuck?!

Pinanood ko na lang ang bawat galaw nya. Maingat at tahimik syang gumagalaw habang dahan dahang naglalagay ng fish food sa pond. Nagkumpulan ang mga isda na iba't iba ang kulay sa harap nya, nagaagawan sa pagkain.

Inis syang mapasinghal ng tumunog ang cellphone nya, nagalisan ang mga isda dahil sa takot. Sumimangot sya at sinagot ang tawag. Nagsalubong ang mga kilay nya. Mabilis lang natapos ang tawag at nakasimangot pa din syang humarap sakin, paalis na.

"Where are you going?" Maagap kong tanong.

"Seoul. Kailangan ng dagdag tao, dinagsa daw sila." Sagot nya at nilampasan ako.

"Ihahatid na k--" I was cutted off.

"Boss! Code Black!" Natutulirong sigaw ng reaper na sumalubong samin sa tapat ng double door.

Naalerto ako, maging ang iba pang reaper na nakakalat. Napuno naman ng pagtataka ang muka ni Shin pero nagkibit balikat lang ito at nagdirecho sa may gate.

"Hey! Wait!" Habol ko sa kanya.

Fuck this! I think I need to take care of this urgent matter first. Arghh!

"You! Bring him to the restaurant. I'll kill you when he gets hurt!" Utos ko sa reaper na pinakamalapit sa kanya.

"Take care, babe! I'll fetch you later!" Pahabol ko pang sigaw bago nagmamadaling pumasok ng mansion.

Nagdirecho ako sa conference room kung saan nagtitipon ang bawat Pillar ng Organisasyon. Samut saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Code Black is something that rarely happens. Code Black means extreme danger for the Organization.

Mischief MiseryWhere stories live. Discover now