Chapter 41

4.4K 151 13
                                    

Dedicated to: happyy__ava. Enjoy!

"Yes, babe?" Humiwalay sya agad sakin para tingnan ako.

Umiling ako at nag iwas ng tingin. How can I ignore those resemblence they possess? Mula sa mata hanggang sa ilong at labi. Medyo matapang nga lang ang features ni Lucious dahil na din sa dugo ng ama at dahil sa lalaki sya, mas masculine ang itsura nya.

"May problema ba?" He asked again.

Umiling ako ulit at bumuntong hininga. Naalala ko bigla ang kapatid ko. Baka kung ano ano na ang pinagkukwento nya sa mga kasama nya sa baba. Umamin sya sakin kanina bago sya matulog na nagkwento sya sa matandang Vander.

Madaldal talaga kahit kailan.

"Si Vince?" Tanong ko.

"Downstairs. He's with the boys, including Dad." Nakatingin nyang sagot.

Tumayo ako para lumabas. "Tara."

He immediately followed after. "Kumain ka na? Ang sarap nong empanada."

"Oo." Alam ko. Gusto ko sanang idagdag pero wag na lang.

Nagdirecho kami sa kusina at nakita ko ang kapatid ko kasama ang maga-amang Vanders. Nagpapa bibo nanaman ang kapatid ko na panay ang bungisngis habang may hawak na piraso ng empanada na may kagat, naka kandong pa sya sa matandang Vander.

"Vince." Tawag ko.

Mabilis na nagsilingunan ang mga ito sa gawi namin kahit na si Vince lang ang tinawag ko. Agad syang bumaba sa matandang Vander na inalalayan pa syang mabuti bago nagtatakbo papunta sakin. Sobrang lapad ng pagkakangiti nito, mukang pusa.

"Kuya! They enjoyed the empanada po! Ang sarap daw po!" Masaya nyang sabi.

Tipid akong ngumiti at hinila sya palapit sakin. Nagtaka sya pero ngumiti kalaunan. Yumakap sya sa bewang ko at kiniskis ang muka saking tyan. Humarap ako sa mga Vander na nahuli kong pinapanood kami. I gave them blank look.

"Can I speak with you, Mr. Vander." Sabi ko sa matandang Vander.

Bahagya pa syang nagulat. Naningkit naman ang mga ng kanyang mga anak, lalo na ang lalaking nasa tabi ko lang. Kalaunan ay tumango din ang matanda at tumayo. Bumaba ang tingin ko kay Vince na parang pusang kinikiskis ang muka sakin.

"Vince." I called, he turned to me once again.

"Po? Po? Po?" Maligalig nyang tanong, naging hyper na nga.

"Dito ka muna, babalikan kita." Sabi ko.

Kumalas naman sya sakin at kay Lucious yumakap na parang tuko. Tinanguan ko sila bago sumunod sa matandang Vander. Ramdam ko ang panonood ni Lucious sa bawat galaw ko. Kakaiba din ng biglang pagbabago ng ekspresyon nya sa muka.

Imbis na tumaas ay lumabas kami ng mansion. Huminto kami ng makarating sa patio na nakatayo sa gitna ng garden. Madaming nakakalat na guards ang makikita sa paligid, ng mapansin ang pagdadalawang isip ay pinaalis nya ang mga guards.

Umupo sya kaya umupo na din ako. Kakaiba ang ekspresyon nya sa muka. Huminga ako ng malalim, ayokong patagalin pa 'to.

"Luciana, your wife is.." I trailed off.

His eyes squinted. I looked away. "She's the one who raised Vince, she takes care of us when our parents are away."

Our parents are always away and busy. Twing weekends lang namin sila nakakasama ng buong araw. Our mom's a resident doctor while our father is a private investigator. Lagi silang busy twing weekdays, laging walang oras para samin.

Mischief MiseryWhere stories live. Discover now