Chapter 20

5.3K 162 18
                                    

Shin

"Hey, what's your name nga?" The guy pouted like a duck.

Sino ba 'to. Kanina pa sya ah. Hindi na ako tinantanan. Feeling close. Hahampasin ko 'to ng upuan.

My face crumpled. "Don't talk to me."

"Kuya!" Saway ni Vince.

"You can call my Kuya, Shin po! And I'm Vince po!" Bibong sabi ng kapatid ko.

Lumawak ang ngiti ng lalaki. "Wow. Nice name naman!"

Vince giggled. "Of course po!"

Napaismid ako. Nagusap na silang dalawa. Pareho silang madaldal. Nakakainis dahil napakafriendly naman ng kapatid ko. Nakakainis kasi dahil sa pagiging friendly nya lagi syang nasasaktan. They're always hurting my brother.

"Uuwi na kayo?" Tanong nito sa kapatid ko.

Tumango si Vince. "Yes po. Magaling na raw po kasi ako sabi po ni Doctora Clara po."

Tumaas ang kilay nito. "Si Clara ang doktor mo?"

"Yes po! Kilala nyo po?" Sagot ng kapatid ko.

"Hmm.. yeah." Mahina nitong sagot.

Natanaw ko si Doktora na pabalik na. Muka itong problemado. Kumunot lang lalo ang noo nya ng makita ang lalaking kausap ng kapatid ko at bumilis ang paglapit samin. Guess they really knew each other.

"Luhan! What are you doing here?" Tanong nya.

The guy smiled. "Clara. Kuya sent me here, may susunduin raw ako."

Realization dawned at the Doctor's face. "Where is he?"

The guy averted his eyes. Clara sighed and turned to me.

"Shin, sya ang maghahatid sa inyo. Don't worry, kilala ko sya at mapagkakatiwalaan yan." Sabi nito.

Hindi ako umimik dahil wala naman akong choice. Kinuha ng lalaki ang bag namin ni Vince. Nagpaalam kami kay Clara bago sumunod sa lalaki papunta sa labas ng Hospital. May itim na Ranger na nakaparada sa labas na agaw pansin.

Pinagbuksan nya kami ng pintuan sa backseat. "Get in."

"Wow! Ang laki po ng car mo po!" Manghang sabi ni Vince ng makaupo sa loob.

The guy proudly smirked. "Thanks. Marami ka na bang car na nasakyan?"

Umiling ang kapatid ko. "No po. One lang po ang lagi ko pong nasasakyan."

"What is it? A Rover? Sports car? A Lambo perhaps?" Sunod sunod nyang tanong.

Ngumiti ang kapatid ko. "Ambulance po."

Napawi ang excitement sa muka ng lalaki at sumulyap sakin. Tinaasan ko sya ng kilay kaya napaiwas sya ng tingin. Pinaandar nya na ang sasakayan at pinagpatuloy ang pakikipagdaldalan sa kapatid ko na tuwang tuwa naman sa kanya.

"Teka, pasaan pala tayo?" Bigla nitong tanong.

Tumibok ang sentido ko sa inis. Sisinghalan ko na sana sya pero naunahan ako ni Vince. Ito ang nagsabi ng address namin.

"Malapit lang naman yun diba? Why don't we eat first? Gutom na kasi ako e." Nakanguso nyang sabi.

Tumaas ang kilay ko at papahintuin na sana ang kotse para bumaba na kami pero nauna ng sumangayon ang kapatid ko dahil gutom na rin raw sya. Wala naman akong choice dahil Lunch time na rin. Sa Seoul kami nagpunta.

"Masarap ba foods dito?" Curious nitong tanong habang papasok kami.

I frowned. "Kung ayaw mo dito e di kumain ka sa ibang lugar mag isa mo."

Mischief MiseryWhere stories live. Discover now