Chapter 39

4.5K 143 4
                                    

Lucious

"Answer me! Where did you go?!" Galit na tanong ko at hinila sya.

Kumunot lalo ang noo nya habang nakatingin kay Alistair, ang sumipol. Bumaba ang pinsan ko mula sa mataas na pader ng mansyon at kaswal na naglakad palapit samin. Hinila ko si Shin papunta sakin.

"My, my. Why do you look so familiar?" Al's eyes squinted.

Ako naman ang kumunot ang noo. Naglaban ng tingin ang dalawa. Mas lalo akong nagtaka pero lamang ang inis. I covered Shin's eyes and hid him behind me. Mamaya ko na sya papagalitan. He has an explanation to do.

"Umuwi na kayo. Everyone, thank you for your time." Mariin kong sabi.

Nagbow ang mga tauhan namin, ang mga pinsan ko'y nagdirecho sa kanya kanya nilang mga sasakyan. Kahit ang ibang mga kaalyansa namin ay nag paalam na. Pinasalamatan ko sila ulit bago hinarap si Ali na hindi mawala ang tingin kay Shin.

Tumikhim ako. "You should go too, Alistair."

He just hummed and glanced at Shin for the last time before ordering his reapers to go. Sumakay sila sa isang itim na Jimny at umalis na. Pumasok na rin ang mga kapatid ko. Nalinis ang nagdadamihang tao sa harap ng mansyon namin.

"Let's go." Inis kong sabi at hinigit sya papasok.

"Kuya!" Sinalubong sya ni Vince na agad syang niyakap.

"He's so worried about you, ni hindi mo man lang sinabi kung saan ka pupunta." Inis kong asik sa kanya.

"Umuwi ako." Tipid nyang sagot at hinila ang kapatid pataas.

"Where are you going? Maguusap pa tayo!" Humabol ako sa kanila.

"Pagod ako, lumayas ka." Malamya nyang sabi at pinagsarhan ako ng pinto sa muka.

Napaawang na lang ako ng labi habang di makapaniwalang nakatunganga sa labas ng kwarto. Nang matauhan ay napamura na lang ako sa inis at sarkastikong tinawanan ang sarili, muka akong tanga. Bwisit talaga ang hambog na yun.

"Kuya, can we talk?" Salubong sakin ni Lucian ng makababa ako.

Umupo ako sa gitna ng sofa, nakapalibot silang apat sakin. Nagbago ang ekspresyon ng muka ko ng makitang seryoso rin sila.

"Nalaman kong sa isang hacker sya nagpunta, may cctv syang pinapatingnan. Umuwi sya sa kanila, may mga nagpunta na sa apartment nila para maghalughog. Mukang naunahan na tayo ng mga Baltazar." Matigas na sabi ni Lucian.

Hacker? May kilala syang hacker?

"Anything else? Nalaman mo ba kung anong laman ng cctv file?" Tanong ko.

Nagiwas sya ng tingin, that answered my question. Nahulog ako sa malalim na pagiisip. Kailangan kong malaman kung anong nakuha nila o kung may nakuha ba sila sa apartment ni Shin. Kailangan ko ring makuha ang cctv file na yun bago nya magawa.

"Get the cctv, reaper na ang bahalang magtingin non." Utos ko sa kanya.

He hesitated. "Shin knows him, Kuya and the other way around. Posibleng malaman ni Shin na ang gagawin natin."

Tumalim ang mata ko. "More reason to do it. Hindi na nya kailangang makipagkita ulit sa hacker na yun."

My Shin is mine, fucking mine!

Lucian only sighed and excused himself. Kukunin na nya mismo ngayon ang inuutos ko. Hindi namin pwedeng patagalin pa dahil baka kumilos nanaman si Shin basta basta. It's too dangerous for him and his safety. Lalo na't nandito ang mga El Diablo.

There's a big posibility that they will use Shin and Vince against us, just like the Baltazars. Kung hindi nila kami matalo ng direchahan, gagamit sila ng mga taong alam nilang lubos kaming maaapektuhan. At ang magkapatid ang target nila ngayon.

Mischief MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon