Chapter 15

5.9K 174 24
                                    

Shin

"Kuya kain na po." Sinundot ako ni Vince mula sa kama nya.

"Sige lang. Tatapusin ko lang 'to." Walang lingong sabi ko.

I'm finishing our report. Labag man sa loob ko ay humiram ako ng laptop kay Mica para matapos na 'to. Ang sabi kasi ng Prof namin ay pwedeng hindi ako umattend ng reporting basta may ambag ako sa report kaya ginagawa ko 'to kahit gabi na.

Hindi na rin ako pinagtrabaho ni Ma'am Luna ngayong hapon. Ang sabi nya ay pag magaling na si Vince saka ako bumalik sa trabaho. Hindi na ako tumututol tutal may pera naman ako. Sinundot ako ulit ni Vince, sobrang kulit naman.

"Sabi mo po bad po magskip ng meal po. You said na kakainin po ng worms natin ang intestines po natin kasi hungry na po sila. So eat already po, Kuya, or your worms will eat your intestines po." Pananakot pa nito sakin.

Bumuntong hininga ako at tiningnan sya. Nakadapa sya sa kama habang nakatunghay sakin. Bumalik na ang dati nyang sigla kaya panatag na ako kahit papaano pero gusto ko pa ring imonitor ang lagay nya hanggang sa makalabas sya ng lugar na ito.

Kaya ginagawa ko na ang report namin para hindi ko na kailangang pumasok sa Biyernes kung kailan ang reporting namin. Gusto kong bantayan ng maayos si Vince habang nandito sya sa Hospital. Ayokong dikit sya ng dikit sa lalaking yun.

"Bili po ni Kuya Kenn yan! Masarap po Kuya!" Masaya nyang sabi.

Tumango lang ako at nagsimulang kumain. Yung Kenn na yun.. hindi ko alam kung kailan sya naging close sa kapatid ko. Sabi ni Doc Clara ay mapagkakatiwalaan ang lalaking yun pero hindi ako naniniwala. Tagasunod yata sya ng mansanas na yun.

Umismid ako at kumain na lang. Tinapos at niligpit ko ang pinagkainan at pumasok sa banyo ng kwarto para magmumog at maghilamos. Gabi na at kailangan ng matulog ni Vince. Nakainom naman na sya ng gamot nya na binigay ni Doktora.

"Kuya tabi po tayo dito dali." Tinapik nya ang kama nya.

Umiling ako at humiga sa sofa. Inabot ko ang switch ng ilaw sa may ulunan ko at pinatay yun. May lamp shade sa gilid ni Vince para makikita ko pa rin sya kahit papaano. Kinumot ko ang kumot na binigay ni Doc Clara sakin kanina at tumingib sa kanya.

"Tulog na, good night." Bahagya akong ngumiti sa kanya.

Ngumuso sya. "Dito ka nga po sa tabi ko."

"Dito na lang ako. Sige na, tulog na." Nginitian ko sya ulit at pumikit.

Ilang minutong binalot ng katahimikan ang kwarto hanggang sa maramdaman ko ang kapatid ko sa ibabaw ko. Natawa na lang ako at hinayaan syang humiga sa dibdib ko. Sinigurado ko ring komportable sya. Naglalambing ang kapatid ko.

"Good night po, Kuya ko." Bulong nya at hinalikan pa ako sa ilong.

Yumakap ito sakin at ganon rin ako. Bahagya kong dinilat ang mata para silipin sya. Nakangiti sya sa pagtulog kaya napangiti na rin lang ako. Hinalikan ko sya sa ulo at hinayaang matulog. Hindi naman siguro masama ang posisyon namin.

Tinanghali ako ng gising. Paggising ko ay kumakain na ng almusal ang kapatid ko na dala ni Kenn. Inaasahan ko na ang pagpunta nya dito pero hindi ng kasama nya. Nalukot ang muka ko ng makita ang pula nyang kasuotan, gaya kahapon.

"Vince." Tawag ko sa kapatid na nanonood ng TV.

Mabilis syang lumingon sakin at kumaway. Magulo ang itim nyang buhok at medyo sumingkit ang mga mata.

"Good morning po, Kuya! Breakfast in bed po?" Masigla nyang bati.

"Good morning." Tinanguan ko sya at tiniklop ang kumot na ginamit.

Mischief MiseryWhere stories live. Discover now