Chapter 47

3.8K 123 25
                                    

Shin

It's been how many years since the last time I got beaten by someone. Years after I bleeded. Years after I lost consciousness. Every punch, every kick, every hit from an iron pipe, baseball bat, and a tube. It feels nostalgic, feels to familiar, feels like home.

For me. But for my brother, it's hell.

"H-Hit him again and I-I'll kill you!" Galit kong singhal sa hayop na sumuntok sa kapatid ko.

Humalakhak lang ito at iniwan kaming tatlo sa pinagkulungan samin. My brother was unconscious, not because he was punched but because of exhaustion and fear. Kenn, on the other hand, was tied onto the wall, also unconscious because they've been torturing him.

"Wala pa din bang balita? Aren't they making a move yet? Ilang oras na nating hawak ang magkapatid." Rinig kong paguusap ng mga bantay.

Nasa madilim at malawak na kwarto kami. Nasa may pintuan sila na ilang metro ang layo samin. Sobra dumi ng lugar, natatakot ako na baka malanghap ni Vince ang mga alikabok. Pero mas natatakot ako sa magiging epekto ng pananakit nila sa kanya.

"Wala pa daw e. Kanina pa nga naiinip si Boss. Baka nga daw wala talagang pakialam ang mga Vander sa mga 'yan." Sagot nong isa.

Kumuyom ang kamao ko. "V-Vander.."

Binigo mo ako.. kagaya ka lang ng iba. Puro salita. Puro kasinungalingan.

"S-Shin.." Pabulong na tawag sakin ni Kenn na nagising na.

I feel pity for him. Sabog ang muka nya at tadtad ng dugo ang katawan dahil sa mga sugat na natamo. Lupaypay ang katawan at kung di lang sya nakatali ay kanina pa sya bumagsak. Ilang oras syang binugbog at pinahirapan ng mga kumuha samin.

Baltazars.. at El Diablo. Nagsabi pwersa pa ang mga engkanto, tangina.

"P-Papunta na s-sila.. konting tiis na l-lang.." Manghihina nyang sabi.

Kumunot ang noo ko. "How did you know?"

Ngumiti sya na nauwi sa ngiwi. Nakapikit ang mga mata nya dahil sa pamamaga. Halatang pinipilit nya lang magsalita.

"V-Vander dogs knows w-what their owners s-smells like." Nakangiti nyang sabi at bumagsak ang ulo, he fainted again.

Hindi ko alam kung ilang oras ang nasayang habang nanatiling nakatingin lang ako sa kapatid ko. Nagising sya kanina ng pumasok ang mga kumuha samin at pinakain kami. Kahit si Kenn na nakadikit sa pader ay pinakain din nila, kailangan pa itong subuan.

Nakatulog silang pareho pagkatapos kumain. Nabawasan ang pagalala ko sa kapatid ng makitang walang takot sa mga mata nya kundi pagod. Gusto kong magalit sa sarili dahil alam ko kung bakit tila ba sanay sya sa ganitong sitwasyon.

We practically grew up in an environment like this. Of course masasanay sya. Na hindi naman dapat nangyari. He's just a kid. Sobrang bata nya pa para maranasan ang mga ito pero dahil sa kapabayaan ko, unti unti na kaming nahihigit ng tinatakasan naming nakaraan.

Hindi ko magawang makatulog dahil sa pagbabantay sa kanila. Minsan kase ay pumapasok na lang basta basta ang mga kumuha samin. Sinisigurado yata kung buhay pa kami. Aalis din naman sila pag nakita na ang mga lagay namin at isasarado ulit ang bakal na pinto.

"K-Kuya, I'm cold." Namamaos na sabi ni Vince at sumiksik sakin.

Dahil nasa dagat at nasa ilalim na bahagi ng barko, napakabilis ng pagbaba ng temperature sa kinakukulungan namin. Kanina ko lang nalaman kay Kenn kung nasaan kami. Dungeon daw ito ng barko ng El Diablo, yong bumisita noon sa mga Vander.

I got worried again when Vince started to cough really hard. Kahit si Kenn na nagising dahil sa pag ubo nya ay sobra din ang pagalala. I tried my best to embrace him really tight to give him warmth. Kinakabahan ako sa biglang pamumutla ng balat nya.

Mischief MiseryWhere stories live. Discover now